Bahagi ng pananaliksik

Cards (13)

  • Panimula/Introduksiyon - naglalahad ng pinag-aaralang paksa. Kadahilanan ng pagsasagawa ng pananaliksik
  • Bahagi ng panimula - pagpukaw sa atensyon ng mambabasa, maikling pinagmulan, at paglalahad ng tesis
  • Tesis na pahayag - pahayag ng deklarasyon ng nais patunayan o panindigan ng ginagawang pananaliksik. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik. Pagtitibayin ng katotohanan at katibayan. Sentro ng lahat ng pagtalakay.
  • Paglalahad ng suliranin - ito ay mahalagang bahagi ng pananaliksik na naglalahad ng mga tanong na nais sagutin ng mananaliksik
  • Pangunahing tanong - nasa anyong tanong ng inilahad na tesis ng pag-aaral
  • Sekundaryong tanong - layunin ng tutukan ang detalye ng pangunahing tanong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga susi at tiyak na mga tanong
  • Saklaw - nagsasabi kung ano lamang ang tatalakayin ng pag-aaral
  • Limitasyon - ang hindi saklaw ng pag-aaral
  • Rebyu ng kaugnay na literatura - ipinapakita ang pangunahing sanggunian na gagamitin sa pananaliksik. Nagsasaad ito ng nauna o kasalukuyang pag-aaral. Kinikilala ang kahalintulad na pag-aaral at sinisipi nang maayos sa bibliograpiya
  • Metodolohiya - Kailangan ng metodo sa pananaliksik na nababagay ayon sa kahingian ng paglalahad ng suliranin. Paano masasagot ang mga tanong sa suliranin ng pag-aaral at ano-ano ang pamamaraang gagamitin.
  • Dalumat - bahagi na tumatalakay sa mga konsepto o teorya na gagamitin sa pananaliksik. Karaniwang kahingian sa mga tesis na pang-batsilyer at pang-masterado ang aplikasyon ng mga konsepto at teorya sa ginagawang pag-aaral
  • Pagtalakay sa resulta ng pananaliksik - lohikal na presentasyon ng mga datos o resulta batay sa mga tanong na sinagot. Mabusisi at masusing talakayan ng napatunayan o napabulaanang tesis ng pag-aaral. Isinasaalang-alang ang paggamit ng tsart, hanay, rubriks, estadistika, at modelo. Interpretasyon ng mga datos batay sa gagamiting dalumat.
  • Kongklusyon(Buod at rekomendasyon) - nagsasaad ng buod ng pag-aaral. Pagtalakay sa naging tugon sa mga suliraning iihain sa pag-aaral. Pag-uulit ng mahahalagang puntos mula sa unang bahagi o kabanata ng pag-aaral: tesis, layunin, suliranin at konseptuwal na balangkas, at mga salita o komento.