Yunit 5 ppt

Cards (74)

  • batayang teoretikal - Nakapaloob dito ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaralan ng mananaliksik gayundin ang mga ideya at konseptong dapat palitawin sa ginawang pananaliksik sa tulong ng mga teoryang may kinalaman sa paksa.
  • batayang teoretikal - Ito ay konektado sa mga literatura na ginamit para sa pananaliksik. Sa batayang teoretikal din nakasaad kung paano nabuo ang isang pananaliksik.
  • batayang teoretikal - ito ay tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, teorya at kahulugan na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng isang penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa isang paksang pinag-aaralan.
  • DONA VICTORINA SYNDROME - Isang seryosong kaso ng inferioritycomplex o kawalan ng kompyansa sa sarili na panganib sa pag-unlad ng bansa dahil ito ay direktang paibayo sa direktang pagmamahal sa bansa
  • AYON SA PHILIPPINE CULTURAL EDUCATION, Ang nasyónalismo ay isang sistema ng paniniwala o ideyolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong
  • SA PHILIPPINE EJOURNALS NAMAN, Sinabing ang nasyonalismo o makabayang pilosopiya ay tumutugon hindi lamang sa pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot para sa lipunan. Layunin ng pilosopiyang ito na iangat at mapaunlad ang pamumuhay ng isang tao. Kung ang lahat ng mamamayan ay maunlad, kasabay nito ang pag-unlad na rin ng kanyang lipunan
  • (LICHAUCO, 1968) Bahagi ng nasyonalismo ang paggigiit sa soberanya ng bansa, kalayaan, at pag-asa sa sarili kakayahan
  • AYON SA AKDANG “NATIONALISM” (2009) NI ANTHONY SMITH, ANG MGA KAHULUGAN NG NASYONALISMO AY MAAARING NAGMULA SA PAGKAKAROON NG NASYON.
  • Objective Factors Mga kahulugang nakatuon sa wika, relihiyon, asal, teritoryo, at institusyon.
  • Subjective Factors Tumutukoy sa mga kahulugang nakasentro sa mga saloobin, pang-unawa, at sentimyento ng mga mamamayan.
  • Sa perspektiba ng politika at sosyolohiya, mayroong tatlong paradigm upang maunawaan ang pinagmulan at batayan ng nasyonalismo: 1. primordialism (perrenialism) 2. ethnosymbolism 3. modernism
  • Primordialism (perrenialism) Ang nasyonalismo ay isang likas na penomena na kinakaharap ng bawat nasyon.
  • Ethnosymbolism - isang paradigmang komplikado, nakabatay sa perspektibo ng kasaysayan, at ipinaliliwanag na ang nasyonalismo ay isang dinamiko, ebolusyonaryong penomena na kinasasangkutan ng historikal na kahulugan, sa pamamagitan ng subhektibong ugnayan ng nasyon sa kanyang pambansang simbolo
  • modernism - Nagmumungkahi na ang nasyonalismo ay dapat tingnan bilang pinakabagong penomenang panlipunan na nangangailangan ng istrukturang sosyo-ekonomiko ng makabagong lipunan
  • Sa aklat nina San Juan et al, (2019), nabanggit na sa isang bansang dating kolonya gaya ng Pilipinas, isa sa mga karaniwang lente ng pagsipat sa mga pananaliksik ang mga diskurso sa nasyonalismo
  • Isang magandang halimbawa ng pagdidiskurso sa nasyonalismo ang “Miseducation of the Filipino” ni Renato Constantino, na malayang isinalin ni Martinez sa Filipino bilang “Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino.
  • TEORYANG DEPENDENSYA - Ang paniniwala na ang pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa "sentro" ng mayayamang estado, kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa
  • teoria de la independencia o teorya ng dependensiya at nakaugat sa amerika latina
  • Ito ay sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang mahihirap na estado ay pinagkaitan at ang mayayaman ay pinagkalooban sa paraan kung paano isinama ang mahihirap sa "pamamalakad ng mundo.
  • Ang teoryang dependensya ay umusbong bilang isang reaksyon sa teoryang modernisasyon kung saan ang lahat ng lipunan ay umuunlad sa pamamagitan ng magkakaparehong hakbang sa pagsulong, kung kaya ang tungkulin sa pagtulong sa mga lugar na hindi makawala sa kahirapan ay iahon sila sa dapat na panglahatang landas ng pag-unlad sa iba’t ibang paraan kagaya ng pamumuhunan, pagbabahagi ng teknolohiya, at mas malapit na integrasyon sa mundong pangkalakalan.
  • Ilan sa mga kilalang teorista ng teoryang dependensya ay sina Raúl Prebisch at Theotônio dos Santos, na kapwa mula sa Amerika Latina
  • Ayon kina a Raúl Prebisch at Theotônio dos Santos, ang pagsasamantala ng mga bansang industriyalisado sa mga bansang mahihirap ay sa pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya na nakaapekto rin nang malaki sa sistemang politikal at kultural ng bansa
  • Sa pananaw naman ni Constantino at ng iba pang nasyonalista, ang anumang programang pang-edukasyon ay walang saysay kung hindi nito isinasaalang-alang ang kaunlarang ng mga mamamayan ng bansa. Ibig sabihin walang saysay ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa ito’y sumunod sa “pamantayang global. ”
  • Sa kabuuan, binigyang-diin ni Constantino na hangga’t kontrolado ng mga dayuhan at ng mga Pilipinong elite na kanilang kasabwat ang ekonomiya, politika, at kultura (kasama na ang edukasyon) ng Pilipinas, mananatiling mahirap at walang pag-unlad ang mayorya ng sambayanang Pilipino
  • MARXISMO Isang metodo ng sosyo-ekonomikong pagsusuri na kung saan ay tinitignan ang ugnayan ng klase (class relations) at tunggaliang panlipunan (class conflict) gamit ang materyalistang interpretasyon ng pag-unlad ng kasaysayan (materialist interpretation of historical development) at ginagamitan din ng diyalektikal na pananaw ng transpormasyong panlipunan o social transformation. -(Maranan, 2018)
  • MARXISMO Gumagamit ng ekonomiko at sosyo-pulitikal na paguusisa ang metodolohiyang Marxista na siya namang ginagamit sa analisis at kritika ng pag-unlad ng kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri sa sistematikong pagbabagong pang-ekonomiya. Ang kaisipang ito ay pinukaw ng dalawang Alemang pilosopi - sina Karl Marx at Friedrich Engels — noong kalagitnaan hanggang huling-bahagi ng ika-19 na siglo
  • Ang mga analisis at metodolohiyang Marxista ay nakaimpluwensiya sa maraming ideyolohiyang pulitikal sa kilusang panlipunan. Umiikot ang Marxismo sa isang teoryang pangekonomiya, sosyo lohikal, metodong pilosopikal, at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan
  • Itinataguyod ng Marxismo ang materyalistang pag-unawa ng pag-unlad ng lipunan, simula sa gawaing pang-ekonomiya na kinakailangan ng sangkatauhan upang matugunan ang mga materyal nitong pangangailangan
  • Ayon sa Marxistang analisis, nagaganap ang tunggalian ng mga uri sa kapitalismo dahil sa paglala ng mga kontradiksiyon sa pagitan ng produktibo, mekanisado at maayos na paggawa ng proletariat, at ng pribadong pagmamay-ari at pribadong paglalaan ng labis na produkto sa anyo ng labis na halaga (o kita) ng iilang pribadong nagmamay-ari na tinatawag na burges
  • Ang Marxismo sa Pilipinas (San Juan, et al, 20199) ay karaniwang ginagamit sa panunuring pampanitikan kung saan, sa ganitong kontekstoay inaalam ang uring panlipunan (social class) na nasa teksto, pelikula, at iba pa; ang tunggalian ng mga uring panlipunan; ang nang-api at inapi, nagsamantala o pinagsamantalahan ang pagkakalarawan sa mga karakter; ang pagbangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ng mga karakter; ang paraan ng pagsamantala sa iba ng ilang karakter; at kung aling uring panlipunan ang nagtagumpay sa huli.
  • Ang pokus Feminismo ay nakatuon naman sa pang-aapi o pagsasamantala sa isang partikular na kasarian (babae).
  • Ipinaliwanag sa sanaysay ni Taguiwalo (2013) na may pamagat na ”Ang Marxistang Lapit sa Isyu ng Kababaihan” ang malinaw na ugnayan ng Marxismo at Feminismo. Konektado rin sa Marxismo ang perspektibang “mga tinig mula sa ibaba” ni Teresita Gimenez Maceda.
  • SA KONTEKSTONG PILIPINO, ANG PAG-AKLAS/ PAGBAKLAS/ PAGBAGTAS NI TOLENTINO (2009) AY ISA SA MGA MABISANG ADAPSYON NG MGA IDEYANG MARXISTA SA PANUNURING PAMPANITIKAN
  • pag aklas - Bilang impetus sa panunuring historikal at panlipunan na susing kawing ang panitikan
  • pagbaklas - Bilang pagbuwag sa naunang formalistiko at makasentrong sining na panunuring pampanitikan;
  • pagbagtas - Bilang mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing nagsasaalangalang ng makauring panunur
  • Ang salitang “pantayo” ay binuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na “tayo” at unlaping “pan” na ang kalalabasang kahulugan ay “mula sa amin – para sa amin
  • Ang pantayong pananaw ay isang deskriptibong konsepto na tumutukoy sa anumang kalipunan na nagtataglay ng pinag-isa at panloob na artikulasyon ng linggwistik-kultural na istruktura ng komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan ng pagkakaisa ng layunin at dahilan ng pananatili
  • Ang pakikibaka ng Tanggil Wika laban sa banta ng pagsira sa wikang Filipino ay maaaring binabalutan ng konteksto ng pantayong pananaw. Ang mga pangkat etniko at mga kalipunang sosyal, kasama ang mga kababaihan at LGBT na naghahanap ng pantay na pagtingin ay dapat ring tingnan sa pagtataglay nito ng pantayong pananaw (Maranan, 2018).
  • may tatlong mahahalagang sangkap ang Pantayong Pananaw na binanggit sa aklat ni Maranan (2018) 1. Dulog etic at emic; 2. Pag-unawa at pagpapaliwanag; 3. Suliranin ng ideolohiya