AP

Cards (44)

  • Trade Surplus - kapag mataas mas ang kabuuang halaga ng luwas kaysa angkat.
  • Trade Deficit - Kapag mas mataas ang kabuuang halaga ng angkat kaysa luwas.
  • kota - bilang o kalakal o produktong Inaangkat o inululuwas upang mapangalagaan ang lokal na produkto
  • Sabsidi - tulong na ibinibigay ng gobyerno upang bumaba ang halaga ng produksyon lokal na produkto.
  • Talipa - espesyal na buwis na ipinapataw lamang sa mga kalakal na Inaangakat.
  • DOLE - Department of Labor and Employment
  • OWWA - Overseas Workers Welfare Administration
  • POEA - Philippine Overseas Employment Administration
  • TESDA - Technical Education and Skills Development Authority
  • PRC - Professional Regulation Commission
  • CHED - Commission on Higher Education
  • Pagsasaka - Tumutukoy ito sa produksiyon ng aning pagkain (foodcrops) o aning pambenta (commercial crops). Ang mga aning pagkain ay karaniwang sumasaklaw lamang sa mga binibiling pagkain ng kabahayan, bagaman maari din itong tumutukoy sa mga sobrang produksyon na ibinebenta ng mga magsasaka. Ang aning pambenta o komersiyal ay ginagamit sa pangangalakal. Ilang halimbawa nito ay mangga, niyog, saging at niyog.
  • foodcrops - Aning pagkain halimbawa nito ay bigas, mais, pananim na lamang lupa, at mga gulay.
  • commercial crops - Aning pambenta ilang halimbawa nito ay mangga, niyog, saging, at pinya.
  • Paghahayupan - Ang sangay na ito ay nakatuon sa pag-aalaga ng mga hayop para sa mga pangkabuhayang kapakinabangan nito - halimbawa, upang pagkunan ng karne, hibla at leather, at bilang katulong sa mabibigat na Gawain. Mauuri ang sub-sektor ng paghahayupan sa dalawa: ang livestock, tulad ng baka, kambing, at baborsa ang pagmamanukan tulad ng manok at pato.
  • Komersiyal na pangingisda - Ang tawag sa pangingisda sa anumang bahagi ng tubig kung saan ang gamit ng bangka ay may bigat na higit sa tatlong tonelada at dumarayo sa mahigit 7 kilometrong layo mula sa baybayin.
  • Lokal na pangingisda - Tumutukoy sa pangingisda sa pandagat (marine) at inland waters, gamit ang bangkang pangingisda na 3 tonelada o mas maliit.
  • Aquaculture - Sumasaklaw sa kontroladong produksiyon ng isda at yamang- tubig tulad ng talaba, tahong, at sea weeds. Halimbawa nito ang iba't ibang uri ng palaisdaan.
  • Panggugubat - Tumutukoy sa mga pang-ekonomiyang gawaing kaugnay sa kagubatan. Kabilang dito ang pagkatas ng mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan at mga paglilingkod kaugnay sa kagubatan.
  • Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maisakatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayanng mga magsasaka
  • Pagpapatayo ng daungan - Upang higit na mapadali ang pagpapadala sa mga huling isda sa pamilihan o tahanan, nagsisilbing sentro o bagsakan ng mga ito ang mga daungan. Dahil dito, nagiging mas madali para sa mga mamamayang maabot ang produkto mula sa mga ito.
  • Philippine Fisheries Code of 1998 - Ito ang itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
  • Fishery research - Ang pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources development, at post-harvest technologyay patuloy na ginagawa upang masiguro ang pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang-tubig
  • Community Livelihood Assistance Program (CLASP) - Paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Halimbawa, ang mangrove farming sa Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union, at plantasyon ng mga halamang medisinal sa Penablanca, Cagayan.
  • National Integrated Protected Areas System (NIPAS)- Ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga hayop at pananim dito.
  • Sustainable Forest Management Strategy - Ito ay pamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan. Ito ay estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang suliranin ng squatting, huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa
  • Ang pag-eexport - ay may kinalaman sa pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa kapalit ng mga kalakal na hindi mabibili loco.
  • Ang pag-eimport - ay tumutukoy sa pagbili o pag- aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa papasok sa lokal na pamilihan.
  • ANO ANO ANG KAHALAGAHAN NG INDUSTRIYA • Gumagawa ng mga produktong may bagong anyo, hugis at halaga.Nagbibigay ng trabahoPamilihan ng mga tapos na produktoNagpapasok ng dolyar sa bansa
  • Policy Inconsistency - Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng industriya ang isa sa mga sa dahilan sa pagkawala at pag-iwas ng mga mamumuhunan sa bansa.
  • Inadequate Investment - Ang pamumuhunan ay mahalaga upang malinang ang teknolohiya at mapalakas ang kasalukuyang industriya. Kung may sapat na kakayahang pinansyal, mas madali sa isang bansa na magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktong may mataas na demand. Ngunit dahil sa mababang antas ng pamumuhunan sa Pilipinas kompara sa mga karatig bansa, nahing mahirap para sa mga negosyante na mapalakas ang teknolohiya o magbago ng mga produktong ginagawa
  • Macroeconomic Volatility and Political Instability - Ang kahinaan ng mga elemento ng makroekonomiks at ang kaguluhang politikal sa bansa sa iba't ibang panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na huwag magnegosyo sa bansa. Bunga nito ang mababang antas ng pamumuhunan na nagresulta sa matamlay na industriya at mabuway na ekonomiya.
  • Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan - binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.
  • Kalakalan - mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba't-ibang produkto at paglilingkod.
  • SEKTOR NG INDUSTRIYA - Ito ay kalagayan ng isang ekonomiya na nagpapakita ng kapasidad at kakayahan ng isang bansa na makalikha ang maraming produkto mula sa mga hilaw na materyales na tutugon sa mga pangangailangan ng lokal at pandaigdigang pamilihan
  • Pananalapi - kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba't ibang institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa.
  • Cottage Industry - Napapaloob dito ang mga produktong gawang kamay (hand-made products). Hindi hihigit sa 100 manggagawa ang kabilang sa industriya at maliit na lugar lamang ang sakop ng operasyon nito.
  • Large-scale Industry - Binubuo ng higit sa 200 na mga manggawa, ginagamitan ng malalaki at komplekadong makinarya sa pagproseso ng mga produkto at kailangan ng malaking lugar para sa produksyon tulad ng planta o pabrika
  • Small and Medium-scale Industry - Binubuo ng 100-200 na mga manggagawa at ginagamitan ng payak na makinarya sa pagproseso ng mga produkto.
  • Department of Trade and Industry (DTI) - Gumagabay sa mga mangangalakal sa pagtatag ng Negosyo.