Nobelang isinulat ni Jose Rizal upang maging isang mabisang paraan sa paghihimagsik laban sa mga mananakop na Kastila
Jose Rizal
24 anyos nang magsimulang isulat ang kanyang unang nobela
Nagkaroon ng inspirasyon matapos magbasa ng mga aklat na The wandering Jew, Uncle Tom's cabin at ang Bibliya
Pagsulat ng Noli Me Tangere
1. Isinulat ang mga unang bahagi noong 1884 sa Madrid
2. Natapos ang ibang bahagi noong 1885 sa Paris
3. Natapos ang nobela noong 1987 sa Alemanya
4. Tatlong taon ang iginugol para tapusin ang 65 na mga kabanata
Ang pondo sa paglilimbag ang naging suliranin ni Rizal nang matapos ang nobela
Pinahiram siya ng salapi ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola
Nang lumaganap sa bansa ang 2,000 kopya ng nobela, nakarating din ito sa mga Espanyol na labis na nagalit sa mga isinulat ni Rizal
Noli Me Tangere
Mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin sa wikang Filipino ay "Huwag Mo Akong Salangin" (Touch Me not)
Ang Elias at Salone ay ang kabanata ng Noli na sadyang tinanggal ni Rizal at hindi isinama sa pagpapalimbag dahil umano sa kakulangan sa pondo
Inialay ni Dr Jose Rizal ang kanyang unang nobela sa Inang Bayan
Mga Kanser ng Lipunan na ipinakita sa Noli Me Tangere
Colonial Mentality
Social Climber
RacialDescrimination
Fatalism
ReligiousIntolerance
Servility
Matapos magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas, tinangkang harangin ng simbahang Katoliko ang pagbabasa at pagtuturo sa mga paaralan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong 1856
Ngunit hindi ito nagtagumpay at natatag ang RA 1425 o kilala sa tawag na Batas Rizal kung saan isang mandato sa lahat ng matataas na paaralan ng Pilipinas ang pag-aatal sa mga nobela buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal
Juan Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aaral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego
Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego, isang mapagmahal at masunurin na anak sa kanyang mga magulang
Elias
Bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Siya ang nagligtas kay Ibarra mula sa kulungan kahit buhay ang naging kapalit
Colonial Mentality
Ang pagpapalagay ng mga Pilipino noon sa kanilang sarili na sila ay nabibilang sa mga dayuhang Kastila, at ang dugong nananalaytay sa kanila ay hindi dugong Pilipino. At pagtangkilik sa mga produktong gawa sa ibang bansa katulad ng ginawa ni Kap. Tiago at ibang mga mayayaman noong Pista sa San Diego.
Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Kilala sa tawag na Pilosopong Tasyo ng mga may pinag-aralan ngunit Tasyong Baliw ang tanyag sa kanya sa nga taong hindi nakapagpasoj sa paaralan
Social Climber
Ang pagnanais ng mga Pilipino noon na mapabilang sa tinatawag na "Alta Sociedad" katulad nina Kapitan Tiago, Donya Victorina at Donya Consolacion.
Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Ina nina Crispin at Basilio
Racial Discrimination
Ang pagtanggi o pagbabawal sa mga kababaihan na makisalamuha sa mga kalalakihan, maging sa paaralan ay hindi pinapayagan ang mga kababaihan na pumasok at matuto, paghihiwalay sa mga kababaihan at kalalakihan.
Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara
Fatalism
Ang panggiit ng simbahan noon at pagtuturo na ipaubaya ang kapalaran at kinabukasan ng isang tao sa Diyos.
Padre Salvi
Kurang pamalit kay Padre Damaso, nagkaroon na lihim na pagtatangi kay Maria Clara
Religious Intolerance
Ang paggamit ng relihiyon ng mga Kastila noon upang takutin at lasunin ang pag-iisip ng mga Pilipino.
Padre Sibyla
Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra
Servility
Ang labis na pagpapalugod o paglilingkod sa mga mayayaman o maimpluwensiya o ang pagiging tau-tauhan ng mga Pilipino noon sa mga Kastila.
Crispin
Ang bunsong anak ni Sisa na sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan. Pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa
Basilio
Ang nakatatandang kapatid ni Crispin. Anak ni Sisa na isa ring sakristan at tagatugtog ng kampana
Kapitan Tiago
Isang mangangalakal na tiga-binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Kilala bilang mapagbigay sa kapwa
Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara buhat nang namatay ang ina nito
Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama
Kapitan Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra
Donya Victorina
Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila
Donya Consolacion
Napangasawa ng alperez; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali
Alfonso Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara
Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakinggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe
Alperes
Matakik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego, ang pinuno ng guwardiya sibil at asawa ng Donya Consolacion
Don Tiburcio
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina
Kapitana Maria
Tanging babaeng makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama
Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa ng Latin, pinuno ng mga kabataan o partidong liberal