Wastong Paggamit ng Makinang De-padyak
1. Alamin mong mabuti ang mga bahagi ng makina at ang gamit ng mga ito.
2. Paandarin ang makina sa pamamagitan ng pagpapaikot ng balance wheel patungo sa iyo at isunod ang pagpadyak ng treadle sa ilalim.
3. Magsanay sa pagpapadyak ng treadle
4. Bago isagawa ang pagsasanay, alisin muna ang karayom.
5. Sanayin ang mga paa sa pagpadyak paitaas at paibaba gamit ang mga daliri at sakong ng paa hanggang sa maging perpekto ang iyong pagpapatakbo ng makina
6. Kung natutuhan mo na ang tamang pagpapadyak, magsanay manahi Rule nang tuwid sa kapirasong tela
7. Ilagay muli ang karayom at higpitan ang turnilyo nito
8. Maglagay ng tela sa ilalim ng presser foot at ibaba ang presser bar lifter
9. Simulan na ang pagpapadyak at sikaping tuwid ang mga tahi.
10. Ingatan ang mga kamay, iwasan itong ilagay sa ilalim ng karayom
11. Ang kanang kamay ang aalalay sa telang tinatahi samantalang ang kaliwa naman ang magpapaikot sa gulong papunta sa iyo
12. Kontrolin ang pagpapatakbo ng makina lalo na kapag malapit na sa dulo ng tinatahing tela.
13. Sa pagtanggal ng telang tinatahi, itaas ang presser bar lifter
14. Hilahin ang tela sa likod ng presser foot at galawin ang balance wheel upang mahila mo ang sinulid
15. Gupitin ang sinulid gamit ang gunting