isang mahalagang gawain na hindi maiwasan ng mga mag-aaral. Karaniwan na ang pagpagawa ng mga pamanahong papel sa iba’t ibang subject bilang isa sa pangangailangang akademik
halimbawa: tisis paper (masteral) at disertasyon (doctoral)
Mga Hanguan Ng Paksa
Sarili
Dyaryo at Magazine
Radyo, TV, at Cable TV
Awtoridad, Kaibigan, at Guro
Internet
Aklatan
Sarili
maaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan,mga nabasa napakinggan napag aralan at natutunan
Dyaryo at Magazine
maaaring panghanguan ng paksa ang mga napanahong isyu sa mga pamukang pahina ng mga dyaryo at magazine o sa mga kolum,liham sa editor at ibang seksyon ng mga dyaryo at magazine tulad ng local na balita,bisnes,entertainment at isports
Radyo, TV, at Cable TV
maraming uri ng programa sa radio at tv ang mapagkukunan ng paksa mas maraming programa sa cable dahil sa 24 na oras na balita, isports, at mga programang edukasyonal
Mga Awtoridad, Kaibigan, at Guro
sa pamamagitan pagtatanong-tanong sa ibang tao,maaaring makalikha nga mga ideya upang mapaghanguan ng paksang pampananaliksik
makatulong ito upang makakuha ng paksang hindi lamang napapanahon kundi kawiwilhan din ng ibang tao
Internet
ito ang pinakamadali ng hanguan ng paksa , malawak at sopistikadong paraan ng paghahanap ng paksa
maraming websites sa dito na tumutugon sa iba’t ibang interes at pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao
Aklatan
bagama’t traditional ng pagkukuha ng hanguan o paksa
dito maaring magtagpuan ng iba’t ibang paksang nauugnay sa ano mag larangang pang-akademya
Mga Konsiderasyon Sa Pagpili ng Paksa
Kasapatan ng Datos
Limitasyon ng Panahon
Kakayahang Pinansyal
Kabuluhan ng Paksa
Interes ng Mananaliksik
Kasapatan ng Datos
kailangan may sapat nang literature hinggil sa paksang pipiliin
Limitasyon ng Panahon
tandaan ang kursong ito ay para sa isa o dalwang markahan lamang
may mga paksa na mangangailangan ng mahabang panahon , higit pa sa dalawang markahan , upang maisakatuparan
Kakayahang Pinansyal
may mga paksang mangangailangan ng maraming gastusin
kailangang pumili ng paksang maaayon sa kakayahang ng mananaliksik
Kabuluhan ng Paksa
ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan
kailangan pumili ng paksang hindi lamang napapanahon , kundi maari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao
Interes ng Mananaliksik
magiging madali ito para sa isang mananaliksik sa pagkukuha ng datos kung ang paksa niya ay naayon sa kanyang kawilihan
Paglimita sa Paksa
matapos makamili ng paksa , kailangan iyong ilimita upang maiwasan ang masaklaw na pag-aaral
Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng direksyon at pokus ang pananaliksik at maiiwasan ang padampot- dampot o sabog na pagtalakay sa paksa
Batayan sa Paglilimita ng Paksa
Panahon
Edad
Kasarian
Perspektibo
Lugar
Propesyon o Grupong Kinabibilangan
Anyo o uri
Partikular na Halimbawa o Kaso
Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan
Pamagat-Pampananaliksik
kaiba sa pamagat ng mga akda na pampanitikan
kaiba ito ng mga kuwento , nobela , sanaysay at dula
sa pananaliksik , ito ay kailangang maging malinaw , tuwiran at tiyak.
Mga Tiyak na Pamantayan sa Pagganap
natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos, impormasyon at sanggunian,|
nakikilala ang iba’t ibang uri ng hanguan ng datos at impormasyon,
nasusuri ang mga datos at impormasyon na gagamitin sa pananaliksik,
nakikilala ang mga uri ng kard katalog at note card.
Hanguan Ng Impormasyon O Datos
Primarya
Sekondarya
Elektroniko
Hanguang Primarya
indibidwal o awtoridad
grupo o orginasyon (pamilya , assosasyon , union , fraternity , katutubo o mga minorya , bisnes , samahan , simbahan o gobyerno)
pambublikong dokumento o kasulatan (konstitusyon , kontrata , orihinal na tala , katikkan sa korte , journal o dayari)
Hanguang Sekondarya
mga aklat tulad ng diksyonaryo , ensayklopedia , almanac , atlas o year book
mga nalathalang artikulo sa journal , magasin , pahayagan at news letter.
mga tisis at disertasyon
monograp , manwal polyeto , manuskrito at iba pa.
Hanguang Elektroniko (Internet)
ang pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng impormasyon
Katanungang sa Pagkuha ng Impormasyon sa Internet
Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?
Sino ang may-akda?
Ano ang layunin?
Paano inilahad ang impormasyon?
Makatotohanan ba ang teksto?
Ang impormasyon ba ay napapanahon?
Uri ng Website (kapag ang webpage ay nagtatapos sa Uniform Resource Locator (URL)) na:
.edu - institusyon ng edukasyon o akademya
.org - mula sa mga organisasyon
.com - para sa commercial websites
Sino ang may-akda
mahalagang malaman kung sino ang may akda ng isang impormasyon sa internet nang sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumpleto
maaring i-verify ang mga impormasyon sa hinggil sa kanilang pagkatao. Kung wala ito , mahirap paniwalaan ang kanilang akda
Ano ang layunin?
alamin ang layunin ng may-akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website
nais bang magbahagi ng impormasyon omagbenta lamang ng produkto?
alalahaning napakaluwag ng pagpasokng impormasyon sa internet
maaari itong magamit sa pagpakalat ng maling propaganda at mga pansariling interes
Paano inilahad ang impormasyon?
ang teksto ba ay pang- advertising o opinion lamang?
alamin kung ito kung may prejudice at bias ang isang teksto
Makatotohanan ba ang teksto?
alamin kung opisyal o dokumentado ang teksto
subukan kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang web site na sa gayo’y makompara ito sa iba ng matimbang kung ang teksto ay wasto o hindi
Ang impormasyon ba ay napapanahon?
mainam kung ang impormasyon ay napapanahon
marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling rebisyon ng akda sa gayong ay malaman kung ang akda ay bago o hindi
Tuwirang Sipi
ito ay eksakto o kumpletong pagsipi ng bahagi ng orihinal na tekso
maaaring ito ay isa o higit pa sa isang salita, parirala, pangungusap o talata
Pabuod
ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod sapagkat may mag tekstong mahahaba
kailangang maisagawa ito sa pamamagitan ng pagamit ng sariling salita
Playgarismo
pangongopya ng mga datos , ideya , pangungusap , buo at balangkas ng isang akda , programa , himig atbp. na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan
ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inangkin mo ang hindi iyo
Paglabag ng Intellectual Property Rights Law
maaaring ihabla ang tao sa korte , matanggal sa tungkulin , pagtanggal ng digri kahit natapos na , mawalan ng kredibilidad , magbayad ng karampatang halaga
kung estudyante ang nahulian ng playgarismo , maaaring bumagsak sa kurso , mapatalsik sa kanyang unibersidad , sentensyahan ng multa o posibleng mabilanggo