Nagiging malikhain sa pamamagitan ng pagbabago ng panahon ng paksang isinasalaysay
Kaisahan
Kakintalan
Kasukdulan
Wakas
Ang pamagat ng pagsasalaysay ay nakabatay sa pangalan ng pangunahing tauhan, pook na pinangyarihan, mahahalagang pangyayari sa salaysay, at iba pang bahagi ng pagsasalaysay
Nakapupukaw rin ng interes kung ang paksa, bagaman may nagtataglay ng orihinalidad sa estilo at pamamaraan
Kinakailangan ang pagkakaisa ng mga bahagi ng pagsasalaysay
Mahalaga ang maayos na pagsasalaysay upang makapag-iwan ng impresyon o kakintalan na mapakikinabangan ng mga mambabasa
Pinakamataas na kaigtingan ng pagsasalaysay ang kasukdulan
Marapat ding maihanda ang mga mambabasa o mga tagapakinig sa magiging wakas ng salaysay
Tekstong Nangangatwiran (Argumentatibo)
Mga pahayag na nagtataglay ng paniniwala o paninindigang maaaring tama o mali
Kailangang harapin ng manunulat ang paksa sa lahat ng anggulo kahit pa nga sa simula pa lamang ay nailahad na niya ang kaniyang pagkiling
Kailangan ding igalang ang opinyon ng kabilang panig habang pinaninindigan ng manunulat ang kaniyang panig
Ang layunin ng tekstong nangangatuwiran ay mahikayat ang mga mambabasa sa iyong paninindigan at mapaniwala ang kausap o mambabasa sa pamamagitan ng mga kaisipan, paniniwala, o kuro-kuro
Katanggap-tanggap o makatwiran at makatotohanan ang isang idea kung ito ay tumutugon sa kaisahan ng mga talatang bumubuo sa teksto
Epektibo ang ipinahahayag na pangangatwiran kung naantig din nito ang damdamin ng mga mambabasa o mga tagapakinig maliban sa pagkintal ng kaisipan at idea
Uri ng Pangangatwiran
Tiyak at pasaklaw
Pasaklaw na pangangatwiran
1. Hinango mula sa iba't ibang obserbasyon
2. Nabuong kongklusyon
3. Nagsisimula sa pangkalahatan patungo sa detalyado
4. Nagsisimula sa isang teorya
5. Tatapatan ng kaugnay na hypothesis
6. Susundan ng mga obserbasyon at mga pagpapatunay
Paglalahad ng pasaklaw na pangangatwiran
1. Pagbubuo ng paglalahat mula sa personal na pagmamasid
2. Pabuod ng katotohanan
Ang pasaklaw na pangangatwiran ay hindi laging wasto
Ang paglalahad na nagsisimula sa tiyak na obserbasyon patungo sa pangkalahatang kongklusyon ay wasto
Teksto ng mga Paraan (Prosidyural)
May maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Hindi nakalikha ng anumang kalituhan
Makatutulong upang higit nating maunawaan ang mga napakikinggan o nababasa
Prosidyural
Pagsusunod-sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa
Halimbawa ng tekstong prosidyural
Pagbuo ng isang proseso o laro
Resipi sa pagluluto
Proseso sa pagkukumpuni ng mga kagamitang elektrikal
Mga hakbang sa laboratoryo habang nagsasagawa ng eksperimento
Pagbibigay ng direksiyon o tuntunin
Pagbibigay ng direksiyon o panuto
Teksto ng mga Paraan
Maingat na ipinapakita ang bawat hakbang
Tinitiyak na walang nakaligtaang hakbang sa kabuuan ng proseso
Anyo ng teksto ng mga paraan
Pagbibigay ng mga panuto kung paano gagawin ang isang bagay
Nakikita sa mga asignatura tulad ng Home Economics, Agham, Teknolohiya, Art, at PE
Layunin ng teksto ng mga paraan
Magbigay ng mga impormasyon at direksiyon upang matagumpay na matapos ng mga tao ang mga gawain nang ligtas, epektibo, at tama
Maraming mag-aaral ang nagtatrabaho sa mga lugar kung saan ginagamit ang mga manwal hinggil sa paraan ng paggamit ng makina
Ang mga pagsasanay sa pamamagitan ng teksto ng mga paraan ay makatutulong upang maging matagumpay sila sa pagsunod-sunod ng mga panuro at maging epektibo sa paggawa ng kanilang mga gawain
Uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye
Sekwensiyal
Kronolohikal
Prosidyural
Sekwensiyal
Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng salitang "una," "pangalawa," "pangatlo," "susunod", at iba pa
Kronolohikal
Pinagsusunod-sunod ang mahahalagang detalye ayon sa pagkaganap nito
Karaniwang gumagamit ng mga tiyak na araw o petsa
Prosidyural
Pinagsusunod-sunod ang mga hakbang o prosesong isasagawa
Katulad ng mga resipi sa pagluluto, proseso sa pagkukumpuni ng mga kagamitang elektrikal, at iba pa
Ginagamit din sa teksto ng mga paraan ang pag-iisa-isa o enumerasyon ng mga hakbang at proseso upang maipaliwanag ang resipi sa pagluluto halimbawa o mga detalye ng anomang gawain
Kailangan matiyak kung ang mga kagamitan o aytem na kakailanganin ay magkakasunod-sunod
Sa isang proseso, dapat ay may maayos itong pagkakasunod-sunod samantalang kung sa detalye naman, maiisa-isa ito ayon sa pagkakatanda ng mga nagsasagawa nito
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Teksto ng mga Paraan
Layunin - Malinaw na ipapaliwanag ang mga hakbang upang maunawaan ng mga nakikinig
Tagatanggap - Para kanino ka nagsusulat?
Pagkakakilanlan - Sumusulat ka ba bilang awtoridad o eksperto sa paksa?
Mga Katangian ng Mabisang Teksto ng mga Paraan
Layunin - Ipabatid kung paano gawin ang isang bagay
Mga kagamitan - Nakatala ayon sa pagkakasunod-sunod
Metodo - Mga pamamaraan o serye ng mga hakbang
Ebalwasyon - Paano masusukat ang tagumpay ng isang pamamaraan o paraan
Karaniwan nang isinusulat ang teksto ng mga paraan sa malinaw at madaling maunawaan na wika
Tumuon sa pangkalahatan ang pagsulat ng teksto ng mga paraan
Gumamit ng mga salitang nagsasaad ng pagkakasunod-sunod tulad ng "unang", "pangalawang", "pangatlong", "susunod", at iba pa
Gumamit ng mga cohesive devices upang mapagtibay ang pagkakasunod-sunod
Isulat ang pamamaraan sa detalyadong pagkakasunod-sunod (ano, saan, kailan, paano)