Ap 7

Cards (35)

  • Kolonyalismo at imperyalismo
    Ang pagsakop at pamamayagpag ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya
  • Dahilan
    • Ekonomiya
    • Pangangailangan sa likas na yaman
    • Pamumuhay sa mataas na antas
  • Paraan
    • Pagsakop
    • Pakikipagkalakal
    • Pagpapalaganap ng kulturang kanluranin
  • Digmaang Opium
    Digmaan sa pagitan ng Tsina at Britain na naganap noong 1839. Bunga ng pagbabawal at pagwasak ng Tsina sa mga kalakal na opyo ng mga British
  • Epekto ng Treaty of Nanjing
    • Paglipat ng Hong Kong sa Great Britian
    • Pagbabayad ng pinsala ng Tsina sa Britain na nagkakahalaga ng $21 milyon
    • Pagbubukas ng limang daungan sa Tsina sa dayuhang pangangalakal
    • Pagtatakda ng Tsina ng regular at mababang taripa sa mga kalakal
    • Pagkilala sa "right of extraterritoriality"
  • Ang rebolusyong politikal na nag-alis sa Tokugawa Shogunate at nagsulong sa modernasyon ng Japan ay tinawag na Meiji Restoration
  • Ang pangunahing dahilan ng pagsakop ng mga Español sa Pilipinas ay ang kahalagahan nito bilang tuntungan patungo sa Moluccas o Spice Islands
  • Lumaki ang kahalagahan ng Pilipinas sa Spain nang mabuo ang Galleon Trade o Kalakalang Galyon
  • Pagpasok ng mga Kanluranin sa Pilipinas
    1. Itinatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang kauna-unahang permanenteng pamayanan ng mga Español sa Cebu noong 1565
    2. Sinakop ni de Legazpi ang Maynila noong 1571 at hinirang itong kabisera ng Spain sa Pilipinas
    3. Napasakamay na ng Spain ang karamihan sa mga baybayin ng Luzon at hilaga ng Mindanao sa pagtatapos ng ika-16 na siglo
  • Asimilasyon
    Itinuro at ipinalaganap ng mga Español sa mga Pilipino ang kanilang relihiyon, mga gawi, at kultura upang mapatatag ang kontrol nito sa mga Pilipino
  • Epekto ng pagsakop
    • Sinimulan nila ang Urban-based thinking
    • Lumaganap ang pang-aalipusta at pang-aabuso sa mga Pilipino na itinuturing ng mga Español bilang mas mababang lahi
    • Nauwi ito sa mga patakarang hindi pantay sa mga Pilipino at nagsisilbi lamang sa interes ng mga kolonyalista
  • Ang Kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Larangan ng Sining, Humanidades at Palakasan
    • Musika at Sayaw
    • Panitikan
    • Palakasan
    • Sining-Biswal
    • Arkitektura
  • Cariñosa
    Ang pambansang sayaw ng Pilipinas
  • Cariñosa
    1. Pinalitan nito ang sayaw na Tinikling bilang pambansang sayaw noong 1992
    2. Isang masayang sayaw ng magkaparehang lalaki at babae na animo'y nagliligawan
    3. May hawak na panyo at pamaypay ang babae habang mayuming umiindak
    4. Ito ay representasyon ng katangian ng Dalagang Pilipina
  • Mga katutubong awit na popular sa mga Pilipino
    • Bahay Kubo
    • Leron-leron Sinta
  • Mga subersibong panitikan
    • Noli Me Tangere
    • El Filibusterismo
  • Iba't ibang uri ng panitikan sa Pilipinas
    • Epiko
    • Mito
    • Alamat
    • Kwentong-bayan
    • Tula
    • Balagtasan
    • Bugtong
    • Kasabihan
  • Palakasan
    Isang porma ng pagsasalu-salo at pagkakaisa
  • Ang kulturang ito ay lalong naging palasak nang maging kampeon sa larangan ng boksing si Manny Pacquiao
  • Mga tradisyunal na laro sa Pilipinas
    • Sipa
    • Tumbang-preso
    • Patintero
    • Piko
    • Luksong-lubid
    • Saranggola
  • Calligraphy
    Ang sining ng magandang pagsusulat na nagmula sa China
  • Paper-folding
    Ang sining ng pagtutupi ng papel upang makabuo ng iba't ibang imahe, tawag sa Japan bilang origami
  • Arkitektura ng Hilagang Tsina
    • Sinasalamin nito ang mayamang kasaysayan ng bansa, pati na ang katatagan at lakas ng loob ng nasyong Tsino
  • Arkitektura ng Japan
    • Kilala sa kanilang mga nagagandahang templo at pagoda, tulad ng pagoda ng Muro-ji na nagpapakita ng sinaunang sining ng panahong Heian
  • (1603-1867)
    Edo Period o Tokugawa Period
  • (1868-1912)

    Meiji Period
  • Mga transpormasyon sa iba't ibang aspekto ng pamayanan at estado
    • Pamamahala
    • Kabuhayan
    • Teknolohiya
    • Lipunan
    • Paniniwala
  • Sining at Kultura

    • Lumaganap ang mga sining ng Kanluranin
    Spoliarium ni Juan Luna
  • Modernisasyon
    transpormasyon mula sa tradisyonal, rural at agraryong lipunan patungo sa sekular, urban, at industriyal na lipunan
  • Westernization - adopsyon ng o kombersyon sa mga Kanluraning kaisipan, tradisyon at pamamaraan
  • Layunin
    Nasusuri ang mga Pamamaraang Ginamit sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa Pagtatamo ng Kalayaan mula sa Kolonyalismo
  • Pagtamo ng Kalayaan mula sa Kolonyalismo
    1. Kooperasyon
    2. Pakikilahok
    3. Pakikipag-negosasyon
  • Pilipinas (1898-1946)

    Nakipagtulungan ang mga nasyonalistang Pilipino sa mga Amerikano upang makakamit ng mga reporma sa pulitika at sa edukasyon. Nagtaguyod ang mga Amerikano ng isang demokratikong pamahalaan para makalahok ang mga Pilipino. Tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946 sa pagtatapos ng WW2.
  • Antagonismo
    Ang mga paraan kung saan aktibong tumanggi, nag-aklas o nakipagdigma ang mga nasyonalistang kilusan upang mapatalsik ang mga pamahalaang kolonyal sa kanilang bansa.
  • Korea (1910-1945)

    Sa panahon ng WW2 ay nagdeklara ang Provisional Government ng Korea ng giyera sa mga Hapon, at nakipagtulungan ang mga rebolusyonaryong Koreano sa mga Allies. Nakamit ng Korea ang kalayaan noong August 15, 1945 sa pagtatapos ng digmaan.