Pagbasa at Pagsusuri 4th Quarter

Cards (64)

  • Good (1963)
    ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, displinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.
  • Aquino (1974)
    sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at lalapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos at susundan ng isa pang esesnyal na gawain- ang paghahanda ng kanyang ulat-pampananaliksik.
  • Manuel at Medel (1976)
    Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin ng isang syentipikong pamamaraan.
  • Parel (1976)
    Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan.
  • MASIPAG
    Hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik.
    Kung magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang datos, kakulangan ng katibayan para sa kanyang mga pahayag at mga hindi mapangatwirang kongklusyon.
  • MATIYAGA
    Kakambal ng sipag ang tiyaga.
    Sa pangangalap kasi ng mga datos, kailangan maging pasensyoso ang isang mananaliksik.
    Kapag inaakala niyang kumpleto na ang mga datos, maaaring imungkahi pa rin ng kanyang guro/tagapayo ang pagdaragdag sa nauna nang mga nakalap na datos.
  • MAINGAT
    Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos, kailangan maging maingat ang isang mananaliksik.
    Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkilala sa pinagkunang datos at pinagmulan ng anumang ideya, ang pag-iingat ay kailangan upang magingkapani-paniwala ang mga resulta ng pananaliksik.
  • SISTEMATIKO
    Kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa pagkasunod-sunod.
  • KRITIKAL O MAPANURI
    Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain. Pinaglalaanan itong buhos ng isip, kailangan maging kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag-ieksamen ng mga impormasyo, datos, ideya o opinion
  • Ang pananaliksik ay sistematiko
    May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.
  • Ang pananaliksik ay kontrolado
    Dapat hindi magbabago ang baryabol na sinusuri, lalo na samga eksperimental na pananaliksik. Dahil anumang pagbabagong magaganap dito ay makakaapektosabuong pananaliksik.
  • Ang pananaliksik ay empirikal
    Kailangan maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
  • Ang pananaliksik ay mapanuri
    Ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nangkritikal upanghindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon ng mga datos nakanyangnakalap.
  • Ang pananaliksik ay objektiv, lojikal at walang pagkiling
    Lahat ng tuklas at mga kongklusyon ay kailangan lohikal na nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.
  • Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwantiteytv o istastikal na metodo
    Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa pamamagitan ng statistical tritment upangmatukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
  • Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda
    Ang mga datos na nakalap ng mananaliksikaysariliniyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga primary sources o mga hanguang first-hand.
  • Ang pananaliksik ay akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon
    Bawat aktibidad ng pampananaliksik ay kailangan isagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa paglalahat ng siyentipiko. Lahat ng kongklusyon ay dapat nakabatay sa mga aktuwal na ebidensya.
  • Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali
    Upang matiyak ang katampukan ng pananaliksik, kailangang pahtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik naminamadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa hindi matitibay na kongklusyon o paglalahat.
  • Ang pananaliksik ay pinagsisikapan-
    Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
  • Ang pananaliksik ay nangangailang ng tapang
    Kailangan ng tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaring makaranas siya ng mga hazard at discomfort sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding maaari siyang dumanas ng di pagsang-ayon ng publiko at lipunan.
  • Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat
    Lahat ng datos ay kailangang maingat na itala dahil ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaaapekto sa mga tuklas na pananaliksik.
  • Pananaliksik na Eksperimental
    Pinakamabisang uri kung nais tukuyin ang inaasahang resulta ✓ Binibiyang-pansin ang mga posibleng dahilan na maaaring tumugon sa suliranin
  • Korelasyonal na Pananaliksik

    ✓ Matukoy ang kaugnayan ng 2 baryabol nang makita ang implikasyon nito at epekto sa isa't isa
    ✓ Makatutulong para magkaroon ng prediksiyon sa kalalabasan ng pananaliksik
  • Pananaliksik na Hambing-sanhi
    ✓ Pag-alam sa dahilan o pagkakaiba ng dalawang bagay o tao
  • Sarbey na Pananaliksik
    Pagpapayaman at pagpaparami ng datos
  • Etnograpikong Pananaliksik
    Kultural na pananaliksik
  • Historikal na Pananaliksik

    Pagtuon sa nagdaang pangyayari
    ✓ Magpabatid ng katotohanan ng nakalipas na pangyayari
  • Kilos-saliksik (Action Research)
    Benepesyal
    ✓ May suliraning kailangang tugunan
    ✓ Nagbibigay ng solusyon
  • Deskriptibong Pananaliksik
    Paglalarawan ng isang penomenong nagaganap kaugnay sa paksa
    Pinakagamiting uri ng pananaliksik
  • Uri ng Pananaliksik Batay sa Klase ng Pagsisiwalat ng Datos
    1. Kwantiteytib
    2. Kwaliteytib
  • plagyarismo
    ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Bernales, et. al, 2009).
  • Etika
    Ito ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan na wasto at naaayon sa pamantayanng nakararami.
  • Kasapatan ng Datos
    Kailangang may sapat nang literature hinggil sa paksang pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga aveylabol na datos hinggil doon.
  • Limitasyon ng Panahon

    Tandaan, ang kursong ito ay para sa isang semester lamang. Magiging konsiderasyonh sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa kasing mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semestree, upang maisakatuparan.
  • Kakayahang Finasiyal
    Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang
    mangangailangan ng malaking gastusin na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik, Samakatuwid, kailangan pumili ng paksang naaayon sa kakayahang finasyal ng mananaliksik.
  • Kabuluhan ng Paksa
    Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhgan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluha. Samakatuwid, kailangan pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaaring ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao..
  • Interes ng Mananaliksik
    Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya rin kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksiki kung ang gianagwa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya.
  • PAMANAHONG PAPEL
    1. ay isang uri ng papel-pampanaliksik na karaniwang
    ipinapagawa sa mga esrudyante sa mataas na paaralan at kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangang akademiko. Ito ay kadalasang nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o
    subject.
    2. Term Paper sa wikang ingles
    3. Binubuo ng ibat- ibang kabanata
    4. Isa sa sukatan ng kabutihan ng isang pamanahong papel ay ang presentasyon at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman nito.
    5. Maging pamilyar ang isang mananaliksik sa mga bahagi at nilalaman ng isang karaniwang pamanahong papel.
  • Fly Leaf
    ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit ano sa pahinang ito o blangko ito.
  • Pamagating Pahina
    Nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel kanino iniharap o ipinasa ang papel. kung saang asignatura ito kailangan kung sino anggumawa at panahon ng kumplesyon. Inverted pyramid ang pagkakaayos ng mgaimpormasyong nasapahinang ito.