Arpan

Cards (34)

  • Nakarating ang mga Europeo sa Tsina sa pangunguna ng mga Portuges noong 1513. Ang portuges na si JORGE ALVAREZ ang unang nakarating sa Macau.
  • Napagtanto ng mga bansang Kanluranin na lumiliit ang kanilang reserbang pilak dahil sa pang-angkat ng mga produktong Tsino, samantalang ang Tsina ay patuloy na lumalaki ang kita. Upang mabawi ang kakulangan ng kita, ano ginawa ng britain?
    _
    naisip ng Britanya na magpuslit at magbenta sa Tsina ng opyo mula sa India na kanilang kolonya.
  • isang narkotiko na ginagamit sa medisina. Ginagamit din itong sangkap sa sigarilyo na nakasasama sa katawan kapag inabuso. -OPYO
  • Karapatan na ipinagkaloob sa mga Briton na litisin sa hukumang Briton at ayon sa batas ng Britain kahit pa ang kanilang pagkakasala o krimen ay naganap sa China. - EXTRATERRITORIALITY
  • Nang muling madiskubre ng mga Tsino ang illegal na pagpasok ng opyo ay hinarang nila ang barko na may watawat ng Britain. Hinuli at kinasuhan nila ang Kapitan nito sa pamimirata na ikinagalit ng mga Briton. Dahil sa pangyayaring ito Ano ginawa ng britanya?
    muling nagdeklara ang britanya ng digmaan sa China.
  • Ito ay pinaghati-hatian ng mga bansang Kanluranin sa mga teritoryo na tinawag na - spheres of influence
  • Ang mga bansang naghati-hati sa Tsina ay ang: - • Britanya, Rusya, Alemanya, Pransiya at Portugal.
  • Sa ilalim ng patakarang ito, ang bansang wala sa sphere of influence ay bibigyan ng Karapatan na makipagkalakalan sa China. - OPEN DOOR POLICY
  • Nanguna si Sun Yat-sen sa pagsusulong ng pagbabago sa China. Itinatag niya ang kilusang rebolusyonaryo na Hsing Chung Hui (Revive China Society) noong 1894.
  • Layunin ng samahang ito na mapaunlad ang pamumuhay ng mga Tsino sa pamamagitan ng edukasyon at makabagong paraan sa pagsasaka.
  • Ang Nasyonalismo (San Min Chu) ❖Demokrasya (Min Tsu Chu-I) ❖Hanapbuhay (Min-sheng chu)
  • ❖ Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ika-sampung buwan ng taon (Oktubre) at ika-sampung araw ng buwan. Sa araw ding ito, itinatag ang bagong republika ng China.
    ❖ Itinatag na Sun Yat-sen ang Partido Koumintang o National Party noong 1912.
    ❖ Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit ng conciliation at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa.
  • ❖ Naniniwala rin siya na dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaauyusang Panlipunan at kaunlarang pang-ekonomiya.
  • Ang mga rebolusyong naganap ang tumapos sa pamunuang imperial sa China at nagresulta sa pagbaba sa puwesto ng batang Emperador na si Pu Yi.
  • Sa pagtatapos ng rebolusyon ay iniluklok bilang pansamantalang pangulo ng bagong tatag na republika ng China si Sun Yat-sen noong ika-29 ng Disyembre 1911 kung kaya tinagurian siyang Ama ng Republika ng Tsina
  • Tumagal lamang si Sun Yat-sen ng anim na linggo sa puwesto dahil sa banta ng pagsiklab ng digmaang sibil sa Tsina. Upang maiwasan ang panibagong kaguluhan sa bansa ay bumaba si Sun Yat-sen sa puwesto at ipanaubaya ang pagka pangulo kay Yuan Shikai, isang komandante o pinuno ng hukbong militar sa China.
  • Noong 1912 ay itinatag ni Sun Yat-sen ang Partido Nasyonalista o Kuomintang. Pinamunuan niya ito hanggang siya ay pumanaw noong 1925. Humalili sa kanya bilang lider ng Partido si Chiang Kai-shek na isang edukadong military.
  • Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai-Shek ay ipinagpatuloy ng Koumintang ang pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa na may sariling sandatahang lakas)
    Matapos matalo ang mga warlords, hinarap ng Koumintang ang isa pang kalaban- ang pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa China- Ang komunismo ni MAO ZEDONG
  • IDEOLOHIYANG KOMUNISMO SA CHINA
  • Si Mao Zedong ay mula sa pamilya ng magbubukid sa probinsya ng Hunan. Sinuportahan at isinulong ni Mao Zedong ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban sa uri ng kapitalista. Sa tunggalian na ito, naniniwala ang mga komunista na mananaig ang mga manggagawa at maitatatag ang isang Lipunan soyalista. Sa lipunang ito, ang estado ang siyang hahawak sa lahat ng pag-aari ng bansa
  • Sa mga panahong pumasok ang ideolohiyang ito ay unti-unti nang nawawala ang tiwala nila sa pamumuno ni Chiang Kai-Shek dahil sa laganap na katiwalian sa pamahalaan at malawakang kahirapan na idinaranas sa bansa. Nabahala si Chiang Kai-Shek sa lumalakas na impluwensiya ng komunismo sa China. Maraming komunista ang hinuli, pinahirapan, at napatay. Ano inutos nya?
    Inutos niya ang paglulunsad ng kampanyang military sa mga komunista.
  • Hindi lahat ng mga komunista ay nahuli. Pinamunuan ni Mao Zedong ang mga nakaligatas na RED ARMY, tawag sa mga komunistang sundalong Tsino, at sila ay tumakas patungo sa Jiangxi. Tinawag itong long march dahil sa kanilang nilakbay na may layong 6, 000 miles. Umabot ito ng isang taon kung saan marami ang namatay dahil sa hirap, gutom at patuloy na pagtugis ng mga sundalo ni Chiang Kai-Shek.
  • Tumulong ang China sa France sa pamamagitan ng tumulong ang china sa France sa papamigitan ng?
    pagpapadala ng mga manggagawang Chinese upang gumawa ng mga armas pandigma at magtayo ng kalsada at riles.
  • Pumanig ang China sa puwersang Allied sa pag-aakalang makatutulong ito upang makamit ang inaasam na ganap na pamamahala sa bansa. Subalit hindi ito nangyari batay sa probisyon ng Kasunduan ng Versailles na pinirmahan noong Hulyo 1919.
  • Ang puwersang Allied ay kinabibilangan ng
    Russia, France, at Britain.
  • Samantala ang puwersang Axis ay binubuo ng Alemania,
    Japan, at Italy
  • Ang Kasunduan sa Versailles ay ang pinakamahalagang kasunduan sa lahat ng kasunduang pangkapayapaan na nagdulot ng katapusan ng Unang Digmaang Pandaigdig
  • Nais ng puwersang Axis na makuha ang mga teritoryo at kolonya na hawak ng Russia, France at Britain upang mas mapalawak ang kanilang kapangyarihan.
  • RAPE OF NANKING o Massacre ng nanking kung saan halos 300,000 tao ang namatay sa halos limang lingo na pagsunog sa mga structures, pagnanakaw, pagpatay at paglapastangan sa kababaihan.
  • ❖ Dahil sa mga hakbang na ito ng United States at dahil na rin sa pagnanais ng Japan na magtatag ng imperyo ay sinalakay ng puwersang Japan ang mga barkong military ng United States na nakahimpil sa Pearl Harbor, Hawaii noong December 7, 1941.
  • panahon ng pamamayani ng mga Japanese ay inilunsad nila ang programang GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE na layunin makontrol ng Japan ang buong Silangang Asya at Timog-Silangang Asya.
  • Gamit ang propagandang “Asyano para sa mga Asyano”, ninais ng mga Japanese na ituring sila na tagapagligtas ng mga bansang Asyano sa kanilang ginagawang pagpapatalsik sa mga mananakop na kanluranin at pag-alis sa lahat ng impluwensiya ng mga ito. Nais din ng Japan na mapagtibay ang kapangyarihang nito sa buong
  • Sa pagtatapos ng digmaan sa Europe noong MAY 1945 ay gumawa na rin ng hakbang ang mga Amerikano upang wakasan ang dominasyon ng Japan sa Asya. Dahil sa pagtanggi ng JAPAN na sumuko sa mga puwersang allied ay naghulog ng atomic bomb sa United States sa Hiroshima City noong August 6, 1945.
    Sa kabila nito ay tumanggi pa rin na sumuko ang Japan kung kaya makaraan lamang ng tatlong araw ay sunod na binomba naman ng mga Amerikano ang ang NAGASAKI.
  • Libo-libong Japanese ang namatay sa pangyayaring ito. Upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga namatay na Japanese ay minabuti ni Emperador Hirohito na tanggapin ang pagkatalo ng Japan sa digmaan at ideklara ang pagsuko ng mga JAPANESE noong September 2, 1945. Ito ang nagging hudyat ng opisyal na pagtatapos ng digmaan sa