Pagsulong at Pag-unlad

Cards (36)

  • Pag-unlad
    Progresibo at aktibong proseso

    kabutihang pantao (well-being), pagtaas ng kalidad ng buhay ng tao
    Pulitikal, ekonomikal, espirituwal, sikolohikal, pisikal, sosyo-kultutal
  • Pagsulong
    Bunga ng proseso ng pag-unlad

    Kongkretong daan, gusali atbp imprastraktura
    Pagbaba ng antas ng kahirapan, krimen, atbp
  • Dimensyon ng pag-unlad
    • Kaunlarang Pang-ispiritwal
    • Kaunlarang Pang-tao
    • Kaunlarang Panlipunan
    • Kaunlarang Pang-kultura
    • Kaunlarang Pampulitika
    • Kaunlarang Pang-ekonomiya
    • Kaunlarang Pang-ekolohiya
  • Tradisyunal na Pananaw

    Nakatuon sa patuloy na paglaki ng income per capita nang sa gayun patuloy na maparami ang output ng bansa kaysa paglaki ng populasyon nito
  • Makabagong Pananaw

    Ang pag-unlad ay nakabatay sa pagbabago sa buong sistemang panlipunan
  • Palatandaan ng Pagsulong
    • Pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan
    • Likas na yaman tulad ng langis at iba pang uri ng enerhiya
    • Yamang tao
    • Kapital
    • Teknolohiya at Inobasyon
    • Mataas na antas ng GNI at GDP
  • Palatandaan ng Pag-unlad

    • Pagsulong
    • Pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng tao
    • Pagbawas sa di-pagkapantay-pantay ng mga tao sa lipunan
    • Kaayusang panlipunan
    • Pagsugpo sa kahirapan
  • Human Development Index (HDI)

    Isang panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa na tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahalagang aspekto ng kaunlarang pantao (full human potential)
  • Mga palatandaan ng HDI

    • Kalusugan
    • Edukasyon
    • Antas ng pamumuhay
  • Inequality Adjusted-HDI

    Ginagamit upang matukoy kung paano ipamamahagi ang kita, kalusugan at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa
  • Gender Development Index

    Sinusukat ang puwang sa pagitan ng babae at lalaki
  • Multidimensional Poverty Index

    Ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay
  • Tatlong Antas ng Kaunlaran ng Bansa
    • Maunlad na Bansa (Developed Economies)
    • Umuunlad na Bansa (Developing Economies)
    • Papaunlad na Bansa (Underdeveloped Economies)
  • Maunlad na Bansa (Developed Economies)

    Mga bansang may mataas na Gross Domestic Product at Gross National Income (Norway, Ireland, Switzerland, Hongkong, at Iceland)
  • Umuunlad na Bansa (Developing Economies)

    Mga bansang may industriyang papalago pa lamang at walang mataas na antas ng industriyalisasyon, hindi rin mataas ang kanilang GDP at GNP (Indonesia, Malaysia, Thailand, Mexico, at Philippines).
  • Papaunlad na Bansa (Underdeveloped Economies)

    Mga bansa na kung ihahambing sa iba ay may kulang sa industriyalisasyon, mababa ang antas ng agrikultura, mababang income (Uganda, United Republic of Tanzania, Zambia, Afghanistan, Bangladesh, at Bhutan).
  • Mga tungkulin ng mga mamamayan para sa pag-unlad ng bansa

    • Suportahan ang ating pamahalaan
    • Sundin at igalang ang batas
    • Alagaan ang ating kapaligiran
    • Pagtulong sa pagpuksa ng kurapsiyon at katiwalian sa pamahalan
    • Maging produktibo, gamitin ang kasanayan at talento sa makabuluhang bagay
    • Tangkilikin ang sariling produkto
    • Magtipid sa paggamit ng enerhiya
    • Makilahok sa mga gawaing pansibiko
  • Tatlong Antas ng Kaunlaran ng Bansa
    • Maunlad na Bansa (Developed Economies)
    • Umuunlad na Bansa (Developing Economies)
    • Papaunlad na Bansa (Underdeveloped Economies)
  • Mga Salik sa Pag-unlad

    • Institusyong Panlipunan (Social Institution) 50%
    • Kultura (Culture) 20%
    • Heograpiya (Geography) 30%
  • Mga Salik na Maaaring Makatulong sa Pagsulong ng Ekonomiya
    • Likas na Yaman
    • Yamang-Tao
    • Kapital
    • Teknolohiya at Inobasyon
  • Kaunlarang Pang-ispiritwal (Spiritual Development)

    tumutukoy sa pagkakaroon ng kapayapaan at makabuluhang buhay
  • Kaunlarang Pang-tao (Human Development)
    ang kaunlaran ay dapat na nagsusulong ng kagalingang pantao. Ang kanyang dignidad at mga potensyal bilang tao ay napapangalagaan at napapagyaman. Mayroong lubos na paggalang sa karapatang pantao. Walang tunay na pag-unlad kung ang tao hindi nakikinabang sa kanyang mga karapatan.
  • Kaunlarang Panlipunan (Social Development) 

    tumutukoy sa patas na katarungan at pagkakapantay-pantay sa oportunidad sa bawat isang kasapi ng lipunan
  • Kaunlarang Pang-kultura (Cultural Development) 

    may pag-unlad kung may paggalang sa kultura ng bawat isa at ang lahat ay maaaring makinabang sa mga yamang pangkultural.
  • Kaunlarang Pampulitika (Political Development)

    demokratikong pamamahala, walang korupsyon, episyente, epektibo, at makatao ang mga palatandaan ng kaunlarang pulitikal.
  • Kaunlarang Pang-ekonomiya (Economic Development)

    maunlad ang kabuhayan kung mayroong seguridad ang bawat isa na makalahok at makinabang sa mga gawaing pangkabuhayan.
  • Kaunlarang Pang-ekolohiya (Ecological Development)

    ang pag-unlad ay dapat likas-kaya. Hindi isinasakripisyo ang kalikasan upang kumita at matustusan ang mga pangangailangang materyal ng tao. Ang kalikasan ang pundasyon ng anumang pag-unlad.
  • "Development as Freedom" (2008) Amartya Sen
    Ang kaunlaran ay matatamo lamang kung maunlad ang yaman ng buhay kaysa yaman ng ekonomiya nito
  • Ang Human Development Report Office (HDRO) ng United Nations Development Programme (UNDP) 

    gumagamit ng karagdagang palatandaan upang masukat ang hindi pagkapantay-pantay, kahirapan at gender disparity
  • Institusyong Panlipunan (Social Institution) 50%
    Mahalagang may magandang pamamahala sa tumutulong sa pangangailangan ng tao upang maiwasan ang kurapsiyon at iba pang krimen na nakakaapekto sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.
  • Kultura (Culture) 20%
    Mahalagang maibalanse ang pananampalataya at paniniwala ng tao para magkaroon ng kaunlaran. Upang mapaunlad ng tao ang kanilang estado sa buhay ay dapat 50% na paniniwala at 50% na magiging masipag sa buhay at sa negosyo.
  • Heograpiya (Geography) 30%

    Mahalagang mayroong matabang lupa ang isang bansa para sa agrikultura na nagbibigay ng pagkain at hilaw na sangkap para gawing produkto ng makakapagbigay ng kita sa ekonomiya nito.
  • Likas na Yaman
    Ang likas na yaman ay malaki ang naitutulong sa pagsulon sa isang bansa dahil nagiging kapital ito sa pagbuo ng mga produkto na pwedeng ibenta at nagbibigay ng suplay ng pagkain.
  • Yamang-Tao
    Mahalagang salik ang yamang tao dahil ito ang pinagmumulan ng lakas paggawa. Kung maraming maaalam na tao at mayroong espesyalisayon ay malaki ang maitutulong nito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
  • Kapital
    Mahalaga ang kapital sa pagsulong ng paunlad dahil sa kapital ay pweding bumili ng mga gamit at makinarya upang mapalago ang isang negosyo at marami ang magagawa nitong produkto at serbisyo.
  • Teknolohiya at Inobasyon

    Mahalaga ang salik na ito dahil nagagamit natin ang pinagkukunang yaman ng episyente at naparami ang nagagawang produkto at serbisyo.