Pagbasa

Cards (55)

  • malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa

    sulating pananaliksik
  • Taglay ng sulating pananaliksik ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa impormasyong nakalap.
  • Interpretasyong pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik

    Obhetibong interpretasyon ng manunulat
  • "Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik (_____, ___)."
    Spalding, 2005
  • Isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, lagay, tao at isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian (Constantino at Zafra, 2010)

    pananaliksik
  • Bago makabuo ng isang mabisang pananaliksik kinakailangang maisaalang-alang ang mabusising pagpili ng paksa.
  • isa sa pinakamahamong bahagi ng pagsulat ng pananaliksik
    pagpili ng paksa
  • Ang pagpili ng mabisang paksa ang magsisilbing pundasyon ng isang pananaliksik.
  • Mula sa pangyayari sa loob at labas ng bansa ay maaaring makita rito
    Internet at Social Media
  • Mga maaaring mapagkunan ng paksa:
    1. Internet at Social Media
    2. Telebisyon
    3. Diyaryo at Magasin
    4. Mga pangyayari sa paligid
    5. Sa sarili
    6. Interes at kakayahan
  • Isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sa panahon ng cable at digital television
    Telebisyon
  • Dito'y maaaring pag-ukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinion, editoryal, at mga artikulo.
    Diyaryo at Magasin
  • Mahalagang masuri ang pagkakaroon ng mga materyal na magagamit na sanggunian.
  • Isaalang-alang ang kabuluhan ng paksa.
  • Isaalang-alang ang kakayahang pinansyal.
  • Hangga't maaari, iwasan ang mga paksang:
    1. May kinalaman sa relihiyon at moralidad
    2. Mga kasulukayang kaganapan o isyu
    3. Mga paksang tinuturing nang gasgas o gamit na gamit sa pananaliksik
  • Paksang dapat iwasan dahil mahirap hanapan ng obhetibong pananaw at nangangailangan ng maselang pagtalakay
    relihiyon at moralidad
  • Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa:
    1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng sulatin
    2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
    3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya.
    4. Pagbuo ng Tentatibong Paksa
    5. Paglilimita ng Paksa
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa:
    1. Nakahihikayat na paksa
    2. Napapanahon at maaaring mapakinabangan ang kalabasan ng pananaliksik
    3. May sapat na mapagkukunan ng impormasyon
    4. Interesado ka sa paksang iyong tatalakayin
    5. Iwasan ang masyadong malawak na paksa ganun din ang mga paksang limitado
  • Batayan sa paglilimita ng paksa:
    1. Panahon
    2. Edad
    3. kasarian
    4. Tiyak na uri o anyo
    5. Lugar
    6. Grupong kinabibilangan o propesyon
    7. Kombinasyon
  • Isang sistemang maayos sa paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa taluntuning lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsulat.
    pagbabalangkas
  • Nakatutulong ito sa paglilimita sa paksang isusulat
    pagbabalangkas
  • Ang Tentatibong balangkas ay binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga plano at tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak na paksa.
  • Ang Tentatibong balangkas ang pinakapundasyon ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha.
  • Bahagi ng tentatibong balangkas:
    1. Rasyunal
    2. Pangkalahatang layunin
    3. Mga Tiyak na Layunin
    4. Mga Suliranin na Pag-aaral
    5. Mga Haypotesis
    6. Saklaw at Delimitasyon
    7. Kahalagahan ng Pag-aaral
    8. Katuturan ng mga terminong ginamit
    9. Tentatibong Sanggunian
  • Siyentipiko ay malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit kailangang pag-aralan ang nasabing paksa
    Rasyunal
  • "Ano ang saysay ng pag-aaral at pananaliksik?"
    Rasyunal
  • Malawak na pambungad na paglalatag ng nais na tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na pananaliksik
    Pangkalahatang Layunin
  • "Ano ang mayroon sa pananaliksik na ito?"
    Pangkalahatang Layunin
  • Dito iniisa-isa ang mga tiyak at iba-ibang aspekto ng dahilan sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik
    Mga Tiyak na Layunin
  • "Ano-ano ang mga gustong matuklasan ng pananaliksik na ito?"
    Mga tiyak na layunin
  • Maaaring may tatlo o higit pang tiyak na layunin sa isang pananaliksik.
  • Nilalaman ng bahaging ito ang mga batayang suliranin, isyu, mga pangyayari, haka-haka at kasalukuyang kalagayan ng paksa na siyang nagbibigay-saysay upang ito ay bigyan ng pansin at paglaanan ng pananaliksik.
    Mga suliranin sa pag-aaral
  • "Ano-ano ang mga isyu at suliraning lulutasin ng pananaliksik na ito?"
    Mga suliranin sa pag-aaral
  • Ito ang pinakalohikal at pinakamakatwirang mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan, mapatibay, masusugan o mapasubalian.
    Mga haypotesis
  • "Ano-ano ang makatwirang pagpapalagay ng mananaliksik ukol sa kanyang paksa?"
    Mga Haypotesis
  • Haypotesis na nakatuon sa paglalahad ng positibong ugnayan ng dalawang salik sa pananaliksik
    Haypotesis na deklaratibo
  • Ang haypotesis na deklaratibo ay kilala rin sa tawag na?
    direksyunal na haypotesis
  • Haypotesis na may kaugnayan sa pagbibigay ng isang kondisyunal na sitwasyon sa paksa

    Haypotesis na Prediktibo
  • Matutukoy at masusuri matapos maisakatuparan ang oanukala o rekomendasyon ng pananaliksik

    Haypotesis na Prediktibo