Panitikan - PANG-TITIK-AN ITO ANG TAWAG NATIN SA LAHAT NG URI NG PAHAYAG
TITIK - LITERATURA
Literatura
GALING SA LATIN NA LITTERA NA NANGUNGUHULUGANG TITIK
Ang pamumuna ay pagsusuri at di pamimintas.
Kritisismo
Ang pagbasa na may layuning kilatisin ang akda.
Teoryang Pampanitikan
Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin na may may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.
Teorya
Pormulasyon ng palilinawing simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.
Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumagamit ng mga imahen na higit na naghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
Historikal
Ang layunin ng panitikan ipakita ang karanasan ng lipi ng tao na siyang salamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Klasismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-piling sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo: ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya talino, talent atbp. Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya’t mahalagang mapagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.
Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aaalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Realismo
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay. Pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno.
Pormalismo
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Kailangang masuri sa akda ang paksa ng akda ang sensibilidad at pag-uugnayan ng mga salita. Istruktura ng wika, metapora, imahen at iba pa. Iniiwasan dito ang pagtalakay ng labas sa teksto tulad ng histori, talambuhay at politika
Feminismo
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Bayograpikal
Ipinapahiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga pinaka na inaasahang magsisilbing katuwang na mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. Ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag udyo na magbago o mabuo ito.
Arkitipal
Nangangailangan ito ng isang masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda, sapagkat binibigyang diin dito ang mga simbolong ginamit upang maipabatid ang pinakama mensahe ng akda
Feminismong Pananaw
Nais itong basagin ang pagkakahon at kumbensyunal na pagtingin sa mga babae sa panitikan na mahina, marupok, sunod-sunuran, emosyonal, at iba pang uri ng pang-aapi.
Queer Theory
Nais nilang isatinig ang boses nilang matagalan nang wala o di kaya naman ay sinadyang hindi isama sa kanonisadong panitikan at kahit na rin sa kasaysayan.
Estrukturalismo
Nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maaari lamang mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na istruktura. Ang kahulugan ay malilikha lamang sa relasyon at pagkakaiba ng salitang ito sa iba pang salita.
Bayograpikal
Dapat mabatid ng mambabasa ang talambuhay ng may-akda.
Historikal
Layunin ay bigyang-interpretasyon ang isang likhang sining sa pamamagitan ng pag- unawa sa panahon at kultura nang maisulat ang akda.
Moralistiko
Itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang bukal ng mga kaisipang batayan ng wastong pamumuhay at pakikipagkapwa
Pormalistiko o Pang-anyo
“Paano” naisulat ang isang akda sa pagsiyasat ng banghay, karakterisasyon, dayalogo, istilo at iba pa.
Sikolohikal o SikoAnalitiko
Bumubuo ng halo-halong emosyon, kamalayan, ugali, at iba pa.
SosyolohikalPanlipunan
Ang mga pananaw at saloobin ng mga karakter ay hinubog ng mga pangyayari. Salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook, kultura, tradisyon, kaugalian at paraan ng pamumuhay. Dito naniniwala ang kritiko na ang panitikan ay hindi humiwalay sa lipunan
Eksistensyalismo
Paghahanap ng katibayan at kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kapakanan ng madami na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo.
Humanismo
Binibigyang tuon ng teoryang ito ang tao o human, at ang taong nakatuntong ng pag aaral at kinikilala ng kultura ay matuturing na sibilisado.
Klasismo
Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat
Marxismo
Ang ideolohismong ito ay nagmula kay Karl Marx. Ang mga mayayamang negosyante, nagmamay ari ng lupa o haciendero ay sinasamantala ang kanilang kapangyarihan na nagdudulot ng pagsasamantala sa mga mahihirap na manggagawa.
PangkasariangKritisismo
Ang kulturang sinasalamin ng akda ay nagtatakda ng pagtrato, pagtanggap, at pag uri natin sa ating kasarian.
Post-Kolonyalismo
Sumusuri ng kultural, ekonomikal, at politikal na aspeto sa pagtatapos ng isang mangongolonya.
Realismo
Nilalayon nitong mailarawan ang buhay sa iba’t ibang manipestasyon nang di na kailangan pang magtaglay ng ganda o buhay.
Romantisismo
Umusbong ang teoryang ito sa Europa noong ikalawanghati ng ikalabingwalong dantaon.
Romantisismong Tradisyonal
nagpapahalaga sa halagang pantao
Romantisismong Rebolusyonaryo
Pagkamakasariling karakter ng isang tauhan.
Panunuring Pampanitikan
Isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.