Pagbibigay ng depinisyon o kahulugan, Pagbibigay ng klasipikasyon, at Paghahalimbawa- Para sa anumang uri ng teksto na kailangang magbigay linaw ng mga konsepto, maaaring piliin ang isa sa mga hulwarang ito: pagbibigay ng depinisyon at kahulugan, sa tuwing kailangang magbigay ng depinisyon; pagbibigay ng klasipikasyon, sa tuwing ipinagsasama-sama ayon sa mga piling kategorya ang mga nakalistang tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, o ideya; at paghahalimbawa, kapag ang may-akda ay nagbibigay ng mga halimbawa bilang suporta sa paksang kaniyang inilalahad.