Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito
Nahihinuha ang kaugnayan ng iba't ibang ideolohiya at ang implikasyon nito sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Napapahalagahan ang iba't ibang ideolohiya na naging lunsaran at gabay ng mga pinunong nagtatag ng kilusang nasyonalista tungo sa kasarinlan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
Ang mag-aaral ay napahahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo)
Si Ho Chi Minh ang pinuno ng kilusang nasyonalista sa Vietnam na nanguna sa pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng pagtanggap sa ideolohiya at pamamaraang komunismo
Ang paraan na ginamit ng mga Katipunero sa Pilipinas upang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa bayan at maisakatuparan ang hangaring kasarinlan ay himagsikan
Ang pahayag na nakamit ng Indonesia ang kalayaan mula sa mga Dutch sa pamamagitan ng itinatag na samahan at pagyakap sa komunismo ay tama, dahil ito ang paraan nila upang lumaya
Nang pumasok ang komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong nawalan ng karapatan ang mga tao at sila ay naging sunud-sunuran sa patakarang umiiral sa kanilang bansa
Sistema ng pamamahala sa ekonomiya, lipunan at politika na ang lahat ng kagamitan at pamamaraan ng produksyon ay pag-aari ng estado at binubuo ng lipunang walang antas (class less society) at sa ilalim ng sentralisadong pamunuan
Nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya, ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao. Ang pangkat ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksiyon
Pamumuno ng isang tao sa partikular na estado. Ang pinuno ay karaniwang tinatawag na hari o reyna. Ang kapangyarihan ay maaaring natatakdaan batay sa saligang-batas. Di-natatakdaan naghahari ayon sa kaniyang kagustuhan
May mga nasyonalistang lider na ipinakita ang kanilang nasyonalismo at nanguna sa pakikipaglaban gamit ang iba't ibang ideolohiya at kilusan upang ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng kanilang bansa