aralpan 4th Q10

Cards (112)

  • Itinatakda ng Artikulo IV Seksyon 3 ng Saligang Batas na ang pagkamamamayan ay maaaring mawala ngunit ito ay maaari ring maibalik
  • Ang mga dayuhang nagnanais na maging mamamayang Pilipino ay sumasailalim sa proseso ng naturalisasyon upang makamit ito
  • Ang pagiging aktibo sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay isang paraan upang magampanan nang mahusay ang iyong mga tungkulin bilang mamamayang Pilipino
  • Ipinapakita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng pakikipagkapwa tao
  • Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kanyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit niya ng kanyang mga karapatan para sa kagalingang panlahat
  • Ang simpleng pagsunod sa mga naipatutupad na batas ay palatandaan na tayo ay isang mabuting mamamayan
  • Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, ang mamamayan ay isa lamang tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan
  • Kahit na nakapag-asawa ng isang dayuhan ang isang Pilipino, siya ay ituturing pa rin na isang mamamayang Pilipino hanggat hindi niya itinatakwil ang kanyang pagka-Pilipino
  • Ang dalawahang katapatan ng isang mamamayan ay hindi salungat sa kapakanang pambansa at hindi nalalapatan ng kaukulang parusa
  • Isang paraan ng pagpapakita ng pagiging mabuting Pilipino ay ang tapat na pagbabayad ng buwis
  • Ang pagkakatatag ng mga pansibikong organisasyon katulad ng NAMFREL na ay palatandaan na ang mga mamamayan ay hindi na lang nagmamasid kundi gumagawa ng aksyon para magampanan nito ang kanyang tungkulin sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng bansang kinabibilangan
  • Ang prinsipyo ng pagkamamamayan na jus soli ay nakabatay sa lugar ng kapanganakan ng indibiduwal
  • Pagkamamamayan
    Pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa, ayon sa itinatakda ng batas
  • Hindi lahat ng naninirahan sa bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira na hindi kasapi rito
  • awa upang magampanan mo at maisakatuparan ang iyong mga tungkulin at mapag-alaman mo ang iyong mga pananagutan bilang isang mahalagang elemento ng estado, bilang mamamayan
  • Halina't iyong pag-aralan ang konsepto ng pagkamamamayan
  • Mga Uri ng Karahasan at Pang-aabuso

    • Psychological
    • Emotional
    • Sexual
    • Economic
  • Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado
  • Ang pagkamamamayan ay may mga batayan at ito ay nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas
  • Sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino

    • Ang mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas na ito
    • Ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas
    • Ang mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang
    • Ang naging mamamayan ayon sa batas
  • Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino
  • Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas
  • Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito
  • Ang dalawahang katapatan ng pagkamamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan nang kaukulang batas
  • Jus Sanguinis
    Naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila
  • Jus Soli
    Naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang
  • Maaaring maging mga balidong sanhi ng pagkawala ng pagkamamamayan ng isang Pilipino
    • Naturalisasyon sa ibang bansa
    • Expatriation o kusang pagtalikod sa pagkamamamayan
    • Panunumpa ng katapatan ng Saligang Batas ng mga banyaga pagsapit ng 10-20 taon
    • Paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa
    • Pag-aasawa ng dayuhan at pagsunod sa pagkamamamayan nito
  • Paraan ng pagbabalik ng nawalang pagkamamamayan

    • Naturalisasyon
    • Repatriation
    • Aksyon ng Kongreso
    • Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa Sandatahang Lakas ng bansa
  • Ang sibika ay tumutukoy sa pagiging mabuting mamamayan ng bansa
  • Ang pag-unlad na hinahangad ng isang estado na matamo ay nakakamit nito kung ito'y pinahihintulutan ng pinakamahalaga nitong elemento - ang mamamayan
  • Ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa kasanayan, katalinuhan, at paggawa na ipinapamalas ng mga mamamayan
  • Ang mga bansang demokratikong republikano tulad ng Pilipinas ay inaasahang mabigyan ng kaganapan ang pagsasabuhay ng mga prinsipyo at mga gawaing nagsusulong ng demokrasya
  • Ang kapangyarihan na pumili ng pinuno ay nasa kamay ng mga mamamayan
  • Ang mga nahalal na politiko na kumakatawan sa mga tao ay inaasahang magsilbi para sa kapakanan at kagalingang panlahat
  • Ang mga tao ay may karapatan na sila'y patalsikin at isulong ang mga pagbabago na kanilang hinahangad tungo sa kaunlaran
  • Ang sistema ng eleksiyon sa bansa ay kontrolado ng iilang makapangyarihang tao na kadalasang nanggaling sa iisang partido o pamilya at ang kanilang mga tagasuporta
  • Nakipaglaban ang mga Pilipino para matamo ang mga pagbabago o reporma na hinahangad para sa bansa
  • Isulong ang mga pagbabago na kanilang hinahangad tungo sa kaunlaran
  • Nagagawa ng mga tao ang kanilang tungkulin sa bayan kung sila ay napabibilang o aktibong nakibabahagi sa mga usaping may kinalaman sa ekonomiya at politika
  • Ang dalawang bagay na ito ay hindi maitatangging mayroong malaking impluwensiya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat tao