Mabilis at patuloy na inter-border na paggalaw ng produkto, serbisyo, capital, teknolohiya, ideya, impormasyon, kultura, at nasyon
Hindi maaaring unawain ang globalisasyon sa konteksto lamang ng politika, ekonomiya, o capital, bagkus sa iba pa ring mga dimension tulad ng teknolohiya, kultura, at impormasyon
Integrasyon ng ekonomiya, politika, at lipunan ng iba't ibang bansa
Nagbibigay ng kalayaan sa mga tao, pagdating sa usapan ng komunikasyon, paglalakbay, investment, at pagpapalawak ng market
Transference
Pagpapalitan ng mga bagay sa pagitan ng dalawang pre-constituted units (maaaring politikal, ekonomikal, at kultural)
Transformation
Ang proseso ng globalisasyon ay nakakaapekto sa pagbabago ng buong sistema sa mga yunit na bumubuo rito, tulad ng kalayaan para umaksyon para sa sarili niya, ang kanyang mga kakayahan, at ang kanyang pagkakakilanlan
Transcendence
Tinatanggal ang pagkakaiba sa kung ano ang sistema at kung ano ang yunit. Ang globalisasyon ay hindi lamang nakapagbabago sa buong sistema at ang mga yunit nabumubuo rito, pati na rin sa conditions of existence kung saan ito matatagpuan
Ang termino "globalisasyon" ay unang ginamit sa konteksto ng edukasyon at internasyonal na relasyon noong 1930 at 1950
Ang salitang "globalisasyon" ay unang pumasok sa mga talahuluganan sa Merriam Webster Third New Internaional Dictionary noong 1961
Ang termino "globalisasyon" ay sumikat at naging madalas gamitin sa mga aklat ukol sa teorya ng social change noong 1990s
Ang globalisasyon ay nagsimula sa ekonomikal na perspektibo noong 1870-1940, kung saan may malayang paggalaw sa kalakal, kapital, at tao
Ang pag-unlad ng globalisasyon ay naantala dahil sa dalawang digmaang pandaigdig noong 1918-1941
Pagkatapos ng digmaang pandaigdig, ang layunin ay patungo sa internasyonal na integrasyon noong 1945
Pagkatapos ng Cold War, ang mundo ay naging mas naging isa, maaaring sa pamamagitan ng pag-iisa ng ilang kultura o sa paglaganap ng kapitalismo
Ang global na komunikasyon tulad ng Internet ay nagiging instrumento upang pagbuklodin ang mundo
Ang mundo ay mas naging mulat sa mga pandaigdigang suliranin tulad ng climate change
Mga panahon ng globalisasyon
Early History
Pakikipagkalakalan ng Parthian Empire, Roman Empire, at Han Dynasty
Medieval
Age of Discovery
Pre-Modern hanggang Modern Period
Modern Era
Ang tatlong misconception tungkol sa globalisasyon ayon kay Eriksen (2014) ay: 1) Ang globalisasyon ay nagmula noong 1980, 2) Ang globalisasyon ay isa lamang uri ng economic imperialism o Westernization, at 3) Ang globalisasyon ay naglalayon ng homogenization
Mabubuting epekto ng globalisasyon
Pagbabawas ng mga Gastos sa Transportasyon at Komunikasyon
Pag-unlad ng Teknolohiya
Liberalisasyon sa Internasyonal na Pamilihan
International Trade Agreements
Competitive advantage
Kakayahan ng isang bansa, industriya, o kumpanya na magbigay ng mga kalakal o serbisyong may mas mataas na kalidad o mas mababang presyo kumpara sa kanilang mga katunggali
Trade Barriers
Mga patakaran sa kalakalan na nagbabawal o naglilimita sa kalakalan ng isang bansa sa iba pang mga bansa
Tariff
Isang uri ng trade barriers sa kalakalan kung saan isang buwis ang ipinapataw sa mga inaangkat upang taasan ang presyo ng mga ito sa lokal na merkado
Protective Tariff
Mataas na buwis na ginagamit upang protektahan ang mga hindi gaanong epektibong domestic industries
Revenue Tariff
Isang uri ng buwis na sapat ang taas upang magdulot ng kita, ngunit hindi gaanong mataas upang pigilan ang kalakalan
Duksyon
Pagbawas sa tariff at non-tariff barriers sa mga papaunlad na ekonomiya
Protective Tariff
Mataas na buwis na ginagamit upang protektahan ang mga hindi gaanong epektibong domestic industries
Halimbawa: Malagos Chocolate mula sa Davao = 300.00 php/lb, Swiss Chocolate na inaangkat mula sa Europa = 275.00 php/lb, Pilipinas nagdaragdag ng taripa na £1.5 o 102.00 php, Ngayon ang presyo ng Swiss Chocolate ay 377 php/lb
Revenue Tariff
Isang uri ng buwis na sapat ang taas upang magdulot ng kita, ngunit hindi gaanong mataas upang pigilan ang mga inaangkat
Halimbawa: Malagos Chocolate mula sa Davao = 300.00 php/lb, Swiss Chocolate na inaangkat mula sa Europa = 275.00 php/lb, Pilipinas nagdaragdag ng taripa na £.25 o 18.00 php, Ngayon ang presyo ng Swiss Chocolate sa Pilipinas ay 293.00 php/lb, mas mura pa rin kaysa sa Malagos Chocolate ngunit sapat na upang kumita ang gobyerno
Countervailing Tariff
Isang buwis na ipinapataw sa inaangkat na kalakal upang lumikha ng patas na pagkakataon para sa lokal na kalakal at mga kalakal na gawa sa ibang bansa
Halimbawa: Malagos Chocolate mula sa Davao = 300.00 php/lb, Swiss Chocolate na inaangkat mula sa Europa = 215.00 php/lb, Pilipinas nagdaragdag ng taripa na £1.25 o 85.00 php, Ngayon pareho nagkakahalaga ng 300.00 php bawat libra ang Malagos Chocolate at Swiss Chocolate sa Pilipinas
Non-tariff Trade Barriers
Mga patakaran sa kalakalan na hindi kabilang sa taripa
Embargo
Legal na pagbabawal ng kalakalan sa isang bansa
Halimbawa: Ang US ay kasalukuyang may embargo sa komunistang Cuba, ibig sabihin, walang sinuman sa US ang maaaring magkalakal o bumili ng mga kalakal mula sa Cuba
Quota
Tumutukoy sa limitasyon o bilang ng mga produkto na maaring iangkat o maipadala mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa
Halimbawa: Ang Pilipinas ay maaaring mag-import lamang ng 10,000 lbs ng Swiss Chocolate kada taon
Dumping
Pagbenta ng mga kalakal sa ibang bansa ng mas mababa sa gastos ng produksyon nito, maaaring ito ay isang paraan upang maalis ang surplus o labis na kalakal, o upang mawala ang kompetisyon, ito ay labag sa batas sa pandaigdigang komunidad
Ang malayang kalakalan ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga bansa na magkaroon ng specialization sa kanilang mga produktong ipinangangalakal
Specialization ng Pilipinas
Information Technology and Business Process Outsourcing (IT-BPO)
Electronics and Semiconductors
Agricultural Products (bananas, pineapples, mangoes, and coconut products)
Garments and Textiles
Mining and Natural Resources
Tourism
Competitive advantage
Nagreresulta sa mas mababang presyo sa mga konsyumer, mas maraming pagpipilian sa produkto, economies of scale, at mas matinding kompetisyon
Economies of Scale
Pagkakaroon ng mas mura at mas mabilis na produksyon dahil sa pagtaas ng produksyon sa pamamagitan ng mas malaking produksyon
Self-sufficiency
Kakayahan ng isang bansa na magsuplay ng mga pangunahing pangangailangan nito sa loob ng sarili nitong teritoryo, nang hindi umaasa sa ibang bansa para sa mga produkto at serbisyo
Ang kalakalan sa pagitan ng mga bansa ay hindi pa ganap na malaya, marami pa ring restriksyon sa kalakalan
Nakatutulong sa mahihirap na bansa sa pamamagitan ng pagtanggap nila ng dayuhang kapital at teknolohiya at ang kanilang partisipasyon sa internasyonal na kalakalan
May ilang mga trade restrictions na maaaring makasama sa mga mahihirap na bansa, tulad ng taripa sa angkat na steel at taripa o quota sa mga produktong inaangkat ng mahihirap na bansa
Sa usapang teknolohiya, maaaring matulungan ang ilang maliliit na bansa, ngunit may ilang malalaking bansa ang maaaring kumopya ng teknolohiya ng ibang mauunlad na bansa