Aralin 1

Cards (18)

  • Edukasyon ang kailangan upang malinang ang kakayahan
  • Kapag may hanapbuhay ang mga mamamayan, sila ay kumikita at may pinagkukunan ng kabuhayan
  • Isa sa mahahalagang layunin ng ating pamahalaan ang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa
  • Napakahalaga ng edukasyon upang tumaas ang kalidad ng pamumuhay ng tao dahil ito ang nakatutulong sa kaila na makapaghanapbuhay nang maunlad at matiwasay
  • Natutunugan nila ang kanilang mga pangangailangan at nakatatamasa sila ng masagana at mataas na antas ng pamumuhay
  • Kung marami ang naghihirap at naghihikahos, nahihirapan din umunlad ang bansa
  • Mga Isyu Tungkol sa Sistema ng Edukasyon
    • Mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa
    • Kakulangan ng mga tamang bilang at kwalipikado o mahuhusay na guro
    • Mababang sahod ng mga guro
    • Mababang kakayahan na mabayaran o affordability
    • Hindi sapat ang budget ng gobyerno o pamahalaan
    • Kakulangan sa pagkakataon na makapag-aral
    • Kakulangan sa mga aklat at kagamitan sa paaralan
    • Kakulangan sa bilang ng mga guro
    • Paghinto sa pag-aaral o drop-out ng mga mag-aaral sa paaralan
  • Ang kalidad ng edukasyon ang sinasabing pangunahing suliranin o ikinababahala kung ang pag-uusapan ay ang sektor ng edukasyon sa Pilipinas
  • NAT - National Achievement Test
  • Ayon sa pagsasaliksik, maituturing daw na higit na mas magagaling sa English, Agham, at Matematika ang mga mag-aaral noong dekada '70 kumpara noong dekada '80, '90, at sa kasalukuyan
  • Sa mga saligang aralin tulad ng Agham, Matematika, at English ay kadalasang mababa ang nakukuhang grado ng isang mag-aaral
  • Tatlong pangunahin at pereniyal na problemang kinahaharap ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas
    • Ang kalagayan ng mga guro
    • Silid-aralin
    • Mga aklat-aralin
  • May mahigit sa kalahating milyong guro na nagtratrabaho sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa at makatatanggap ng bahagyang pagtaas ng suweldo sa panahon ng pamamahala ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo
  • Sa panahon ni dating Presidente Benigno Aquino III, tila baga napabayaan ang pinansyal na kapakanan ng mga guro
  • Ang mga Pilipinong guro ay kilala bilang matitiyaga sa mga bata at may dedikasyon sa paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral sa bansa
  • Ganoon pa man, ang maraming mga guro ay nakararanas ng kakapusan sa harap ng para bagang pagpapabaya sa kanila ng ilang nagdaang gobyerno
  • Ang isang Pilipinong guro, lalo na sa pampublikong pampaaralan, ay humahawak ng isang klase na may 60 hanggang 70 mag-aaral sa average na dalawang shifting sa isang araw
  • Ito ay malayo sa ideyal na teacher-student ratio na 1:25 o sa 1:40 na siyang opisyal na pamantayan ng pamahalaan upang masiguro ang isang angkop na kondisyon para sa pag-aaral