Katitikan ng pulomg

Cards (15)

  • Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala o rekord
  • Ang katitikan ng pulong ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko, at komprehensibo
  • Mahahalagang bahagi
    1. heading
    2. mga kalahok
    3. pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
  • heading - ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, smaahan, organisasyon, o kagawaran
  • mga kalahok o dumalo - dito nakalagay kung sino ang naguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang mga pangalan
  • pagbasa at pagpapatibay - dito makikita kung ang nakalioas na katitikan ng ulong ay napatibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito
  • action items o usaping napagkasunduan - dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay
  • pabalita o patalastas - hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito
  • iskedyul ng susunod na pulong - itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong
  • pagtatapos - inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong
  • lagda - mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite
  • ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong
  • Ang kumukuga ng katitikan ng pulong ay kinakailangan ng mga sumusunod:
    1. hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
    2. umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
    3. may sipi ng mga pangalan ng mga taong dumalo sa pulong
    4. handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
    5. nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
  • ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangan ng mga sumusunod (6-10)
    1. tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kumpletong heading
    2. gumamit ng recorder kung kinakailangan
    3. itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon
    4. itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
    5. isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitian ng pulong pagkatapos ng pulong
  • mga dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong
    1. lumikha ng isang template
    2. itala ang mga mahahalagang mapag-uusapan
    3. repasuhin ang isinulat