Ang mga mag-aaral ay natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhyan, politika at lipunan
Ang mga mag-aaral ay napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan
Pagboto
Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiya ng ating Saligang-batas
Sino-sino ang maaaring bumoto
Mamamayan ng Pilipinas
18 taong gulang pataas
Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gusting bomoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon
Hindi diskwalipikado sa pagboto
Sino-sino ang diskwalipadong bumoto
Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon
Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa
Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw
Mahalagang dulot ng pagboto
Nakapipili ang mga mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod ng maayos
Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan
Civil Society
Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado. Ito ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Government Organizations
Layunin ng Civil Society
Magkaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto
Pagbuo ng mga samahang direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng mamamayan
Maging kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at maggiit ng accountability (kapanagutan) at transparency (katapatan) mula sa estado
Dalawang Kategorya ng Civil Society
Grassroots Organizations o Peoples Organizations (POs)
Grassroot Support Organizations o Non-Governmental Organizations (NGOs)
Layunin ng NGOs
Naglalayong tuligsain ang mga hindi makataong patakaran ng pamhalaan at tulungan ang mga mamamayan na makahaon sa kahirapan
Nabuo bilang tugon ng mamamayan sa kabiguan ng pamahalaan na tugunanang mga suliranin ng mamamayan
Mga uri ng NGOs
TANGOs (Traditional NGOs)
FUNDANGOs (Funding- Agency NGOs)
DJANGOs (Development, Justice and Advocacy NGOs)
PACO (Professional, Academic, and Civic Organizations)