AP Q4

Cards (60)

  • Makabayan - Isang katangian na dapat nating taglayin ay ang pagiging makabayan. Ang Pilipinas ay ang bayang ating kinagisnan at bahagi ng ating tungkulin bilang mamamayan ng bansa ay sikapin ang pagbubuklod at pagkakaisa.
  • Tapat sa Republika ng Pilipinas - Bilang mamamayang Pilipino, kailangang may ganap tayong tiwala sa Republika ng Pilipinas. Handa tayong magmalasakit at maglingkod sa bansa.
  • Handang ipagtanggol ang estado - Maraming paraan ang maaaring gawin ng mamamayan upang maipagtanggol ang bansa tulad ng mga ginawang pagtatanggol ng ating mga bayani.
  • Sinusunod and Saligang Batas - Kailangan sundin ng bawat mamamayan ang Saligang Batas at iba pang batas upang manatiling maayos at matiwasay ang bansa.
  • Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan - Kailangan makipagtulungan ang mga mamamayan sa mga may kapangyarihan upang mapanatili ang kaayusan at mapangalagaan ang katarungan sa ating lipunan
  • Makatao - Bilang mga mamamayan, dapat nating itaguyod ang karapatan ng bawat isa. Sa pamamagitan nito naipakikita natin ang pagmamahal sa 9 iba at respeto sa kanilang katangian, kapakanan at dignidad bilang tao
  • PRODUKTIBO - Ang pagiging masipag at matiyaga ay ugali na nating mga Pilipino noon pa man. Upang mapaunlad natin ang ating pamumuhay, kailangan nating ipakita ang ating anking kasipagan.
  • MATATAG, MAY LAKAS NG LOOB AT TIWALA SA SARILI - Nakatutulong ito sa pagiging mapagpunyagi, matiyaga, at masikap. Kailangan ito para sa kakayahang harapin at pagtagumpayan ang anumang pagkabigo o paghihirap sa buhay.
  • MATULUNGIN SA KAPWA - Ang aktibong mamamayan ay tumutulong sa kapwa upang makapamuhay nang marangal, payapa, at masagana
  • MAKASANDAIGDIGAN - Ang aktibong mamamayan ay mamamayan ng kanyang bansa gayon din ng mundo. Isinasaalang-alang niya ang kagalingan ng kanyang sariling bansa pati na ng sa mundo.
  • Lucas 6:45 - “Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong tigib ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”
  • Noel Cabangon - “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”
  • Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
  • *Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen.
  • *Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsodestado na tinatawag na Polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.
  • Ang isang citizen o mamamayan ang pinakamahalagang elemento ng estado sila ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis.
  • Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
  • ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN
  • Jus sanguinis - Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
  • Jus soli o jus loci - Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
  • Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.
  • Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay *inaasahang makabayan, *may pagmamahal sa kapuwa, *may respeto sa karapatang pantao, *may pagpupunyagi sa mga bayani, *ganap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, *may disiplina sa sarili, at *may kritikal at malikhaing pag-iisip.
  • Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa.
  • Ang Karapatang Pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isinilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan na dapat matugunan ng tao upang siya ay mabuhay. Matugunan ang pangangailangan upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao.
  • Cyrus Cylinder - Isang dokumentong isyu ni Cyrus the Great na nagsasaad ng mga sumusunod Ø Maging malaya ang mga alipin Ø Karapatang pumili ng nais na relihiyon Ø Pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay
  • Magna Carta - Hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinoman nang walang pag-papasya ng hukuman.
  • Petition of Rights - Hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament. - Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.
  • Bill of Rights - Karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at iba pang naninirahan sa bansa
  • Declaration of the Rights of Man and of the Citizen - Karapatan ng mga mamamayan
  • The First Geneva Convention - Karapatan ng mga nasusugatan at may sakit na sundalo - Pagkakapantay-pantay.
  • Universal Declaration of Human Rights (UDHR) - Ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
  • Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commision ng United Nations si ELEANOR ROOSEVELT
  • Natural Rights - Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob ng Estado. Halimbawa: Karapatang mabuhay, maging Malaya at magkaroon ng ari-arian.
  • § Constitutional Rights - Mga karapatang ipinagkaloob at pinanga-ngalagaan ng Estado. Halimbawa: Karapatang Politikal, Sibil, Sosyo ekonomiko, at Karapatan ng akusado.
  • Statutory Rights - Mga karapatang kaloob ng binubuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas Halimbawa: Karapatang makatanggap ng minimum wage
  • Jack Healey- Naging tagapagtaguyod ng mga karapatang pantao.
  • . Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga karapatang ito at ang sibil o pulitikal ng karapatan, ang panlipunan pangkabuhayan ay kultural na karapatan.
  • Karapatang Sibil- Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.
  • Karapatang Pulitikal- Ito ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito.
  • Karapatang Panlipunan- Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.