2

Cards (30)

  • Rasyonal, Panimula o Kaligiran ng Pag-aaral
    Ibinibigay ng mananaliksik ang paunang paliwanag ukol sa nagging basehan sa pagsasagawa ng nasabing pananaliksik. Hindi ito kailangang maging napakahaba at napakaligoy. Gawing tiyak ang paglalahad sa bahaging ito upang bigyan ng kaisipan ang mambabasa hinggil sa iyong pananaliksik.
  • Rasyonal, Panimula o Kaligiran ng Pag-aaral

    Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na ANO at BAKIT. Ano bang tungkol sa iyong pinag-aaralang paksa at Bakit kailangan pa itong pag-aralan. Sa mga mananaliksik na mag-aaral, ang isa at kalahating pahina sa bahaging ito ay maaari na o sapat na.
  • Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
    Ang mga nabasang akda, artikulong umuugnay sa sulating pananaliksik na buhat sa mga aklat, pahayagan, journal, at magasin ay tinatawag na mga kaugnay na literatura at ang sa mga tesis at disertasyon naman ay tinatawag na mga kaugnay na pag-aaral.
  • Pagpapahayag ng Suliranin
    Ang bahaging ito nagsisiwalat ng mga suliraning target na matatagpuan ang solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik. Dito ay babanggitin ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaaring sa anyong patanong o simpleng paglalahad ng layunin. Iaanyo itong nangunguna ang pangkalahatang layunin nasusundan ng 3 o mahigit pang tiyak na layunin.
  • Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
    Ipinapahayag sa bahaging ito ang layunin ng pananaliksik at ang sa palagay ng mananaliksik na maitutulong nito sa lipunang kasangkot at sa pangkalahatan.
  • Batayang Konseptuwal o Teoretikal na Gabay
    Sa bahaging ito inilalahad ang teorya o konseptong pagbabatayan ng pag-aaral. Sa teorya o konsepto ring ito iaangkla ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaralan gayundin ang mga ideyang dapat palitawin sa ginawang pananaliksik.
  • Saklaw at Delimitasyon
    Naglalaman ang bahaging ito ng tiyak nabilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar, at ang hangganan ng kanyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.
  • Saklaw at Delimitasyon
    Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng sakop na ginagawang pananaliksik. Ipinaaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin sampu ng populasyon o bilang ng mga respondente na sasagot sa inihandang mga tanong.
  • Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya
    Iniilalagay ang bahaging ito upang matulungang maunawaan ng mambabasa ang kahulugan ng salitang ginamit ng mananaliksik sa sulatin na maaaring bago sa kanya. Maaari rin namang ang bahaging ito ang makapagbigay ng linaw sa nais tukuyin ng mananaliksik hinggil sa kanyang sulatin.
  • Pagbibigay-Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya
    Dito binibigyang-kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na ginamit sa pananaliksik. Binibigyang-linaw ang mga ito sa paraang kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap. Sa maikling sabi operational meaning ng salitang bibigyang-kahulugan sa paalpabetong anyo. Nauuna ang A hanggang sa kung ano ang pinakhuling letra ng simula ng salita.
  • Banyagang Pag-aaral at Literatura
    Sa pangagalap ng mga datos, ang mga mananaliksik ay maaaring tumingin at kumuha ng pagbabasehan sa mga pag-aaral o pananaliksik at mga literatura mula sa ibang manunulat na nagmula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang ganitong uri ng pangangalap ay kritikal at marapat na pagtuunan ng pansin. Maging maingat sa pangagalap na ito sapagkat ang maling pamamaraang pagkuha ng datos ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng "plajarismo".
  • Lokal na Pag-aaral at Literatura
    Ang lokal na pangangalap ng datos ay kalimitang nagaganap sa mga pagpunta sa mga silid-aklatan o anumang uri ng aklatan na aksesibol at madaling matungo ng mga mananaliksik. Gayundin, ito rin ay kadalasang pagtangi sa mga kilalang manunulat at mananaliksik ng bansa na kung saan ang kanilang akda at likha ay magiging pangunahing batayan.
  • AKLAT AT LAYBRARI
    Napakahalagang lugar ang laybrari sa pangangalap ng mga informasyong magagamit sa talakayan. Dito ka makakukuha ng mga teoryang mapagbabatayan ng mga ideya sa pananaliksik. Dito rin makakalap ang mga pahayag na magpapalakas sa inyong mga paliwanag, sa mga kinalap na informasyon lubhang mahalaga at kailangan na itala sa bahaging sanggunian o biblyografi sa kabuuan, ang pinaghagnuan ng ideya.
  • INTERBYU / PAKIKIPANAYAM
    Ito ay gawaing impormasyon ang mismong makukuha sa taong makatutulong sa ginagawang pananaliksik. Ang interbyu ay kailangan upang mapatotohanan ang katotohanan.
  • Pangunahing batayan

    • PANGONGOLEKTA NG DATOS
    • AKLAT AT LAYBRARI
    • INTERBYU / PAKIKIPANAYAM
    • INTERNET
    • METODOLOHIYA
    • PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
  • PANGONGOLEKTA NG MGA DATOS
    1. AKLAT AT LAYBRARI
    2. INTERBYU / PAKIKIPANAYAM
    3. INTERNET
  • AKLAT AT LAYBRARI
    Napakahalagang lugar ang laybrari sa pangangalap ng mga informasyong magagamit sa talakayan. Dito makakakuha ng mga teoryang mapagbabatayan ng mga ideya sa pananaliksik. Dito rin makakalap ang mga pahayag na magpapalakas sa inyong mga paliwanag, sa mga kinalap na informasyon lubhang mahalaga at kailangan na itala sa bahaging sanggunian o biblyografi sa kabuuan, ang pinaghagnuan ng ideya.
  • INTERBYU / PAKIKIPANAYAM
    Siguraduhin ang mga tao o taong iinterbyuhin. Ihanda ang mga tanong na ibibigay o itatanong sa iinterbyuhin. Iwasan ang tanong na tanging oo o hindi ang sagot kung maaari. Ihanda ang sulatang papel o tape recorder na magtatago ng resultang interbyu. Pasalamatan ang interbyuhin pagkatapos.
  • INTERNET
    Matutong manaliksik sa internet upang lalong maging mayaman ang pahayag na maiugnay sa ginagawang pananaliksik. Huwag kalilimutang pasalamatan ang pinagkunan sa pamamagitan ng pagtatala ng website sa biblyografi.
  • METODOLOHIYA
    • Disenyo ng Pananaliksik
    • Respondente / Respondyente / Populasyon
    • Instrumento ng Pananaliksik
    • Tritment ng mga Datos / Estadistika
  • Disenyo ng Pananaliksik
    Nililinaw ang ginamit na disenyo ng pananaliksik. Kadalasan descriptiv-analitik dahil di ito ang para sa mga baguhang mananaliksik dahil dito nangangailangan ng paggamit ng masalimuot na gamit ng istatistik.
  • Respondente / Respondyente / Populasyon
    Inalalahad ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang kwesyoner-sarvey. Inihahayag ang maikling profayl ng mga respondente gayundin at paano sila pinili.
  • Instrumento ng Pananaliksik
    Makikita ang ginamit na mga talatanungan sa pagkalap ng mga impormasyon o datos na gagamitin ang deskriptiv-analitik. Ang instrumento sa pananaliksik ay maaaring sarvey, talatanungan, interbyu o panayam.
  • Tritment ng mga Datos / Estadistika
    Inilalahad ang simpleng statistik na magagamit matapos maitala ang mga naging sagot sa sarvey- kwestyuneyr sa bawat respondente. Sa deskriptiv-analitik maaari ng gamitin ang pagpoporsyento / bahagdan matapos mai-tally ang numerikal datos ng mga kwestyuneyr.
  • Pagsusuri at Interpretasyon ng mga datos
    • Kwaliteytiv
    • Kwantiteytiv
  • Kwaliteytiv at Kwantiteytiv
    Nagaganap ang pagsusuri at interpretasyon sa resulta ng pag-aaral. Higit namang kailangan ang interpretasyon sa resulta ng istatistiks bilang pagpapatunay sa hipotesis na ginawa sa pag-aaral.
  • Pagsusuri ng mga datos
    Nagaganap sa tulong ng malalim na pagpapahayag / pagpapaliwanag ng kinalabasan ng pag-aaral. Lubos na nasusuri ang pinag-aaralan kung iuugnay ito sa teorya o pagdulog ng mapag-aangklahan. Maaari pa ring iugnay ang pagsusuri sa kalagayan ng kapaligiran dahil maaaring makasagot ito sa resulta ng pag-aaral.
  • Interpretasyon ng mga datos
    Ipinahahayag ang pansariling implikasyon ng resulta ng pananaliksik. Gumaganda ang interpretasyon kung makatotohanan ang mga figyur na lumabas sa pag-aaral. Inihahayag muna ang paglalarawan ng mga datos at binabanggit din ang kaukalang tambilang bilang suporta sa gagawing interpretasyon.
  • Ang ginagawan ng interpretasyon ay maaaring nakaanyong tabular o graf na ang parameter ay nasa gawaing itaas o kaya'y sa gawing kaliwa,pababa. Ang kaukalang tambilang naman ay nasa kabilang direksyon ng parameter na maaaring pababa o pahalang ang posisyon
  • Sa unang tanong na panlalalaki o pambababae ang karaniwang sanhi ng pambubugbog sa asawa, makikitang marami ang sumagot sa scale na 4 o sang-ayon, 11 o 35% ng kabuuang bilang ng mga respondente na sinusundan naman ng 5 o sang-ayon na may 9 o 29% at pinakakaunti ang scale na 2 o di-sang-ayon na walang sumagot o 0%.