Polo y Servicio - patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas na kungsaan sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihan na may edad 16 hanggang 60.
Paraan ng mga imperyalistang bansa para makakuha ng bagong lupain:
Pakikipagkaibigan
Paggamit ng puwersa
Paggamit ng kasunduan
Colony - direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kaniyang sakop.
Kasunduang Tientsin - nabuo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Opyo
Imperyalismo - dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at pangkultural sa pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
Dahilan ng paglaganap ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya:
Pagkukunan ng hilaw na materyales
Pagpapalawak ng kapangyarihan
Panibagong ruta ng kalakalan
Epekto ng kolonyalismo:
Kawalan ng pamahalaan ang sariling bansa.
Pang-aalipin at pang-aabuso sa mga katutubo.
Pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng ating mga ninuno.
Paraan ng kolonisasyon:
Komersyal na paraan
Militar na paraan
Lokal na kontroladong pagpapalawak
Ang Tributo ay sistema ng pagbubuwis na ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas upang matustusan ang pamahalaan nito.
Divide and Rule Policy isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.
Indonesia - bansang tanyag sa panggagalugad at pagtuklas dahil sa masaganang produkto ng pampalasa na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan nito lalo na sa pulo ng Moluccas.
Dahilan ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas
Maayos na daungan
Ginto
Spain at Portugal - mga bansa na nanguna sa pananakop sa Timog-SilangangAsya.
Mga patakarang ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas:
Polo y Servicio
Bandala
Encomienda
Kasunduang Nanking ang naglalaman ng pag-angkin ng England sa Hongkong
Komunismo ang uri ng nasyonalismo na umusbong sa China na naging daan sa paglaya mula sa mananakop.
Impluwensya ng mga Kanluranin na ginamit at pinaunlad ni Emperador Mutsuhito sa Japan:
Edukasyon
Ekonomiya
Sandatahang Lakas
Kaganapan ng pag-unlad ng nasyonalismong Tsino:
Nagkaisa ang mga komunista upang harapin ang pananakop ng mga Hapones
Nagwagi ang mga komunista laban sa mga Nasyonalista
Ikalawang Digmaang Sino-Hapones
Pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan:
1 Rebelyong Taiping
2 Rebelyong Boxer
3 Pag-usbong ng Ideolohiyang Demokrasya
4 Pag-usbong ng Ideolohiyang Komunismo
Prinsipyo na isinulong ni Sun Yat Sen upang isulong ang pagkakaisa ng mga Tsino:
San mit chu-i o nasyonalismo
Min-sheng-chu-i o demokrasya
Min-sheng-chu-i o kabuhayang pantao.
Ang pagtangkilik ng sariling produkto nagpapamalas ng nasyonalismo.
Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay-daan ito upang ang mga Asyano ay matutong pigilan ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.
Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa pamumuno ni Achmed Sukarno.Rebolusyon ang paraan ng paglaban ng Indonesia sa mga Olandes.
Thailand ang bansa sa Timog-Silangang Asya ang hindi nasakop ng mga Kanluranin.
Digmaan ang paraan na ginawa ng Vietnam upang makamtan ang pinakaaasamasam na kalayaan
Ang mga pangyayaring naganap sa Pilipinas upang maipakita ang pagmamahal sa bayan:
Kaisipang liberal
Sekularisasyon
Propaganda
Pag-alsa sa Cavite
Himagsikan ang ginamit ng mga Katipunero upang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Indones para sa kalayaan noong ika-20 siglo at nagtatag ng mga makabayang samahan katulad:
Budi Utomo (1908)
Sarekat Islam (1911)
Indonesian Nationalist Party (1919)
Indonesian Communist Party (1920)
“Ang pag-ibig sa bayan ang susi ng kaunlaran”
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Displaced Refugees
Paglaganap ng Komunismo
Pagkamatay at Pagkasira
Bataan at Corregidor ang mga lugar sa Pilipinas na bumagsak kaya tuluyang nakapasok ang Japan sa Timog-Silangang Asya.
Epekto ng digmaan
Pagkasira ng kapaligiran
Pagkamatay ng maraming mamamayan
Pagkaggutom ng mamamayan sa iba’t ibang panig ng Asya
Pagpo-promote sa usaping pagkakaisa at pangkapayapaan ang layunin ng pagtatag ng United Nations.
Mabuting epekto ng pagkakaroon ng pandaigdigang digmaan - Umigting ang damdaming nasyonalismo
Nabuwag ang kinikilala na noo’y “war-time alliance” sa pagitan ng Soviet Union at United States na dahilan upang magkaroon ng “Cold War” dahil sa pagpapalaganap ng Soviet Union ng Komunismo sa Europa.
Dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto 1914
Pag-aalyansa ng mga bansa sa Europa
Pag-uunahan sa teritoryo
Pagkakaroon ng kilos-protesta
Layunin ng United Nations Relief and Rehabilitation Administration (UNRRA)
Binuo ito upang makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, at serbisyong medikal sa mga displaced persons
Reparations - pagbabayad ng napakalaking halaga sa mga pinsalang idinulot nito pagkatapos ng digmaan.
Ang Ideolohiya ay ideya o kaisipan ang naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.