L1: Pagsulat ng Pananaliksik

Cards (27)

  • Sulating pananaliksik
    Ito ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
  • Ang pagsulat ng pananaliksik ay hindi basta pagsasama-sama ng mga
    datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primary at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon.
  • Sulating pananaliksik
    Taglay nito ang ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa impormasyong nakalap. Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik ( Spalding, 2005).
  • Pananaliksik
    Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ito ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, lagay, tao at isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.
  • Bago makabuo ng isang mabisang pananaliksik kinakailangang maisaalang-alang ang mabusising pagpili ng paksa.
  • Isa sa pinakamahamong bahagi ng pagsulat ng pananaliksik ay ang
    ang pagpili ng paksa.
  • Ang pagpili ng mabisang paksa ang magsisilbing pundasyon ng isang pananaliksik.
  • Kung mag-iisip at magiging mapanuri ang mananaliksik ay marami pang maaaring mapagkunan ng paksa. Makikita sa ibaba ang ilan sa mga ito:
    1. Internet at Social Media
    2. Telebisyon
    3. Diyaryo at Magasin
    4. Mga Pangyayari sa Paligid
    5. Sa sarili
    6. Interes at kakayahan
  • Internet at Social Media
    Ito ay maaring mapagkunan ng paksa na naging bahagi na ng buhay ng tao. Hindi matatawaran ang kontribusyonng naihatid nito sa tao, mula sa pangyayari sa loob at labas ng bansa ay maaaring makita rito. Ito ang karaniwang tinitingnan mula sa paggising sa umaga hanggang bago matulog sa gabi. Napakaraming impormasyong taglay ang internet kung magiging mapanuri.
  • Telebisyon
    Ito ay maaring mapagkunan ng paksa na nalaganap lalo na sa sa panahon ng cable at digital television. Sa panonood ng mga balita, mga
    programang pantanghali, teleserye, talk shows at iba pa ay maaaring mapagkunan ng paksang maaaring gawan ng pananaliksik.
  • Diyaryo at Magasin
    Ito ay maaring mapagkunan ng paksa na ang pinag-uukulan ng pansin ay ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinion, editoryal at mga artikulo. Suriin at baka naririto ang mga paksang aakit sa iyong atensyon.
  • Mga Pangyayari sa Paligid

    Ang pagiging mapanuri sa mga pangyayari o bagong kalakaran sa paligid ay maaaring maging paksa ng pananaliksik.
  • Sa sarili
    Ito ay maaring mapagkunan ng paksa kung may tanong kang naghahanap ng kasagutan subalit hindi mo naman maihanap ng kasagutan. O kaya’y may interes ka o mga bagay na “curious” ka at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito.
  • Interes at kakayahan
    Ito ay maaring mapagkunan ng paksa dahil ang kalikasan ng pananaliksik ay ang aktuwal na pagsasagawa nito, mahalagang gusto mo ang iyong ginagawa o may kaugnayan sa hilig mo ang paksang nais saliksikin. Sa ganitong paraan mas mabilis ang daloy ng pagsasagawa ng pananaliksik dahil gusto mo ang iyong ginagawa.
  • Mahalagang masuri ang pagkakaroon ng mga materyal na magagamit na sanggunian. Kahit gaano man kaganda ang napiling paksa, mahirap pa ring maisakatuparan dahil sa kakulangan ng materyales na gagamitin bilang sanggunian.
  • Isaalang-alang ang kabuluhan ng paksa. 

    Magagamit ba ito sa hinaharap? O maaari bang maging daan upang magkaroon ng panibagong pananaliksik?
  • Isaalang-alang ang kakayahang pinansyal

    Sapagkat ang pananaliksik ay hindi gawang biro bukod sa kahandaan ng mananaliksik sa pagsusuri at pangangalap ng mga tala ay kinakailangan handa rin ang pinansyal na aspekto para matapos ang isinagawang pananaliksik.
  • Hangga’t maari iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa sumusunod:
    • Mga usaping may kinalaman sa relihiyon at moralidad na mahirap hanapan ng obhektibong pananaw at nangangailangan ng maselang pagtalakay.
    • Mga kasalukuyang kaganapan o isyu dahil maaaring wala pang gaanong materyal na magagamit bilang saligan ng pag-aaral.
    • Mga paksang itinuturing nang “gasgas” o gamit na gamit sa pananaliksik.
  • Paano bumuo ng paksa sa pananaliksik?
    • Ano-anong paksa ang maaaring pag-usapan?
    • Ano ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng paksa?
    • Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
    • Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa, at daigdig ang ipinapakita o kaugnay na paksa?
    • Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay sa ganitong mga suliranin?
    • Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
    • Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?
    • Paano ko pag-uugnayin at pagsunud-sunurin ang mga ideyang ito?
  • Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
    1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin.
    2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik.
    3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya. Suriin at isa-isahin ang mga isinulat mong ideya.
    4. Pagbuo ng Tentabong Paksa.
    5. Paglilimita ng Paksa. 
  • Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin

    Isa sa mga bagay nakinakailangang isaisip bago simulan ang pagpili ng paksa ay ang pag-alam sa layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik nang sa gayun ay maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin.
  • Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
    Ang mga paksang mapipili ay kinakailangang nakaugnay sa layunin. May mga pagkakataon na ang guro ang magbibigay ng mga paksa ngunit kung sakaling wala kang magustuhan mula sa mga paksang
    pagpipilian ay maaari kang magtala ng mga paksang ayon sa iyong interes. Tandaan na kinakailangang iugnay ito sa iyong layunin sa pagsulat ng paksa.
  • Pagsusuri sa mga itinalang ideya. Suriin at isa-isahin ang
    mga isinulat mong ideya
    Piliin ang mga paksang kawili-wiling gawin o saliksikin, interesado kang talakayin at mga paksang alam na alam mo na at nais pang palawakin. Isaalang alang ang kagamitang mapagkukunan ng impormasyon at tayain ang angkop sa iyong antas at kakayanan na matapos sa takdang panahon ang isinasagawang pananaliksik.
  • Pagbuo ng Tentabong Paksa
    Muli, tingnan at suriing mabuti ang mga napili, magdesisyon ka at itanong ito sa sarili. Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso, pinakamadali kong maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay salayuunin at tiyak na matatapos ko sa limitadong oras naibinigay para tapusin ang gawain? Batay sa sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo na ang tentatibong paksa. Handa ka na sa pagbuo ng paksa.
  • Paglilimita ng Paksa
    Hindi maiiwasan na sa una’y malawakang paksa ang mabubuo mo kaya kinakailanganin mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik.Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi matatapos sa takdang panahon.
  • Tandaan na sa pagpili ng paksa nararapat na isaalang alang ang
    mga sumusunod:
    1. Nakahihikayat na paksa.
    2. Napapanahon at maaaring mapakinabangan ang kalalabasan ng pananaliksik.
    3. May sapat na mapagkukunan ng impormasyon
    4. Interesado ka sa paksang iyong tatalakayin.
    5. Iwasan ang masyadong malawak na paksa ganun din ang mga paksang limitado.
  • Pagbatayan sa paglilimita ng ating paksa:
    1. Paglilimita ng Panahon - pagpili ng taon kung saan lamang ang sakop ng pag-aaralan.
    2. Kasarian - lalaki o babae.
    3. Edad - edad ng mga gagawan ng pag-aaral.
    4. Tiyak na uri o anyo
    5. Lugar - kung saan isasagawa.
    6. Propesyon o grupong kinabibilangan
    7. Kombinasyon