L3: Pagbuo ng Tentatibong Bibliograpi

Cards (18)

  • Bibliograpi
    Tinatawag din itong talaaklatan, listahan ng mga sanggunian o talasanggunian.
  • Bibliograpi
    Ito ay listahan ng mga ginamit na sanggunian bilang batayan sa pananaliksik.
  • Ang mga ginagamit sa talasanggunian ay maaaring mga materyal na aklat, diksyunaryo, ensayklopedia, pananaliksik at tesis, pahayagan, magasin, journal, dokumento, bulletin, artikulo, at iba pang sulatin na nagmula sa internet (website pages) at iba pang di limbag na batis o sorses tulad ng pelikula, programa sa telebisyon at radyo sa pagkuha ng mga mahahalagang impormasyon at datos.
  • Mababasa sa bibliograpi ang mga pangalan ng awtor, pamagat ng aklat o anumang ginamit na reprensya; publikasyon; lugar at petsa ng pagkakalimbag.
  • Ang bibliograpi ay makikita sa bandang hulihan ng aklat o anumang proyektong isinusulat gaya ng pananaliksik sa Ingles, Filipino, Agham at Agham-Panlipunan.
  • Sa bibliograpi, sinusulat at inihahanay nang paalpabeto batay sa apelyido ng awtor upang madaling hanapin at makita ang sangguniang ginamit.
  • Kailangang tiyaking tama ang mga bantas na gagamitin sa pagbuo nito tulad ng tuldok, tutuldok, kuwit, panaklong at hanging indention.
  • Bibliograpi
    Ito ay ginagamit ng taong nagsasaliksik.
  • Bibliograpi
    Napapadali at napapagaan ang gawain ng mga susunod na mananaliksik dahil nabibigyan sila ng mayamang ideya kung saan maaaring umpisahan ang pagbabasa.
  • Bibliograpi
    Una itong isinasagawa bago pa man ang pamagat upang masigurado ng mananaliksik na may mapagkukunan siya ng mga datos o may nabuo at nagawang pag-aaral na magkatulad ang paksa.
  • Bibliograpi
    Patunay ng nagsasaliksik na ang lahat ng kanyang ideya o konseptong binanggit sa kanyang pag-aaral ay kakikitaan ng katotohanan, katumpakan o katiyakan ng mga impormasyon.
  • Bibliograpi
    Inilalatag ito upang maipakita ang lugar ng ginagawang pananaliksik sa mas malawak na larangang kinabibilangan nito.
  • Bibliograpi
    Sinusuportahan nito ang kredibilidad ng ginagawang pananaliksik dahil nagiging malay ang mag-aaral sa pagsangguni sa mga awtoridad sa paggawa ng kanyang pag-aaral upang maiwasan ang kaso ng Plagiarism.
  • Bibliograpi
    Kakikitaan ng lawak at lalim ng pananaliksik na naisagawa ng tagapagsaliksik.
  • Bibliograpi
    Nagpapakita ng kalidad o uri ng mga ideyang isinasama ng tagapagsaliksik sa kanyang pag-aaral.
  • Sa pagbuo ng tentatibong bibliograpi, mahalagang itala ang mga impormasyong kakailanganin sa pinal na talasanggunian.
  • Pagbuo ng Tentatibong Bibliograpi
    1. Una, ang buong pangalan ng may-akda o awtor, kasama ang mga iba pang may-akda, at maging ang patnugot kung ito ay antolohiya, bolyum o iba pang katulad na koleksyon.
    2. Pangalawa, ang buong pamagat ng aklat o koleksyon ng mga sanggunian. Marapat ding bigyang-pokus ang bolyum at edisyon nito.
    3. Ang lugar (lungsod) kung saan ang pananaliksik ay inilathala at ang tagapaglathala at/o tagalimbag kung walang tagapaglathala ay kailangan ding itala.
  • Ang talasanggunian ay nakaayos batay sa apelyido, may pormat na sinusunod, at nasa hulihang bahagi ng pananaliksik.