Paano naimpluwensyahan ng Buorgeoisie, Merkantalismo, Monarkiya, Renaissance, Simbahang katoliko, at Repormasyon ang mga salik na lumikha sa pandaigdigang kamalayan?
Bourgeoisie
Uri ng mga mangangalakal at propesyunal na nag-angat sa lipunan sa panahon ng pag-unlad ng kalakal at industriyalisasyon
Ang kanilang pag-unlad ay nagdulot ng pagbabago sa lipunan at ekonomiya, na nagdulot ng pagbabago sa mga salik na bumubuo sa pandaigdigang kamalayan
Mercantilismo
Ekonomikong doktrina na nagtataguyod ng proteksyonismo at kolonyalismo upang mapalakas ang ekonomiya ng isang bansa
Ang pagtataguyod ng Mercantilismo ay nagdulot ng pagbabago sa kalakalan at pag-unlad ng mga bansa, na nag-ambag sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan
Monarkiya
Uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng isang hari o reyna
Ang monarkiya ay may malaking impluwensya sa politika at lipunan, na nagdulot ng pagbabago sa mga salik na bumubuo sa pandaigdigang kamalayan
Renaissance
Panahon ng pag-usbong ng sining, panitikan, arkitektura, at agham sa Europa
Ang pag-usbong ng Renaissance ay nagdulot ng pagbabago sa kultura at pananaw ng mga tao, na nagdulot ng pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan
Simbahang katoliko
May malaking impluwensya sa buhay ng mga tao noong gitnang panahon, at nagdulot ng pagbabago sa pananampalataya at moralidad ng mga tao
Ang impluwensya ng simbahang katoliko ay nagdulot ng pagbabago sa kultura at lipunan
Bago pa man nakilala ang middle class o mga taong nakakaluwag sa buhay noong Gitnang Panahon, may dalawang uri lamang ng antas ng Tao sa lipunang piyudal
Bourgeoisie
Pangkat ng mga taong tipikal na aktibo sa iba't ibang negosyo tulad ng pangangalkal, o pagbebenta ng mga produktong gawa sa kamay
Kasapi na rin sa pangkat na ito ang mga taong may kinalaman sa komersiyo, industriya, at propesiyonal tulad ng mga manggagamot, abogado, at mga bangkero
Sila ay may iisang layunin—ang pagsikapang mapalago ang negosyo upang magtamasa ng yaman
Kontribusyon ng Bourgeoisie sa Daigdig
Ang mga bourgeoisie ang itinuturung na nagtakda ng pamamalakad ng produksiyon ang kanilang pagsisikap na matamo ang karangyaan sa buhay ay naging daan sa pagpapasigla ng ekonomiya
Merkantalismo
Teoryang pang-ekonomiyana nagbibigay-diin sa paniniwalang ang karangyaan ng isang bansa ay nakabatay sa reserbang pondo o kapital nitong bullion (ginto at pilak) na maaaring mapalago sa pamamagitan ng favorable balance of trade o positibong pakikipagkalakalan sa ibang bansa
Absolutismo
Teoryang politikal kung saan ang kapangyarihan ng pamumuno ay nasa iisang pinuno lamang
Favorable balance of Trade
Pagluluwas ng higit na produkto at pag-iwas sa pag-anngkat nito
Mga Prinsipyong Nakapaloob sa Merkantalismo
Ang pagtatamo ng kayamanan at kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak (bullion) na matitipon nito
Ang isang bansa ay makakapagtitipon lamang ng malaking pondo ng ginto at pilak sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming kolonya
Nakapaloob din sa prinsipyong ito ang mahigpit na pagbabawal sa pagbuo ng yaring produkto na nagmumula sa sa mother country at patuloy na bilhin ng mga mamamayan ng kolonya ang kanilang produkto
Bawal din sa mga kolonya na magkalakalan sa isa't isa upang maiwasan ang kompetisyon ng bansang kolonya at mother country. Ito ay malinaw na pagbibigay-daan sa sistemang Monopolyo
Monopolyo
Tumutukoy sa sitwasyon kung saan pag-aari lamang ng isang kompanya o bansa ang lahat ng pamilihan sa iisang uri ng produkto o serbisyo
Imperyo
Tumutukoy sa pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isa pang bansa na hindi naman kabahagi ng kaniyang bansa
Ginustong palawakin ng Britanya ang kaniyang imperyo dahil sa hangaring makokolekta ng maraming ginto na may kinalaman sa unang prinsipyo. Sa mga kolonyang ito nagmumula ang mga hilaw na materyales. Ito rin ang ang nagsisilbing bagsakan at pamilihan ng yaring produktong nagmumula sa mother country
Nang panahong ito, naging abala sa pakikipagkalakalan ang mga Europeo. Ang merkantalismo ay naging daan sa pag-unlad ng teknolohiya. Sa panahong ito, maraming imbensiyon ang nagawa. Sa paglago ng kalakalan, lumitaw ang pangangailangan sa mga makabagong produkto
Kontribusyon ng Merkantalismo sa Daigdig
Sa pag-unlad ng teknolohiya at pagbabagong naganap na ibinunsod ng merkantalismo, humina ang sistemang piyudal
Ito ay nagbigay-daan sa pagtatag ng sentrasiladong pamahalaan at paglilinang ng mga bansa sa Europa
Ang inglatera at Pransiya ang mga unang bansa na naglinang ng malakas at pinag-isang pamahalaan sa kasaysayan
Pag-unlad ng Monarkiya sa England
Ang paglakas ng kapangyarihan ng Monarkiya sa England ay nagsimula sa pag-upo ni William the Conqueror sa trono
Si William ay nagmula sa Normandy, isang rehiyon sa hilaga ng France. Napag-isa ni William ang pagkontrol sa bansa at itinatag ang pundasyon ng sentrasiladong pamahalaan sa England
Ang dalawang bagay na naging layunin ng mga haring Ingles ay: 1) Maragdagan ang kanilang lupain ng mga lupaing sakop ng France, 2) Palakasin ang sariling kapangyarihan ng higit sa mga aristokratang maharlika at simbahan
Paghahari ni Henry II
Nang maging hari ng England si Henry II, napangasawa si Eleonor ng Aquitaine mula sa France
Pinamunuan ni Henry II ang England mula 1554 hanggang 1189. Sa pagitan ng mga panahong ito, pinalalakas niya ang hukumang monarkiya sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga huwes sa lahat ng bahagi ng bansa minsan sa isang tao
Pinasimulan din niya ang sistemang jury sa hakumang Ingles noong 1166. Sa pagdaan ng panahon, ang nga huwes na ito ay nakabuo ng pinag-isang batas na tinawag na common law na sa kasalukuyan ay kinikilala pa ring batayan ng batas ng maraming bansang nagsasalita ng Ingles
Haring John at ang Magna Carta
Si John ay naghari mula 1199 hanggang 1216. Dahil sa siya ay isang kabiguan pagdating sa labanan, ang Normandy ay nabawing muli ng France sa England
Si John ay isang malupit na Hari, binalewala niya ang simbahan at naningil ng napakataas na buwis upang matustusan ang kaniyang pakikidigma
Noong Hunyo 15, 1215, si John ay sapilitang pinaayon at pinalagda ng mga baron sa pinakamahalagang dokumento sa kasaysayan ng England—ang Magna Carta na kinikilalang Great Charter. Pinagtibay ng Magna Carta ang Habeas Corpus Act
Ang Parlamento sa England
Nang maging Hari si Edward I, kinailangan niya ang buwis upang matustusan ang pakikidigma sa mga Pranses, Welsh na mga taga-Wales, at mga Scots na taga-Scotland
Noong 1295, nagpatawag si Edward I ng dalawang burgess sa bawat borough, dalawang kabalyero mula sa bawat bansa ilang maharlika, at arsobipo. Mula noon, ang pangkat na ito ang kinikilalang modelong parliyamento na nagsisilbi bilang pangkat lehislatibo ng England