PPITTP FINALS ARALIN 5

Cards (57)

  • Pagtukoy sa suliranin ng pananaliksik
    Ang unang hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ay ang pagkakaroon ng suliraning magiging tuon ng pag-aaral. Ang mga ito ay nasa paligid lamang. Ito ang magsisilbing gabay sa pagtupad ng mga prosesong isasagawa sa kabuuan ng pag-aaral.
  • Pagpili ng paksang pag-aaralan
    • Interes at kakayahan ng mananaliksik
    • Kayang tapusin ang pag-aaral sa limitadong panahon
    • Hindi pa napag-aaralan at may makukuhang sapat na materyales upang matugunan ang tiyak na suliranin
  • Paggawa ng pamagat ng isang pananaliksik
    Dapat makuha ang atensyon ng mambabasa. Ito ang magsasabi kung may kaugnayan ito sa paksang pag-aaralan ng mambabasa.
  • Paggawa ng pamagat ng isang pananaliksik
    • Ipinapahayag ang pagiging katangi-tangi o pagiging orihinal ng isang pananaliksik kahit pa may ibang pag-aaral na halos kapareho
    • Ang pamagat ay mayroong labinlimang salita (15) pababa lamang
  • Panimulang bahagi
    • Pahina ng Pamagat
    • Pagpapatibay
    • Pagkilala
    • Abstrak
    • Nilalaman
    • Pasasalamat
    • Paghahandog
    • Talaan ng mga Talahanayan
    • Talaan ng mga Figura
  • Kabanata 1 - Ang suliranin at kaligiran ng pag-aaral
    • Panimula
    • Kaligiran ng Pag-aaral
    • Batayang Teoretikal/ Batayang Konseptwal
    • Paglalahad ng Suliranin
    • Hinuha o Haypotesis
    • Kahalagahan ng Pag-aaral
    • Kahulugan ng mga Katawagan
    • Tala
  • Panimula
    Binubuo ng mga talata na nagbibigay ng pahapyaw na kaalamang magiging mabisa sa pagtalakay ng mga sumusunod na bahagi.
  • Kaligiran ng pag-aaral
    Tinatalakay sa bahaging ito kung kalian, paano, at saan nagsimula ang suliranin. Isinasama rito ang mga sitwasyon sa nakaraan tungo sa kasalukuyan at kung bakit kailangang bigyang-pansin ang paksang napili. Kung may mga kaugnayang istatistikal na datos, maaari din ilagay upang bumigat ang kahalagahan ng pag-aaral.
  • Batayang Teoretikal/ Konseptwal
    Ito ay balangkas na naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ang nasabing balangkas ay ipinapakita sa isang presentasyon ng paradigma ng pananaliksik na kailangang maipaliwanag nang maayos.
  • Halimbawa ng batayang konseptwal
    • INPUT
    • PROSESO
    • KINALABASAN
  • Paglalahad ng suliranin
    Ito'y madalas na nagsisimula sa pangkalahatang paglalahad (major statement) na sinusundan ng mga tiyak na katanungan (specific questions). Ang mga tanong din na ito ang siyang kailangang masagot sa pananaliksik.
  • Paraan ng paglalahad ng suliranin
    • Patanong (question)
    • Papaksa (statement)
  • Haypotesis
    Ang haypotesis ay pansamantalang hinuha o hula sa maaaring kalalabasan ng isasagawang pananaliksik, Ito ay maaaring tanggapin o hindi tanggapin batay sa kalalabasan ng pag-aaral.
  • Uri ng haypotesis
    • Walang Bisang Palagay (Null Hypothesis)
    • Alternatibong Palagay (Alternative Hypothesis)
  • Kahalagahan ng pag-aaral
    Dito nagsasabi kung kanino o sino ang makikinabang ang pag-aaral na isasagawa at kung ano ang kapakinabangan nito sa kanila. Nagbibigay rin ito ng pagkakataong maipahayag ang ambag ng pananaliksik sa iba't ibang larangan at disiplina.
  • Saklaw at limitasyon
    Tumutukoy sa lugar kung saan isasagawa ang pag-aaral, panahon kung kalian isasagawa ang pag-aaral at kung sino at ilan ang mga kalahok sa pag-aaral. Ang limitasyon ay bahagi ng imbestigasyon na maaaring makaapekto sa resulta ng pag-aaral.
  • Kahulugan ng mga katawagan
    Dito ang ilang mga piling salita na ginamit sa pananaliksik. Binibigyang-kahulugan ito upang maiparating sa mambabasa ang kahulugang inihahayag nito nang sa gayon ay higit na maunawaan ng mambabasa ang pananaliksik na isinagawa.
  • Uri ng pagbibigay-kahulugan
    • Konseptwal na kahulugan
    • Operasyunal (operational definition)
  • Kabanata 2: Mga kaugnay na literatura at pag-aaral
    • Lokal na literatura
    • Internasyunal na literatura
    • Lokal na Pag-aaral
    • Internasyunal na Pag-aaral
  • Kaugnay na literatura
    Layunin nitong ipakita ang mga nagawang pananaliksik ukol sa suliranin at bigyang linaw ang rasyonaleng teoretikal na problema. Maaaring magpakita rito ng mga hindi pa ganap o mga teorya na pag-aaral.
  • Kaugnay na pag-aaral
    Inilalahad dito ang mga sipi na may malaking kinalaman sa pag-aaral ng mananaliksik. Mga halimbawa nito'y ganap nang napatunayang mga pananaliksik, artikulo, o mga pag-aaral.
  • Kabanata 3: Pamamaraang ginamit sa pananaliksik
    • Paraan ng Pananaliksik
    • Populasyon ng Pananaliksik
    • Pamamaraan sa Pagkuha ng Datos
  • Palarawan (descriptive)
    • Pag-aaral ng kaso – pag-aaral sa isang tiyak na tao o grupo sa loob ng isang tiyak ding panahon
    • Dokumentaryong Pagsusuri – pagkalap ng mga datos (records o dokumentasyon) na magiging lunsaran ng gagawing pagsusuri
  • Pag-uugnay na Pag-aaral
    Paraang tumutukoy sa relasyon ng iba't ibang varyabol
  • Sarbey
    Ginagamit upang sukatin ang pag-aaral sa pamamagitan ng inihandang talatanungan (survey form)
  • Developmental na Pag-aaral
    Nangangailangan ng mahabang panahon sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao
  • Developmental na Pag-aaral
    • Longitudinal – sabay-sabay ang sampol na kinuha mula sa isang antas. Maghihintay pa ng susunod na panahon upang magkaroon ng ikalawang antas at sa mga susunod pa...
    • Kros-seksyonal – kukuha ng mga kalahok mula sa iba't ibang antas at pagsasabay-sabayin ang sampling teknik na gagamitin
  • Eksperimental
    Pinakatanyag na pamamaraan sa larangan ng agham. Ito'y sa pamamaraang pag-eeksperimento
  • Pangkasaysayan
    Gumagamit ng mga datos batay sa naging bahagi ng nakaraan
  • Populasyon ng Pananaliksik
    Tumutukoy sa mga taong kasangkot sa isasagawang pag-aaral
  • Sampling
    Dapat isaisip kung kukuha ng bahagi ng populasyon
  • Random
    • Bawat miyembro ay mabibigyan ng pagkakataong maging kalahok
    • Talahanayan ng bilang (Table of Random Numbers)
    • Palabunutan (lottery)
  • Sistematik
    Pamalit ito sa paraang random. Tiyakin na nauna nang naihanda ang talaan ng mga pangalan ng kalahok. Mamili na lamang nang sunod-sunod sa mga pangalan o mag-interval sa pagpili upang mapaliit ang bilang kakailanganin
  • Istratifayd (stratified)

    • Ang talaan ng mga kalahok ay hahatiin na sa iba't ibang klasipikasyon tulad ng: may trabaho, gulang, 18 pataas, kasarian, at iba pa
  • Di-random
    Ang mga kalahok ay hindi napili sa pamamagitan ng parehong pagkakataon
  • Di-random
    • May layunin (Purposive) – pipili lamang ng kalahok na sa palagay mo ay makasasagot sa iyong mga katanungan
    • May kaluwagan (Convenience) – pakikipag-ugnayan ng mananaliksik sa mga kalahok sa maluwag na paraan tulad ng social media
  • Snow Ball Sampling
    PANGLIMA NA Teknik sa pagsasampling
  • Obserbasyon
    Tuwirang inilalarawan ang sitwasyon, mga taong sangkot sa pag-aaral o kapaligirang pinag-aaralan sa pamamagitan ng pagmamasid batay sa mga ebidensya o katotohanan
  • Patanong (question) – kadalasang ginagamit ang “ano, paano, gaano” at iba pa.
  • Papaksa (statement) – ginagamit sa pangkalakalang pananaliksik. Ang “Paglalahad ng Suliranin” ay pinapalitan ng “Layunin ng Pag-aaral.”