Isang bagong paraan ng kolonyalisasyon sa pamamagitan ng impluwensiya o pagkontrol sa aspetong pampulitika, pang-ekonomiya, pangkultura, at kahit sa larangan ng pangmilitar ng isang maunlad na bansa sa hindi maunlad na bansa
Ang Benevolent Assimilation ay isang patakaran ng United States na ipinatupad sa Pilipinas na nagpapatunay bilang pagpapasimula ng neokolonyal na katangian ng edukasyon sa bansa
Ang lihim na pagkilos ay tumutukoy sa gawain ng mga neokolonyalistang bansa na guluhin ang isang pamahalaan ng isang bansa o ibagsak ito nang tuluyan dahil hindi mapasunod sa mapayapang paraan
Ang mga neokolonyalistang bansa ay nakinabang rin sa mga dala-dala at kontribusyon ng kanilang mananakop dahilan upang mabago ang kanilang kinagisnang sibilisasyon
Nakasentro ang makabagong pananakop ng mga makapangyarihang bansa sa paggamit ng relihiyon upang madali nila itong mapaniwala sa mga taglay nitong doktrina ng simbahan
Ito ay may tuwirang pananakop sa mga mahihirap na bansa dahil ginagamitan sila ng madugong labanan at palitan ng nakamamatay na mga armas ng mga mayayaman na bansa
Ang mga industriyalisadong bansa ay may makabagong paraan ng pananakop sa pamamagitan ng di – tuwirang paraan na halos matatanaw sa aspektong pulitikal, militar, ekonomiya at kultural
Ang Philippine Civic Action Group (PHILCAG) ay tinulungan ang Vietnam noong 1971 upang ipakita ng Pilipinas ang kaniyang matatag na suporta sa United States
Karamihan sa mga bansang mahihirap o maliliit na matatagpuan sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay nakinabang sa dayuhang tulong mula sa mauunlad na bansa upang iangat ang antas ng kanilang kabuhayan at kalagayang pang-ekonomiya
Maraming produkto at iba't ibang instrumento mula sa pagproseso ng produksiyon, aktuwal na produkto, at serbisyo ay nanggaling karamihan sa United States tulad ng Tovlerone, hotdog, hamburger, mansanas at iba pa
Umiral din ang impluwensiya ng mga kagamitang Made in China tulad ng lahat ng uri ng mga kagamitang pambahay o kaya naman Made in Japan na karamihang uri ng gadgets at mga sasakyan na may tatak ng Toyota, Honda, Suzuki at iba pa
Dala-dala rin ng mga neokolonyalistang bansa ang iba't ibang pamamaraan sa pananalapi, pamumuhunang industriyal at pinansiyal, transnational corporations, pagsisiguro ng pamumuhunan, at iba pa
Ang ganitong pamumuhunan at pautang ay nakatulong sa mga mahihirap na bansa lalo na sa Pilipinas subalit mas higit na kumita at tumubo ang mga neokolonyalistang bansa dahil sa kanilang ipinataw na interes
Mas umiral ang pagiging neokoloyonlalistang bansa ng China nang magkaroon ng economic invasion sa bahagi ng Africa tulad ng Kenya, Congo, Zambia, Djibouti, Nigeria, South Africa at iba pa
Malaki rin ang papel na ginagampanan ng International Monetray Fund (IMF), World Bank (WB) at ng United States sa anumang pautang ng mga bansang nagnanais na makahiram sa usaping pananalapi