Pagbasa

Cards (37)

  • Tukuyin ang Problema
    •Ito ang unang hakbang sa proseso ng pananaliksik. Ito ay ang pagtukoy sa mga problema o ang pagdebelop ng katanungang pampanaliksik.
  • Rebyuhin ang Literatura •Ito ang ikalawang hakbang. Ang hakbang na ito ay magbibigay sa mananaliksik ng mga batayanh kaalaman hinggil sa paksa at ito rin ang magtuturo sa mananaliksik kung ano-ano na ang mga pag-aaral na isinagawa ang mga naunang pag-aaral.
  • Linawin Ang Problema
    •Ito ang ikatatlong hakbang. Sa hakbang na ito, nililinaw ng mananaliksik ang kanyang mga problema, nililimita o kaya'y pinalalawak kung kinakailangan. Isinasagawa ang hakbang na ito matapos ang pagrerebyu ng literatura. Sa hakbang na ito, inaasahang ang mananaliksik ay hahantong sa mga problemang researchable at higit na limitado ang pokus kumpara sa orihinal na natukoy na problema
  • Malinaw na Bigyang-Kahulugan ang mga Termino at Konsepto
    •Ito ang ikaapat na hakbang. Ang hakbang na ito ay nag-iiwasan sa kalituhan. Kailangan ito upang maunawaan nang higit ang pananaliksik ng mga mambabasa nito
  • Termino at Konsepto
    •Ay mga salita o parilala na ginagamit para sa layunin ng paglalahad ng layunin at eskripsyon ng pag-aaral.
  • Ilarawan ang Populasyon
    •Ito ang ikalima ng hakbang. Ang hakbang na ito ay makatutulong sa mananaliksik sa pamamagitan ng paglilimita ng saklaw ng pag-aaral mula sa napakalawak na populasyon. Natitiyak ng mananaliksik na siya ay nananatili sa tamang landas sa kabuuan ng proseso
  • Populasyon •Pagtukoy ng pangkat na sangkot sa pag-aaral na sa pananaliksik
  • Idebelop ang Plano ng Instrumentasyon
    •Ang plano ng pananaliksik ay tinatawag na Plano ng Instrumentasyon. Nagsisilbi itong mapa sa kabuuan ng pag-aaral. Tinutukoy sa planong ito kung sino-sino ang sangkot sa pag-aaral, maging paano at kailan kokolektahin ang mga datos.
  • Kolektahin ang mga Datos
    Napakakritikal na hakbang ito sa pananaliksik dahil dito makukuha ang mga impormasyong kailangan upang masagot ang mga katanungang inilahad sa mga suliranin ng pag-aaral
  • Suriin ang mga Datos
    •Ang mga resulta ng mga pagsusuri ay kanya ring rerebyuhin at lalagumin batay sa mga katanungang inilahad sa mga suliranin ng pag-aaral
  • Isulat ang Papel Pampananaliksik
    •Maging maingat hinggil sa Grammatical at typographical errors •Kailangang-kailangan ang kasanayan sa organisasyon ng mga ideya •Pagsasaalang-alang ng pangangailangan ng kaisahan (unity) •Pagkakaugnay-ugnay (coherence) •Diin (emphasis) sa pagsulat ng talaan
  • Iulat ang Resulta ng Pag-aaral
    •Ito ang kulminasyon ng proseso ng pananaliksik kung masinop na nagawa ng mananaliksik ang mga naunang hakbang. Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng talakayang panel kung ang pananaliksik ay ay ginagawa ng pangkatan.
  • Fly Leaf 1 - Ito ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit na ano sa pahinang ito.
  • Pamagitang Pahina Ito ang pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel.
  • Dahon ng Pagpapatibay
    Ito ang pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
  • Pasasalamat o Pagpapakilala Sa pahinang ito tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat pasalamatn o kilalanin.
  • Talaan ng Nilalaman
    Dito nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
  • Talaan ng Talahanayan at Grap
    Dito nakatala ang bawat pamagat ng bawat talahanayan at\o grap na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
  • Fly Leaf 2
    Ito ay isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
  • Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
  • Panimula o Introduksyon
    Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng panananaliksik.
  • Layunin sa Pag-aaral
    Dito nilalahad ang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
  • Kahalagahan ng Pag-aaral
    Dito inilalahad ang Signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
  • Saklaw at Limitasyon
    Tinutukoy dito ang simula at hangganan ng pananaliksik.
  • Depinisyon at Terminolohiya
    Dito itinatala ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binibigyang kahulugan.
  • KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
    •tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik •tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon. •gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.
  • Disenyo ng Pananaliksik– nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa inyong pamanahong-papel, iminumungkahi ang pinasimple na, deskriptiv-analitik na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at imformasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
  • Respondente – tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.
  • Instrumento ng Pananaliksik - inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at imformasyon. Iniisa-isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang.
  • Tritment ng mga Datos - inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.
  • KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
    •Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.
  • KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON
  • Lagom - Dito binubuod ang mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensivong tinatalakay sa kabanata III.
  • Konklusyon - Ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.
  • Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.
  • Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng
    pamanahong papel.
  • Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito ang mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng sarvey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung anu-ano pa.