tsina

Cards (33)

  • Limitado lamang ang kalakalan sa Tsina dahil sa pagpapatupad ng Isolationism dahil sa kanilang paniniwala na may masamang impluwensiya ang kultura ng mga dayuhan sapagkat ang kanilang kultura ay lubos nakahihigit sa iba
  • Limitado lamang ang kalakalan at ito ay isinagawa sa daungan ng Guanghzou at ang bawat dayunhang mangangalakal ay dapat magbigay galang emperador ng Tsina sapamamagitan ng Kowtow
  • Ang paghahangad ng mga Kanluranin na maangkin ang yaman ng Tsina ang pangunahing dahilan ng imperyalismo sa bansa
  • Unang Digmaang Opyo

    1. Tinangkilik ng mga Tsino ang opyo dahil sa mga benepisyong naidudulot nito sa larangan ng medisina ngunit mayroon itong masamang epekto sa kalusugan kapag inabuso
    2. Nagsimula ang unang digmaang opyo noong 1839 sa pagitan ng Tsina at England dahil sa pagsunog ng mga Tsinong opisyal sa mga opyo na pagmamay ari ng British
    3. Tumagal ng tatlong taon ang unang digmaang opyo, at ito ay nagsresulta sa pagkatalo ng Tsina dahil sa wala silang hukbong pandagat upang labanan ang Inglatera
    4. Pagkatapos matalo ng Tsina, ito ay nagresulta sa pagpirma ng Kasunduang Nanking
  • Ikalawang Digmaang Opyo
    1. Sa panahong ito ang Inglatera at Pransya ang naging katunggali ng Tsina, at ito ay muling ikinatalo ng Tsina
    2. Ang pagkatalo ng Tsina ang nagbunga ng Kasunduang Tientsin
    3. Ang pagkatalo ng Tsina ang siyang nagpahina sa pamahalaan nito
    4. Ipinatupad ang Sphere of Influence sa Tsina upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng mga mananakop na Europeo
  • Rebelyong Taiping
    1. Pinamunuan ni Hung Hsiu Chuan (Hong Xuiquan) ang rebelyon laban sa dinastiyang Qing na kaanib at pinamumununan ng mga dayuhang Manchu
    2. Ang layunin ng rebelyon ay mapatalsik ang dinastiyang Qing para matigil ang pamumuno ng mga dayuhang Manchu
    3. Hangad ng Taiping ang pagbabago sa lipunan, pagkakapantay-pantay ng karapatan para sa kababaihan, at pagpaplit ng relihiyon mula sa Conficuanismo at Buddhismo patungong relihiyong Kristiyanismo
    4. Ngunit ito ay nabigo dahil matagumpay na nasupil ang rebelyon sa tulong ng Britanya at Pransya
  • Rebelyong Boxer
    1. Righteous and Harmonious Fists Movement, ang kanilang layunin ay patalsikin ang lahat ng mga dayuhan sa Tsina
    2. Isa sa mga naging ng layunin ng rebelyon ay supilin ang mga misyonerong Kristiyano at mga Tsino na Kristiyano
    3. Nagpadala ng pwersang militar ang Estados Unidos, Britanya, Russia, Pransya, Italy at Japan upang masugpo ang rebelyon
    4. Ito ang naging rason kung bakit hindi nagtagumpay ang paghihimagsik ng mga Boxer
  • Pag-usbong ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    1. Matapos mapatalsik ang dinastiyang Qing ang Tsina ay nahati sa dalawang pangkat ng pamahalaan
    2. Ang "Kuomintang" ay itinatag ng Nasyonalistang Partido ng Tsina na pinamunuan ni Sun Yat-Sen. Si Heneral Chiang Kai-Shek ang namuno sa Partidong Kuomintang noong namayapa si Sun Yat-Sen
    3. Ang mga Komunista naman ay nagtatag ng Partidong Komunista ng Tsina sa pamumuno ni Mao Zedong o Mao Tse-tung
    4. Ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang partido ay humantong sa Chinese Civil War noong 1936
    5. Noong sinakop ng mga hapon ang Tsina, panandaliang natigil ang digmaan sa pagitan ng dalawang pangkat at sila ay nagsanib pwersa upang labanan ang mga Hapon
  • Ang Manchu ay tawag sa mga tao galing sa Manchuria (hilaga ng Tsina)
  • Sa kasaysayan ng Tsina ang rebelyong Taiping ang isa sa mga madugong rebelyon kung saan tinatayang 20 milyong Tsino ang namatay
  • Ang "Kuomintang" ay itinatag ng Nasyonalistang Partido ng Tsina na pinamunuan ni Sun Yat-Sen
  • Si Heneral Chiang Kai-Shek ang namuno sa Partidong Kuomintang noong namayapa si Sun Yat-Sen
  • Ang mga Komunista naman ay nagtatag ng Partidong Komunista ng Tsina sa pamumuno ni Mao Zedong o Mao Tse-tung
  • Ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang partido ay humantong sa Chinese Civil War noong 1936
  • Noong sinakop ng mga hapon ang Tsina, panandaliang natigil ang digmaan sa pagitan ng dalawang pangkat at sila ay nagsanib pwersa upang labanan ang mga Hapon
  • Ikalawang Digmaang Sino-Hapones
    1931
  • Binomba ng mga Hapon ang Tsina at malaking bahagi ng Tsina ang nasakop ng mga hapon
  • Nagsanib pwersa ang mga komunista at nasyonalista upang harapin ang pananakop ng mga hapon
    1936
  • Nahinto ang pananakop ng mga Hapon sa Tsina
    1942
  • Matapos makatakas ang mga nasyonalista, pinamunuan ang kilusan na ito ni Chiang Kai-Shek sa Taiwan at dito itinatag ang Republika ng Tsina
    1949
  • Sa pagtatag ng People's Republic of China, matagumpay na napaalis ng mga komunista ang mga dayuhang kanluranin at muling nakamit ng Tsina ang kalayaan nito
  • Sun Yat Sen
    Isinulong niya ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo: nasyonalismo, demokrasya, at kabuhayang pantao
  • Binigyang-diin ni Sun ang kahalagahan ng "pagkakaisa ng mga Tsino bilang susi ng tagumpay laban sa mga imperyalistang bansa"
  • Naging ganap na pinuno si Sun sa Tsina noong pinamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsk sa mga Manchu sa kaniyang kilalang "Double Ten Revolution"
  • Siya ay pansamantalang tinalaga bilang Pangulo ng Tsina matapos ang Double Ten Revolution
  • Siya ay tinaguriang "Ama ng Republikang Tsino" at hindi siya naniniwala na kinakailangan ang tunggalian ng mga uri (class struggle) para makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan, at kaunlarang pang ekonomiya
  • Double Ten Revolution

    Ito ang tawag sa rebolusyon dahit ito ay naganap sa Oktubre (ikasampung buwan ng taon) at sa araw din na ito naitatag ang bagong Republika ng Tsina
  • Pasamantalang natigil ang pagtutunggali ng pwersang Chiang Kai-shek at Mao Zedong dahil sa banta ng pananakop ng mga Hapon
  • Si Heneral Chiang Kai-shek ang humalili matapos pumanaw ni Sun Yat-Sen at kaniyang itinuloy pamunuan ang Kuomintang
  • Itinuloy ni Kai Shek kasama ng Koumintang ang pakikipaglaban sa mga warlords
  • Pagkatapos ng pakikipaglaban sa mga warloards, hinarap ni Kai Shek ang kaniyang katunggaling ideolohiyag Komunismo sa Tsina sa ilalim ng pamumuno ni Mao Zedong
  • Siya ang nagtatag ng Partidong Kunchantang at kaniyang pinamunuan niya ang Red Army (sundalong komunistang Tsino)
  • Long March

    Ito ang tawag sa pagtakas niya patunging Jiangxi