MIDTERM FILIPINK

Cards (64)

  • Ang pagsulat ay isang proseso o paraan upang maipahayag ang mga ideya sa pamamagitan ng paggamit ng simbolo o sagisag (alpabeto) upang ilarawan ang wika
  • Ang panimula ay ang introduksyon ng akda. Pinapakilala nito ang paksa ng akda
  • Ang huling pangungusap ng panimula ay dapat magtaglay ng tinatawag na tesis na pahayag o "thesis statement"
  • Katawan ng Sulatin
    Bawat talata sa katawan ay isang kabuuan. Nangagahulugan ito na ang bawat talata ay may sariling panimula, gitna, at wakas. Ang maliliit na kabuuan na ito ay pinag-uugnay-ugnay upang makabuo ng isang mas malawak na kabuuan
  • Pagbuo ng Katawan

    • Pagsasama-sama ng mga kaisipang magkakasing-uri
    2. Paghahanay ng mga kaisipan sa isang makatuwirang pagkakasunod-sunod
  • Kakayahan sa Pagsulat ng Katawan

    • Mag-uri-uri
    2. Magsuri
  • Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan

    • Pakronolohikal
    2. Paanggulo
    3. Paespasyal o paagwat
    4. Paghahambing
    5. Palamang o pasahol
    6. Patiyak o pasaklaw
    7. Papayak o pasalimuot
  • Wakas ng Sulatin

    Nagtataglay ng kongklusyon. Maituturing lamang na isang kongklusyon ang isang wakas kung nakapaghain ka ng mga ebidensya at pangangatuwiran sa iyong papel
  • Mabisang Pangwakas

    • Tuwirang sinabi
    2. Panlahat na pahayag
    3. Pagbubuod
    4. Pagpapahiwatig ng aksyon
    6. Pagtatanong
    7. Pagsisipi
  • Ang proseso ng pagsulat ay kinapapalooban ng pagiging pamilyar sa mga magkakatulad na aytem sa pagsulat, paglikha ng diskursong pasulat at pagbabahagi ng mga naisulat
  • Mga Yugto ng Pagsulat

    • Bago Sumulat (Prewriting)
    2. Habang Sumusulat (Writing)
    3. Pagkatapos Sumulat (Revising, Editing)
  • Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod ayon sa pagkakalahad, ngunit importanteng mabatid na ang mga propesyunal na manunulat ay hindi nagtratrabaho nang hakbang–bawat-hakbang
  • Ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at ispayraling, kaya't ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong ito nang paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang akda
  • TOPIKO 2: MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT
  • Layunin sa Pagkatuto

    1. natutukoy ang mahahalagang konsepto sa pagrebisa ng sulatin
    2. nagagamit nang tama ang mga bantas sa pagsulat ng sulatin
    3. natutukoy ang gamit ng malaking titik
    4. nagagamit nang wasto ang malaking titik
  • Proseso ng pagsulat

    1. Bago Sumulat (Prewriting)
    2. Habang Sumusulat (Writing)
    3. Pagkatapos Sumulat (Revising, Editing)
  • Ang pagsulat ay isang prosesong rekarsib at ispayraling, kaya't ang mga manunulat ay bumabalik-balik sa mga yugtong ito nang paulit-ulit sa loob ng proseso ng pagsulat ng isang teksto
  • Pagrerebisa ng sulatin

    1. Pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento
    2. Sinusuri ng isang manunulat ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon
    3. Nagbabawas o nagdaragdag ng ideya
    4. Pinapalitan ang mga pahayag na sa palagay ng manunulat ay kailangan para sa pagpapabuti ng dokumento
    5. Iniwawasto ang mga kamalian tulad ng baybay, bantas, at mismong nilalaman ng sulatin
    6. Ipinapabasa sa iba ang nirebisang papel at alamin kung naging malinaw na ba ang daloy ng mga ideya
  • Revising
    Proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento
  • Editing
    Pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, grammar, gamit at pagbabantas
  • Mga Patnubay sa Pagrebisa

    1. Pag-aralan ang pamaksang pangungusap
    2. Pakiramdaman ang pag-unlad ng mga kaisipan
    3. Bigyang pansin ang mga detalye
    4. Siyasatin ang pagkakaayos ng mga talata
    5. Iniisa-isa ang mga terminong ginamit
    6. Tingnan ang daloy ng mga kaisipan
    7. Pagsamahin ang dalawa o higit pang maiikling pangungusap
    8. Hatiin ang mga mahahabang pangungusap
    9. Gumamit ng mga pangatnig o salitang pantransisyon bilang pang-ugnay
  • Bantas
    Mga simbolo na ginagamit sa pagsulat, upang ipaliwanag ang kahulugan, o ang ibig sabihin ng isang akda
  • Mga Bantas

    • Tuldok (.)
    • Tandang pananong (?)
    • Tandang padamdam o eksklamasyon (!)
    • Kuwit (,)
    • Tutuldok (:)
    • Tuldukuwit (;)
    • Panaklong ( )
  • Tuldok (.)

    Ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos o pakiusap, pagkatapos ng mga tambilang at titik ng isang balangkas o talaan, at sa mga dinaglat na salita
  • Tandang pananong (?)

    Ginagamit bilang panapos sa mga pangungusap na nagtatanong, at sa loob ng panaklong bilang pagpahayag ng pag-aalinlangan
  • Tandang padamdam o eksklamasyon (!)

    Ginagamit sa mga pangungusap, salita o ekspresyong nagsasaad ng damdamin, at kapag gusto mong ipayahag ang matinding pakiramdam o emosyon
  • Kuwit (,)

    Ginagamit sa pagitan ng petsa, pagitan ng pangalan ng kalye, bayan/lungsod, at probinsiya/lalawigan, bilang panimula at pangwakas ng liham, sa mga salita, parirala, o mga sugnay na magkakasunod-sunod, sa pagitan ng tuwirang sabi at pagkatapos ng ngalang panawag, at sa pagitan ng "iyo" at pangalan, tulad din sa pagitan ng pangngalan o panghalip at ng kasunod nito
  • Tutuldok (:)

    Ginagamit sa bating panimula ng liham pangangalakal, sa pagsulat ng oras, sa pagtatala ng iniisa-isang bagay, at sa pagpapakilala ng tuwirang sipi
  • Tuldukuwit (;)

    Ginagamit sa pagitan ng dalawang sugnay na hindi pinag-uugnay ng pangatnig
  • Panaklong ( )

    Ginagamit bilang pangkulong sa mga pinamimiliang salita, upang kulungin ang bahaging nagpapaliwanag sa isang salita ngunit maaaring kaltasin, at upang kulungin ang mga titik o tambilang ng mga balangkas
  • Ginang
    • General Manager
  • Ginagamit sa pagsulat ng oras
    1. 30 n.u.
  • Ginagamit sa pagtatala ng iniisa-isang bagay

    • 13
    • paborito kong ulam: sinangag, pritong itlog, longganisa, talong, talaba
  • Ginagamit sa pagpapakilala ng tuwirang sipi

    Sabi nga ni G. Rizal: Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit sa hayop at malansang isda.
  • Tuldukuwit (;)

    • Tahimik si Leah; maingay naman si Jane.
    • Palaimpok si Nora; bulagsak naman si Imee.
  • Panaklong ( )

    Ginagamit bilang pangkulong sa mga pinamimiliang salita
  • Panaklong ( )

    • Mga prutas (mansanas, mangga, ubas, pakwan, saging).
  • Panaklong ( )

    Ginagamit upang kulungin ang bahaging nagpapaliwanag sa isang salita ngunit maaaring kaltasin
  • Panaklong ( )

    • Si Tino (kanan) at Pedro (kaliwa)
  • Panaklong ( )

    Ginagamit upang kulungin ang mga titik o tambilang ng mga bagay na binabanggit nang magkasunud-sunod