INTERBYU AT SARBEY

Cards (21)

  • Interbyu
    •  isang uri ng pasalitang diskurso ng dalawang tao o ng isang pangkat at isang indibidwal – ang una’y ang interbyuwer at ang ikalawa’y ang interbyuwi
    • maaaring itinatakda  – ang petsa, araw, oras at lugar – at maaari naming hindi depende sa abeylabiliti ng dalawang panig
    • masusi ang ginagawang paghahanda bago ito ganapin 
  • Layunin ng Interbyu
    • makakuha ng mga mapanghahawakang mahahalagang impormasyon mula sa interbyuwi hinggil sa isang tiyak na paksa​
    • upang maging matibay ang impormasyon, kailangang maging maingat sa pagpili ng interbyuwi​
    • mas bantog, mas awtoridad,  mas dalubhasa, mas mabuti
  • Kahalagahan ng Interbyu
    • makabuluhang pagkuha ng impormasyon​
    • mabisang paraan ng pagbe-verify  ng mga datos o impormasyong nakalap sa mga nakasulat na hanguan​
    • pagkakataon upang maapdeyt ang mga impormasyon o datos tungkol sa mga makabagong debelopment hinggil sa isang larangan o tiyak na paksa na maaaring hindi pa nalalathala​
    • ang mga datos mula dito ay maaari ring magsilbing suporta sa mga impormasyong first-hand  mula sa iba’t ibang hanguan o sorses.​
  • Pagpili ng Interbyuwi
    • may malawak na kaalaman
    • relayabol
    • abeylabol
  • Uri ng Interbyu
    • Ayon sa Paksa
    • Ayon sa Pamamaraan
    • Ayon sa Dami
    • Ayon sa Layunin
  • Ayon sa Paksa
    • Aktuwal - umiikot lamang sa isang paksang saklaw ng experts ng interbyuwi
    • Nagtatampok - nauukol sa paglalarawan at pagpapahalaga ng isang taong kilala o malapit sa interbyuwi
    • Bayograpikal - ukol sa pinagdaanang buhay ng interbyuwi o ibang tao
  • Ayon sa Pamamaraan
    • Pormal - itinatakda sa abeylabiliti ng interbyuwi
    • Impormal - madalian at hindi itinakda
  • Ayon sa Dami
    • Isahan - isa lamang interbyuwer ang sangkot dito
    • Pangkatan - ang interbyuwer ay binubuo ng isang pangkat
  • Ayon sa Layunin
    • Dyornalistik - makakalap ng mga datos o impormasyong kailangan upang makasukat ng mga balitang pang editorial
    • Panlathalain - makakalap ng mga datos na kailangan sa pagsulat ng mga artikulong panlathalain
    • Akademik - makakalap ng mga datos na kailangan sa pagsulat ng mga akademikong papel
    • Pansarili - nakaklap ng impormayon upang matugunan ang pansariling kuryosidad, interes, o hilig
  • Hakbang sa Pormal na Interbyu
    • bago
    • sa takdang oras
    • sa oras ng pag-uusap
    • pagkatapos ng pag-uusap
  • Bago Mag-Interbyu
    • tiyakin muna ang layunin ng interbyu
    • pumili ng interbyuwing nagtataglay ng mga katangiang natalakay
    • takda ang interbyu
    • kumuha ng pahintulot sa interbyuwi o kinauukulan sa pamamagitan ng sulat
    • alamin ang lahat ng tungkol sa katauhan ng iinterbyuhin
    • pag-aralan ang paksang tatalakayin sa interbyu
    • tiyakin ang mga sasaklawin ng paksa at ang panahong gugugulin sa interbyu
    • maghanda ng balangkas o mga bagay na tanong
    • magdala ng mga kagamitan gaya ng: teyp rekorder, bidyo kamera, bolpen, papel at iba pa
    • mabihis ng presentable
  • Sa Takdang Oras
    • dumating ng mas maaga sa itinakdang oras sa napagkasunduang lugar
    • magalang na magpakilala at ipaalala ang pakay
    • maging masigla at magtiwala sa sarili
  • Sa Oras ng Pag-uusap
    • maging tuwiran at matalino sa pagtatanong ​
    • magpakita ng kawilihan sa interbyu
    • huwag gambalaain o putulin ang pagsasalita ng interbyuwi​
    • huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay na tanong, subalit umiwas rin sa paglihis sa paksa ng interbyu​
    • makinig ng mabuti
    • itala ang mga kakailanganing mahahalagang kaalaman sa di kapansin-pansing paraan
    • huwag makipagtalo sa interbyuwi
    • maging magalang sa kabuuan ng interbyu
  • Pagkatapos ng Pag-uusap
    • huwag pabigla-bigla sa pagtatapos ng interbyu
    • iayos ang mga datos at impormasyon na naitala
    • kung nakateyp ang interbyu, itranskrayb agad iyon​
    • kung may alinlangan sa kawastuhan ng tuwirang sabi ng interbyuwi, makipagkita o makipag-ugnayan agad sa kanya
    • bigyan ang interbyuwi ng kopya ng transkrip ng interbyu
  • Sarbey
    •  isang malawakang paraan sa pagkuha ng mga datos o impormasyon sa isang deskriptibong pananaliksik
    • pagsusuri ng kalagayan ng lipunan, politika at edukasyon​
    • agkuha ng preperensya, pananaw, opinion, damdamin, paniniwala ng isang partikular na sampol ng mga respondent na kumakatawan sa kabuuang populasyon ng isang pangkat​
    • pagpapasagot ng inihandang kwestyoneyr
  • Uri ng Sarbey Batay sa Layunin
    • Pampublikong Sarbey​
    • Panlipunang Sarbey​
    • Pangkomunidad na Sarbey​
    • Pampaaralang Sarbey​
    • Edukasyonal na Sarbey​
    • Analisis ng Trabaho​
  • Kwewstyoneyr
    • ang talatanungan ay listahan ng mga planado at pasulat na tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa, naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan ng mga respondent at inihanda pagsasagutan ng maraming respondent (Good, 1963) 
    • isang set ng mga tanong at pinakamdali at mabisang instrument ng sarbey
  • Adbentahe ng Kwestyoneyr
    • madaling gawin
    • madaling dustribusyon at hindi magastos
    • madaling itabyuleyt ang mga sagot ng respondante
    • malaya ang mga sagot ng respondante
    • maaaring magbigay ng mga kompidensyal na impormasyon ang mga respondent
    • maaaring sagutan ng mga respondent ang kwestyoneyr sa oras na gusto nila
    • higit na akyureyt ang mga sagot ng respondent
  • Disadbentahe ng Kwestyoneyr
    • hindi ito maaaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat o mga ilitereyt
    • maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sinagutan ng ilang respondent ang kwestyoneyr​
    • maaaring magbigay ng maling impormasyon ang respondent, sinasadya man o hindi
    • maaaring hindi sagutan o masagutan ng respondent ang ilang aytem sa kwestyoneyr
    • maaaring hindi maintindihan ng respondent ang ilang katanungan sa kwestyoner
    • maaaring maging napakalimitado ng pagpipiliang-sagot ng mga respondent at ang kanyang tunay na sagot ay wala sa pagpipilian
  • Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr (1-5)
  • Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr (6-11)