ARALING PANLIPUNAN

Cards (86)

  • Agrikultura
    Isang agham, sining at gawain ng papoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto na tumutugon sa pangangailangan ng tao
  • Sub-sektor ng Agrikultura

    • Panghahalaman
    • Paghahayupan
    • Pangiingisda
    • Paggugubat
  • Suliranin sa sektor ng agrikultura
  • Pagliit ng lupang pansakahan
    • Ayon sa Philippine Statistics Authority may 48 porsiyento ng bilang ng mga lupaing sakahan ang nawawala sa loob ng 32 taon dulot ng patuloy na pag-usbong ng mga real-estate developers na nagtatayo ng pabahay sa bansa
  • Kakulangan sa makabagong teknolohiya
    • Karamihan sa mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lupang kagamitan gaya ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na produksyon. Ang kakulangan ng edukasyon ay nagdudulot rin ng komplikadong pamamaraan lalo pa at bago ito sa kanilang nakasanayan
  • Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa bukirin

    • Dahil sa kawalan ng pag-iimbakan o storage, maraming mga produktong agrikultural na gulay at prutas ang nasisira at nabubulok. Ang kawalan din ng patubig o irigasyon sa bukirin ang isa sa mga kinakahirap ng mga magsasaka dahilan pagkamatay ng mga pananim
  • Pagbabago ng panahon

    • Ang pagbabago ng klima gaya ng tagtuyot, ito ay nagiging sanhi ng pakatuyo, pagkasira ng mga pananim at pagkaunti ng suplay ng tubig sa irigasyon. Ang mahabang tag-ulan naman ay nagbubunga ng pagbaha na nagdudulot din ng pagkasalanta ng mga pananim
  • Pagdagsa ng mga dayuhang-kalakal
    • Nahihirapan ang mga magsasaka na makipagsabayan sa mga presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Dahil dito ay marami ang naapektuhan, huminto at kalaunan ay pinagbili na ang mga lupang sakahan
  • Kakulangan ng supporta ng iba pang sektor

    • Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng ibat'ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang-diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura
  • Mga Batas at Programa

    • Land Registration Act ng 1982
    • Batas Republika Bilang 6657 ng 1988
    • Public Land Act ng 1902
    • Land Emanicipation Act
    • Patakaran at Programa
  • Land Registration Act

    1. Opisyal na pinatatatala ang lahat ng mga titulo ng mga lupa
    2. Kilala bilang Land Registration Authority (LRA)
  • Batas Republika Bilang 6657 ng 1988
    1. Kilala bilang Comprehensive Agrarian Reform Program
    2. Sakop ng batas na ito ang: a. Lahat ng lupaing agricultural na pampubliko na maaring ipamahagi maliban na lang sa lupaing kagubatan at mineral, b. Lahat ng lupaing ginagamit sa agriukulturang pagmamay-ari ng pamahalaan, c. Lahat ng pribadong lupang ginagamit o maaring gawing agrikultural
    3. Layunin nito'y protektahan ang mga magsasaka sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong para sa kanila na may akseso sila sa mga lupain at iba pa. Nais ng Programang ito na tulungan ang pag-unlas ng pagsasakang aspekto ng Pilipinas, pati na rin ang pantay na pakikitungo sa mga mahirap na magsasaka dahil noon, halos lahat ng mga lupain ay may-ari ng mga mayayaman
  • Public Land Act ng 1902
    Napapamahagi ng mga lupang pampubliko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaring magmay-ari ng higit sa 16 na ektarya ng lupain
  • Land Emanicipation Act

    1. Kilala bilang New Agrarian Emanicipation Act o Republic Act No. 11953
    2. Sa programang ito, lahat ng mga lupang sakahang nagtatanim ng palay o mais nang lalampas sa limit na retensiyong 7 ektarya ay bibilhin ng pamahalaan at ipapamahagi sa mga magsasakang walang lupa. Ang lupa ay babayaran ng mga magsasaka nang hulugan ng 10 hanggang 15 taon
  • Sektor ng Industriya

    Nagproproseso ng mga hilaw na materyales o sangkap upang makabuo ng produktong ginagamit ng tao
  • Itinuturing na bahagi ng ating ekonomiya na gumagawa ng produktong para sa intermediate at pinal na pagkonsumo
  • Pangalawa sa pinakamalaking tumutulong sa paglago ng GNP at GDP ng Pilipinas
  • Apat na sangay/sub-sektor ng sektor ng industriya

    • Pagmamanupaktura
    • Pagmimina
    • Konstruksiyon
    • Utilities (Koryente, Gas at Tubig)
  • Pagmamanupaktura
    Ang pagbabagong anyo ng mga organic at inorganic na materyales upang makabuo ng produkto
  • Ang pinakamalaking pangkat ng pagmamanupaktura sa Pilipinas ay ang food processing, makinaryang elektrikal, produktong petrolyo, sapatusan, inumin at basic metals at nonmetallic products
  • Pagmimina
    Ang pagmimina at pagtitibag (mining & quarrying) ay ang pagbubungkal at pagkuha ng mga metal at di-metal na mineral sa ibabaw o ilalim ng lupa
  • Ang pagmimina ay pangunahing industriya sa maraming lalawigan ng bansa
  • Konstruksiyon
    Ang gumagawa ng mga daan at tulay at nagpapatayo ng mga gusaling tumutulong at ginagamit sa pamumuhunan
  • Utilities
    Ang kuryente, Gas at Tubig ang mga pangunahing pangangailangan ng lahat ng sektor ng lipunan
  • Suplay ng enerhiya ang nagpapatakbo sa produksiyon ng lahat ng industriya at sektor ng ekonomiya
  • Pinagkukuhanan ng enerhiya sa Pilipinas ang mga plantang Hydro at Geothermal
  • Micro and Cottage Industry

    Tinatawag na household industries. Ito ay ang pinakamaliit na uri ng pagnenegosyo sa Pilipinas
  • Small-Medium Scale Enterprises

    Ang isang negosyo o kompanya ay kabilang sa SME kung ang bilang ng empleyado ay hindi hihigit sa isang daan (100)
  • Large-Scale Enterprises
    Mass Production o maraming produksiyon ang pinagtutuonan ng pansin ng mga large-scale
  • Kahalagahan ng sektor ng industriya

    • Paglikha ng hanapbuhay
    • Napatataas ng industriyalisasyon ang produksiyon at pagkonsumo
    • Napalalawak ng industriyalisasyon ang pamilihan
    • Nagpapasok ng dolyar sa bansa
    • Kontribusyon sa pambansang kita
    • Nagbibigay ng iba't ibang uri ng produkto
  • Mga suliranin sa sektor ng industriya

    • Pagkaubos at pagkasira ng likas na yaman at kalikasan
    • Pagkalugi ng maliliit na lokal at market-oriented na industriya
    • Trabahong kontraktuwal ng mga mangagawa sa pamamagitan ng mga Job placement agencies
    • Pagpabor sa mga dayuhang namumuhunan
    • Pagpapabaya sa sektor ng agrikultura
    • Negatibong Balance of Trade
    • Kawalan ng malaking kapital upang tustusan ang pangangailangan sa produksiyon
  • Mga patakaran para sa sektor ng industriya

    • Clean Water Act
    • Alternative Minerals Management Bill
    • Biofuels Act of 2006
    • RA 9003 "Ecological Solid Waste Management"
    • Philippine Constructors Association
  • Sangay ng pamahalaan na tumutulong sa sektor ng industriya

    • Department of Trade and Industry
    • Board of Investments
    • Philippine Economic-Zone Authority
    • Securities and Exchange Commission
  • Ugnayan ng sektor ng agrikultura at sektor ng industriya
    • Parehong nakikinabang ang bawat sektor sa isa't-isa
    • Ang sektor ng agrikultura ang nagsusuplay ng mga hilaw (raw materials) na sangkap upang makagawa ng mga bagong produkto
    • Ang mga modernong kagamitang ginagamit sa sektor ng agrikultura ay produkto ng sektor ng industriya
    • Kapag umuunlad ang sektor ng industriya ay napapaunlad din ang sektor ng agrikultura
    • Ang kita mula sa agrikultura ay maaaring gamiting pambili ng iba pang makinarya na lalong nagpapalaki sa kita ng sektor ng industriya
    • Nagpapataas ng demand sa agrikultura ang industriya at nagpaparami naman ng suplay sa agrikultura ang industriya sa tubig at makinarya
    • Ang sektor ng indusriya ang nagproproseso ng mga produktong nanggagaling sa sektor ng agrikultura
    • Ang mga mangagawang iniwan na ang pagsasaka ay sinasalo ng sektor ng industriya
  • Dahilan Bakit Pumasok ang mga Mamamayan sa Impormal na Sektor

    • Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
    • Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksyon sa pamahalaan o tinatawag na bureaucratic red tape
    • Kawalan ng regulasyon sa pamahalaan
    • Mapangibabawan ang matinding kahirapan
  • Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis- Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis
  • Banta sa kapakanan ng mga mamimili - Maaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa quality control standards ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines (RA 7394) kung kaya't ang mamimiling tumatangkilik dito ay maaring mapahamak,maabuso o mapagsamantalahan
  • Paglaganap ng mga ilegal na gawain- Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na kung minsan ay mga gawaing illegal o labag sa batas
  • Conterfeiting
    • Paggawa ng mga huwad na produkto o replica ng mga orihinal na ibinibenta sa mga mamimili
    • Maaari din gawan ng counterfeit ang salapi
  • Black Market
    • Ilegal na kalakalan o pakikipagkalakalan sa mga produkto o serbisyo na hindi sumusunod sa mga batas at regulasyon ng isang bansa
    • Tulad ng mga produkto ng luho, armas, sigarilyo, alkohol, at maging mga serbisyo tulad ng prostitusyon at ilegal na pagtatrabaho