Tumatalakay sa kung paano nasabi o kung ano ang paraan ng pagkasabi ng isang salita kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi. Halimbawa nito ay ang bilis o bagal ng pagsasalita, tono, impleksyon ng boses, pagtawa, paghikab, buntong-hininga, pagungol at kahit na ang pananahimik o hindi pag-imik