Noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946), ang pamahalaan ng Estados Unidos ang namamahala sa pagbibigay ng edukasyon sa Pilipinas
Ang pinakamalaking pangkat ng mga guro ay dumating sa Pilipinas noong 1901 lulan ng barkong Thomas. Itinalaga sa Maynila at mga lalawigan ang mga gurong ito na binansagang Thomasites
Noong 1906 nagpadala ng mga Pilipinong iskolar ang pamahalaang kolonyal sa America. Tinawag silang mga pensionado dahil tinutustusan ng pamahalaan ang kanilang pag-aaral
Ayon kay Dr. Milwida Guevara, isa sa mga dahilan ng mababang grado ng mga mag-aaral sa mga assessment test ay ang mismong implementasyon ng K-12 program ng DepEd. Hindi umano tiyak ang kalidad ng natutuhan ng mga estudyante.
Ayon kay Propesor na si Jensen DG. Mañebog, isa sa mga dahilan ng mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang kulturang "pasang-awa", kung saan "pinalulusot" ang mga dapat sana ay bagsak at nakakaakyat sa susunod na antas.
Ayon kay Philippine Business for Education Executive Director Lovelaine Basillote, isa sa mga problema ay ang kakulangan ng oras ng mga guro para turuan ang mga mag-aaral. Maliban sa teaching load, may dagdag na administrative work pa ang mga guro.