valuesss

Cards (86)

  • Aborsiyon
    Proseso ng pagpapalaglag o pagpapatanggal sa isang sanggol sa loob ng sinapupunan ng ina
  • Uri ng aborsiyon
    • Maraming uri ng aborsiyon at may mga bansang pumapayag na gawin ito sa mga ospital o klinika upang makontrol ang bilang ng populasyon o kaya sa ilang personal na kadahilanan
  • Sa Pilipinas, nananatili itong ilegal dahil para sa isang Kristiyanong bansa, ang aborsiyon ay labag sa utos ng Diyos at taliwas sa kalikasan ng tao
  • Ayon kay Agapay (2007), nananatili itong isang krimen sa ating bansa
  • Pro-life
    Pagkilala sa likas na karapatan at dignidad ng tao mula sa kanyang pagkakalikha hanggang kamatayan
  • Mga posisyon ng Pro-life tungkol sa buhay
    • Tayo ay ginawa ng Diyos na kawangis niya. Katuwang niya tayo sa paglalang kaya tayo ay may obligasyong pangalagaan ang buhay. Ang pagkitil sa buhay ay taliwas sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral. Ang sanggol na nasa sinapupunan simula sa paglilihi ay maituturing nang buhay
    • Kung ang pagbubuntis ay dulot ng kapabayaan, dapat panagutan ang resulta nito. May tungkulin ang mag-asawa na iwasan ang pagbubuntis kung hindi pa nila nais magkaanak
    • Ang lahat ng sanggol ay may potensiyal. Kung siya ay bibigyan ng pagkakataong mabuhay, makikita ang kanyang kaganapan sa maayos na pamamaraan
    • Ang pagpapalaglag ay taliwas sa layuning ito kaya ito ay masama
  • Pro-choice
    Tao ay pumipili o nagpapasya batay sa kanyang paniniwala at kagustuhan. Ang tao ay may karapatan sa kanyang katawan at nasasakanya ang pagpapasya kung ano ang nais niyang gawin dito
  • Mga argumento ng mga Pro-choice
    • Ang tamang pagpaplano ng pamilya ay lalong nakapagdudulot ng magandang uri ng buhay. Para sa mga Pro-choice, ang bawat isinisilang ay dapat minamahal at inaalagaan. Sa paraan ng pagpaplano mas nabibigyan ng magulang ng suportang pisikal, emosyonal, at pinansiyal ang kanilang mga anak
    • Ang fetus ay hindi itinuturing na sanggol o bata dahil wala pa itong kakayahang mabuhay nang mag-isa kaya mas pinahahalagahan pa rin ang kalusugan at buhay ng ina. Ang ina ay may karapatan na magpasya ng nais gawin sa katawan niya
    • Sa mga biktima ng rape o incest, maaaring piliin ang aborsiyon dahil nakapagdudulot ng trauma o alaala sa kanilang hindi magandang naranasan
    • Sa pangkalahatan, ang aborsiyon ay maituturing na ligtas
  • Euthanasia
    Sinadyang kilos o ang pagpapahayag ng intensyon na tapusin ang buhay ng isang pasyente upang paginhawain o pahupain ang kanyang pisikal na paghihirap
  • Dalawang Klasipikasyon ng Euthanasia
    • Boluntaryo (Voluntary Euthanasia) - isinasagawa nang may pahintulot mula sa pasyente at mga kamag-anak
    • Hindi Boluntaryo (Involuntary Euthanasia) - ginagawa nang walang pahintulot. Ang pagpapasya ay nagmumula sa ibang tao dahil sa kawalan ng kakayahan ng pasyente na makapagpasya para sa sarili
  • Dalawang Uri ng Proseso ng Klasipikasyon ng Euthanasia
    • Pasibo (Passive) - tinatanggal ang panggagamot sa pasyente
    • Aktibo (Active) - paggamit ng nakamamatay na gamot o puwersa na makapagpapawakas sa buhay ng pasyente
  • Mga Argumento ng Pro-Euthanasia
    • May pagpipilian ang pasyente sa buhay na nais niya
    • Ang pasyente lamang ang nakakaalam sa kalidad ng buhay na nadarama niya
    • Ang sakit o dusa ay maaaring hindi nauunawaan ng mga taong nasa paligid niya
    • Ang bawat tao ay binibigyan ng pagkakataong mamatay nang may dignidad
    • Ang mga nakakasaksi sa paghihirap ng mga namatayan ay nakapagsabing kailangan baguhin ang batas tungkol sa euthanasia
    • Maraming ospital sa mundo ang may kakulangan ng pangangailangan. Mas may saysay ang buhay kung ilalaan ng pamahalaan ang paglalaan ng pondo sa mga kagamitan na maaari pang makapagligtas ng buhay o makapagpabawas sa paghihirap ng mga pasyenteng may taning na ang buhay
  • Mga Argumento ng Anti-Euthanasia
    • Ang papel ng doktor ay mahalaga sa pagliligtas sa buhay ng pasyente. Nakapaloob dito ang kanilang Hippocratic oath na "Hindi ako magbibigay ng ano mang gamot, para sa ikatutuwa ng iba, na maaaring makapagwakas ng buhay niya"
    • Para sa ilang relihiyon, ang euthanasia ay isang uri ng pagpatay at hindi katanggap-tanggap sa moral na prinsipyo. Ito ay isang uri ng pagpapatiwakal. Pinahihina ng euthanasia ang paggalang ng lipunan sa kasagraduhan ng buhay
    • Maaari pang gumaling o makabawi ang isang pasyente mula sa kanyang sakit. Paano kung mali ang diagnosis sa kanyang sakit?
    • Hindi mapangangasiwaan nang mabuti ang euthanasia. Ito ay isang mahirap na gawaing maaaring magdulot lamang ng pagkabagabag ng kalooban sa gumagawa at gagawan
  • Pagpapatiwakal
    Sadyang pagkitil ng tao ng sariling buhay
  • Ang tao ay madalas dumanas ng paghihirap. Ngunit may ilang mga tao na nahihirapang makabawi sa kapighatiang dinaranas kaya nauuwi sa malagim na pagwawakas ng sariling buhay
  • Pananaw ng tao sa pagpapatiwakal
    • Impluwensiya rin ng relihiyon, dangal, at kahulugan ng buhay
  • Mga halimbawa ng pagpapatiwakal
    • Seppuku - noong panahon ng Samurai sa Japan, itinuturing ito bilang respetadong paraan ng protesta o pagbawi sa ginawang kasalanan
    • Sati - kaugalian ng mga Indian kung saan kapag namatay ang asawang lalaki, ang naiwang balo ay inaasahang kikitilin nang kusa ang sarili o kaya ay pipilitin siya ng kanyang mga kapamilya
  • Mga taong may kasaysayan ng pagpapatiwakal sa pamilya
    • May personal o may lahi ng depresyon, sakit sa pag-iisip, o may bipolar disorder at schizophrenia
    • Lulong sa alak o droga
    • May personal o kasaysayan sa pamilya ng pagtatangka na magpakamatay
  • Ilang babala rito ay ang pag-iisip tungkol sa kamatayan matapos ang pagdadalamhati, pagkawala ng trabaho, o diborsyo
  • Kapangyarihan
    Kakayahang makaimpluwensiya sa sino man upang makagawa ng nararapat na gawain
  • Awtoridad
    Lehitimong paghuhusga at karapatang isagawa ang kapangyarihan
  • Korapsiyon
    Hindi matapat na paggamit ng kapangyarihan sa pamahalaan
  • Uri ng korapsiyon
    • Maraming uri ng korapsiyon sa mundo
  • Ayon sa buod ng mapa ng Index of Perception Corruption, noong 2014, ang pinakamataas na bahagdan ng mga corrupt na bansa ay nasa; Central Asia, East Asia, Africa, at ilang bahagi ng South America
  • Ayon sa pag-aaral ng Corruption Perception Index (CPI), bumababa rin ang tiwala ng mga mamamayan kapag ang panunuhol at ilang uri ng korapsiyon ay napatutunayan
  • Kadalasang ang maliliit at mahihinang estado o bansa ang may problema sa korapsiyon. Ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ay karaniwang nadadawit sa bribery, red-tape o panunuhol, at iba pang gawain
  • Nepotismo
    Anyo ng katiwalian na nagpapakita ng paboritismo ng isang opisyal ng pamahalaan sa mga kamag-anak o mga kaibigan, na hindi tinitingnan o sinusukat ang kanilang kuwalipikasyon
  • Hindi Pagbabayad ng Buwis
    Ang sino mang may trabaho o negosyo ay may tungkulin sa pamahalaan na magbayad ng buwis
  • Ghost Employees
    Mga tauhang hindi naman talaga nagtatrabaho sa isang institusyon upang madagdagan ang kanilang pondo o kaya naman ay makapagtago ng bahagi ng halaga sa personal na layunin
  • Ang resulta nito, higit na nawawalan ng oportunidad ang mga taong nangangailangan ng sapat na trabaho dahil ang nasa listahan ng payroll ay mga taong itinalaga (appointed) lamang. Karamihan dito ay dumarating lamang tuwing ika-15 at ika-30 araw ng buwan upang kumuha ng kanilang buwanang sahod
  • Halimbawa ng Ghost Employees
    • Roderick Paulate
  • Ghost Projects
    May pondo na pero walang makitang proyekto / sinimulan na pero hindi tinapos
  • Pangingikil o Extortion
    Paghihingi ng salapi, serbisyo, o mga bagay mula sa mga ordinaryong tao na nakikipagtransaksiyon sa ilang opisina ng pamahalaan
  • Suhol o Lagay
    Ginagawa ng mga mamamayan o ilang nagnenegosyo sa mga opisyal ng ahensiya ng pamahalaan upang mapabilis ang pagproseso sa mga dokumento o clearance na kanilang inaplayan
  • Halimbawa ng Suhol o Lagay
    • Fixer
  • Mga Batas Laban sa Katiwalian
    • Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices of 1960
    • Republic Act No. 6713 - The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees
    • Executive Order No. 292 o Administrative Code of 1987
    • Republic Act No. 7055 o Act of Strengthening Civilian Supremacy over the Military
    • Republic Act No. 7080 o Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder
  • clearance na kanilang inaplayan
  • ordinaryong tao
    • opisyal
    • government oǤcials
    • empleyado
  • Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices of 1960 – talaan ng mga kaparusahan at diskwalipikasyon sa mga tiwaling opisyal
  • Republic Act No. 6713 - The Code of Conduct and Ethical Standards for Public OǤcials and Employees – nakasaad ang tamang pagdedeklara ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga manggagawa ng pamahalaan