FIL 2 Q4

Cards (69)

  • Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
  • Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
  • BASIC RESEARCH ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito. Makakatulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan
  • ACTION RESEARCH ang Ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikasyong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik
  • APPLIED RESEARCH - Ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon
  • HISTORICAL RESEARCH - Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan.
  • CASE STUDY - Unawain ang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral.
  • COMPARATIVE RESEARCH - Naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura at, bagay, pangyayari at iba pa.
  • ETNOGRAPIKONG PAG-AARAL - Uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.
  • DISENYONG EXPLORATORY - Isinasagawa kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin.
  • PAMAKSANG BALANGKAS (TOPIC OUTLINE) - Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o Pahayag
  • PANGUNGUSAP NA BALANGKAS (SENTENCE OUTLINE) - Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya.
  • PATALATANG BALANGKAS (PARAGRAPH OUTLINE) - Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.
  • DIREKTANG SIPI - salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang direkta, salita-sa- salita, mula sa sanggunian.
  • Ginagamit ito ang direktang sipi ng mananaliksik kapag nais niyang idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang argument.
  • Ginagamit ang direktang sipi ng mananaliksik kung nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang argument ng awtor Bigyang-diin partikular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi. mabigyang-diin partikular ang isang malinaw o makapangyarihang pahayag o sipi.
  • Gumagawa ng sinopsis kapag nais magbigay ng background at pananaw hinggil sa isang paksa
  • Gumagawa ng sinopsis kapag nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa
  • Gumagawa ng sinopsis kapag nais na determina ang pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto - isang maikling pagbubuod o paglalagom ng mahalagang ideya ng isang mahabang teksto
  • Ginagamit ang presi kapag nais magpapaikli ng orihinal na sulatin nang may kaunting pagbabago
  • presi - ito ay ang muling pag-uulit ng talata sa sariling pangungusap na hindi gaanong teknikal subalit kasing haba rin ng orihinal na talata
  • elipsis - karaniwang gumagamit ng tatlong tuldok na sunod-sunod na nagpapakitang may bahaging hindi niya sinipi sa pangungusap o talata
  • fly leap 1 - ang bahaging ito ay matatagpuan sa pinakaunang pahina, isang blankong papel ng pamanahong papel.
  • Pahina ng Pamagat – naglalayon ng pamagat ng pananaliksik, kung saang asignatura, mga gumawa, panahon, kailan natapos at ito’y naka inverted pyramid sa pagkakasulat.
  • dahon ng pagpapatibay - ang pahinang ito’y naglalaman pagpapatunay sa pagtanggap ng tagapayo ng pananaliksik, puno ng kagawaran, panelista at dekano sa pagtanggap ng konseptong papel.
  • Dahon ng Pasasalamat/Paghahandog – inaalam ng mga mananaliksik upang pasalamatan ang mga sumusunod na indibiduwal na siyang tumulong sa konseptong papel.
  • Talaan ng nilalaman – nakatala ang mga pahina, paksa, at mga kabanata ng konseptong papel.
  • Talaan ng mga Talahanayan – nakasaad dito ang grapiko ng mga datos upang makita ang nilalaman ng mga prosiyento na makikita ang pagbaba at pagtaas ng bawat datos.
  • Fly leaf 2 – isang blankong papel na matatagpuan bago mag kabanata 1
  • Operasyonal na Pagpapakahulugan – dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pananaliksik. Bibigyang linaw ang mga ito sa paraang kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap
  • Konseptwal na Pagpapakahulugan – Ito ay ang istandard na kahulugan. matatagpuan sa mga diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan ng maraming tao.
  • P = Bahagdan n = Respondente N = Kabuuang Respondente
  • Panimula o Introduksyon - Naglalaman ang panimula ng pinakadahilan ng pag-aaral. Ito ang paunang pagtanaw sa kung paano nagdesisyon ang mga mananaliksik na pag-aralan ang nasabing paksa.
  • Paglalahad ng Suliranin - Naglalaman ng mga tiyak na suliranin na nais na matamo sa kabuuan ng pag-aaral. Ito ay mahalagang bahagi dahil ito ang magbibigay ng direksyon sa kabuuan ng pag-aaral at kung ano ang magiging daloy nito.
  • Paglalahad ng Suliranin - Ito ang maaaring maging batayan ng metodong gagawin sa kabuuan ng pag-aaral kaya nararapat lamang na alam ng mananaliksik ang layunin ng isasagawang pag-aar
  • Batayang Konseptwal/Teoretikal- konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.
  • Saklaw at Limitasyon - Inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang taga tugon na gagamitin sa isinasagawang pag-aaral saan at kailan ito gagawin.
  • Disenyo ng Pananaliksik - Inilalahad dito ang uri ng pananaliksik na gagamitin. Ito ay magagamit sa pagtugon sa mga inilatag na mga suliranin sa pag-aaral. Maaring deskriptibo, historikal o eksperimental.
  • Pagpili ng Respondente- ang bahaging ito ang ginamit na pamamaraan sa pagkuha ng sampol ng populasyon na maaring gawan ng pag-aaral o kaya’y tutugon sa talatanungan ng pananaliksik.
  • instrumento ng pananaliksik - upang masukat ang mga baryabol na ginamit sa pananaliksik sang-ayon sa layunin, target na awdyens, relayability at baliditi, pagsasaayos at pag-iiskor sa mga talatanungan.