Pinairal niya ang Nazism o National Socialism, na nagsusulong ng pagiging superyor ng lahing Aryan at pagtingin na mababa sa mga Jews. Ipinatupad ni Hitler ang pwersahang pagtatapon sa mga Jews sa mga ghetto at concentration camp, kung saan marami sa kanila ang namatay sa gutom, sakit, o sapilitang pinatay sa gas chamber. Ang kaganapang ito, kilala bilang holocaust, ay itinuturing na pinakamalagim na kaganapan sa kasaysayan, kung saan humigit-kumulang anim (6) milyong Jews ang pinatay ng mga Nazi