Module 3

Cards (27)

  • Ang sektor ng paglilingkod ay gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa.
  • Ang sektor ng paglilingkod ay maaaring pampamayanan, panlipunan, o personal.
  • Ang paglilingkod ay pagbibigay ng serbisyo kaysa sa produkto.
  • Ang pagbabago sa paraan ng pamumuhay ay nagtulak ng karagdagang pangangailangan.
  • Upang makamtan ang episyenteng serbisyo, kailangan ng iba't ibang larangan ng espesyalisasyon sa paggawa.
  • Espesyalisasyon sa paggawa ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman, kasanayan, at kagamitan sa kalakal o paglilingkod.
  • Sub-sektor ng Paglilingkod:
    1. Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan
    2. Kalakalan
    3. Pananalapi
    4. Paupahang bahay at Real Estate
    5. Paglilingkod na Pampribado
  • Department of Labor and Employment - Nagsusulong ng malaking pagkakataon sa pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan at nangangalaga sa kapakanan ng manggagawa.
  • Overseas Workers Welfare Administration - Tumitingin sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers.
  • Philippines Overseas Employment Administration - Itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 at nagsusulong at paunlarin ang mga programa sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at OFW.
  • Technical Education and Skills Development Authority - Itinatag sa bisa ng R.A 7796 noong 1994. Pinirmahan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Agosto 25, 1994. Naghihikayat ng partisipasyon ng industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng manggagawa sa bansa.
  • Professional Regulation Commission - Nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng manggagawang propesyonal upang matiyak ang mahusay na serbisyo.
  • Department of Education - Nagsasagawa ng Integrasyon ng Kurikulum upang masanay sa buhay na makatutulong sa kabuhayan ng pamilya at kita.
  • Commission on Higher Education - Nangangasiwa sa gawain ng pamantasan at kolehiyo sa bansa.
  • R.A #6727 (Wage Rationalization) - Nagsasaad ng mandato sa pagsasaayos ng minimum wage.
  • Holiday Pay - Isang araw na sahod kahit hindi pumasok sa trabaho.
  • Premium Pay - Karagdagang bayad sa manggagawa sa araw ng pahinga at special days.
  • Overtime Pay - Karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa walong oras sa isang araw.
  • Night Differential Pay - Karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa 10% ng kaniyang regular na sahod.
  • Service Charges - Lahat ng manggagawa sa isang establisimyento na kumokolekta ng service charges ay may karapatan sa isang pantay o tamang bahagi sa 85% ng kabuuang koleksyon.
  • Service Incentive Leave - Ang bawat manggagawa na nakapaglingkod ng mahigit sa isang taon ay magkakaroon ng karapatan sa Taunang Service Incentive Leave na limang araw na may bayad.
  • Maternity Leave (Expanded) – Ang bawat nagdadalang-tao na manggagawa na nagtatrabaho sa pribadong sektor ay makatatanggap ng maternity leave na 105 na araw.
  • Paternity Leave – Maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa unang apat na araw mula ng manganak ang legal na asawa na kaniyang kapisan.
  • Parental Leave para sa mga Solong Magulang - Ipinagkakaloob sa sinumang solong magulang o sa indibidwal na napag-iwanan ng responsibilidad ng pagiging magulang.
  • Thirteenth Month Pay - kinakailangan lamang na sila ay nakapaglingkod nang hindi bababa sa isang buwan sa isang taon upang sila ay makatanggap ng proportionate thirteenth month pay.
  • Bayad sa Pagreretiro - Ang sinumang mangagawa ay maaaring iretiro sa sandalling umabot siya sa edad na 60 hanggang 65 na taong gulang at makapaglingkod na ng hindi kukulangin sa limang taon.
  • Benepisyo mula sa GSIS, SSS, PhilHealth, PAG-IBIG