pagbasa at pagsuri

Cards (76)

  • pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
  • pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. -Manuel at Medel, 1976
  • Pananaliksik Ayon kay Atienza (1996), ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.
  • kahalagahan ng pananaliksik
    Nagpapayaman ng kaisipan
    Nalilinang ang tiwala sa sarili
    Nadaragdagan ang kaalaman
  • Nagpapayaman ng kaisipan
    Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa walang humpay na pagbasa, nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.
  • Nalilinang ang tiwala sa sarili
    tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na isinagawa.
  • Nadaragdagan ang kaalaman
    ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.
  • layunin ng pananaliksik
    Makadiskubre ng bagong kaalaman.
    Maging solusyon sa suliranin
    Umunlad ang sariling kamalayan sa paligid.
    Makita ang kabisaan ng ginagamit na pamamaraang estratehiya.
    Mabatid ang lawak ng kaalaman sa isang partikular na bagay.
  • Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
    Magkaroon ng panimulang kaalaman sa pagsasagawa ng isang pananaliksik.
    Pumili ng napapanahong paksa.
    Bigyang kahulugan ang suliranin ng pananaliksik.
    Pumili ng mahahalagang datos/ impormasyon.
    Kumilala ng mga palagay o hinuhang nagpapalinaw sa suliranin ng pananaliksik
  • Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
    Kakayahang lumikha ng makabuluhang kongklusyon, palagay o hinuha.
    Katumpakan sa paghusga ng mga ginamit na pamamaraan.
  • PAKSA
    ang sentral na ideya na siyang tinatalakay sa kabuuan ng isang pananaliksik. Nakasalalay sa paksang napili ng mananaliksik ang pagtatagumpay ng isang pananaliksik. Kaya naman mahalagang paglaanan ng panahon at pag-isipang mabuti ang pagpili dito.
  • MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA.
    Maaaring matapos sa itinakdang panahon
    May sapat na mapagkukunan ng impormasyon
    kawilihan o Interes sa Paksa
    Napapanahon
  • KAWILIHAN O INTERES SA PAKSA
    ang gawaing pananaliksik ay isang mabusisi at mahabang proseso kaya mahalagang isaalang-alang ng isang mananaliksik ang kaniyang interes sa pagpili ng paksa.
  • NAPAPANAHON
    higit na magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang resulta ng isang pananaliksik kung ito ay tumutugma at tumutugon sa kasalukuyang pangangailangan.
  • MAAARING MATAPOS SA ITINAKDANG PANAHON
    kinakailangan na alam ng mananaliksik ang haba ng panahon na ilalaan niya sa pagsasagawa ng pananaliksik. Dito rin binibigyang pagsasaalang-alang ang kaangkupan ng paksang napili sa kakayahan ng mananaliksik.
  • MAY SAPAT NA MAPAGKUKUNAN NG IMPORMASYON
    Ang mga datos at impormasyon ay ang siyang nagpapatibay ng saligan ng isang pananaliksik, kaya mahalagang isaalang-alang ng isang mananaliksik kung may malawak o sapat ang impormasyon na maaring makuha o magamit sa oras o panahon na kinakailangan ito para sa gawain.
  • MGA MAAARING PAGHANGUAN NG PAKSA NG PANANALIKSIK.
    Sarili 
    Pahayagan at Magazine
    Radyo at Telebisyon
    Mga guro, dalubhasa at awtoridad
    Internet
    Aklatan 
  • Sarili – sariling karanasan at obserbasyon sa kapaligiran.
  • Pahayagan at Magazine – mga paksang may kinalaman sa mga isyung napapanahon.
  • Mga guro, dalubhasa at awtoridad – Sa pamamagitan ng mga panayam o pagtanong-tanong ay maaring makakuha o makaisip ng paksa sa pananaliksik.
  • Internet – pinakamadali, pinakamabilis at malawak na paraan upang makakuha ng impormasyon.
  • Aklatan – Ang mga nalathalang aklat at mga pananaliksik na makikita sa mga silid-aklatan ay nakapagbibigay din ng ideya sa mananaliksik ng paksang maaaring saliksikin.
  • HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA
    Tukuyin ang inaasahang layunin ng gawain.
    Magtala ng mga potensyal na paksa ng pananaliksik.
    Suriin ang mga itinalang ideya.
    Bumuo ng tentatibong paksa.
    Limitahan ang paksa.
  • BATAYAN SA PAGLILIMITA NG ISANG MALAWAK NA PAKSA.
    1. Saklaw ng Panahon
    2. Saklaw ng Edad
    3. Saklaw ng Kasarian
    4. Saklaw ng Propesyon/Pangkat na kinabibilangan.
    5. Saklaw ng Perspektiba
    6. saklaw ng Lugar
  • i
    A) saklaw ng panahon
  • i
    A) saklaw ng edad
  • i
    A) saklaw ng kasarian
  • i
    A) saklaw ng propesyon
  • i
    A) saklaw ng perspektiba
  • i
    A) saklaw ng lugar
  • PAGBUO NG PAKSA
    Ang pamagat ng pananaliksik ay kaiba sa mga pamagat na mga aklat pang-akademiko at mga pampanitikan na karaniwan natin nakikita. Ito ay dapat na maging malinaw, gumagamit ng payak na salita, tuwiran at tiyak. May mga pagkakataong ang mga nilimitahang paksa ay siya na rin na magiging pamagat ng pananaliksik, kung ito ay isasaayos lamang nang kaunti.
  • Mungkahing bilang ng mga salita sa pagbuo ng pamagat ng pananaliksik – hindi bababa sa sampung (10) salita at hindi dapat lumagpas sa dalawampung (20) salita. Hindi kasama ang mga salitang pangkayarian gaya ng pananda, pantukoy at mga pang-abay.
  • Pangunahing Bahagi ng Kabanata I:
    Panimula (Introduction)
    Layunin ng Pag-aaral (Objective of the Study)
    Kahalagahan ng Pag-aaral (Significance of the
    Study)
    Batayang Teoretikal (Theoretical Framework)
    Batayang Konseptwal (Conceptual Framework)
    Saklaw at Limitasyon (Scope and Delimitation)
    Depenisyon ng Termino
  • Panimula(Introduction)
    Ito ay isang maikling talata na tumatalakay sa batayang kaalaman na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Ilan sa maaaring nilalaman nito ay ang maikling kasaysayan ng paksa. Karaniwan ding inilalarawan dito ang katangian at kalikasan ng paksang napili, maging ang kasalukuyang kalagayan at kinakaharap na suliranin nito. Maaari ding ilahad dito ng mananaliksik kung ano ang nag-udyok sa kanya upang pag-aralan ang paksa.
  • Paglalahad ng Suliranin (Statement of the Problem)
    Inilalahad dito ay pangkalahatang layunin ng pananaliksik na nasa anyong pasalaysay at ang mga tiyak na suliranin na karaniwang nasa anyong patanong at siyang nagsisilbing tuon ng pananaliksik at gagawing pagtalakay.
  • Kahalagahan ng Pag-aaral (Significance of the Study)
    Tinutukoy sa bahaging ito ang maaring kapakinabangan o halaga ng pagsasagawa ng pag-aaral sa ibat-ibang indibidwal o sector na may kinalaman sa paksang napili. Sa paglalahad ng kahalagahan ng pag-aaral iwasan ang paglalahat lalo na kung hindi naman ito saklaw ng pag-aaral.
  • Batayang Teoretikal (Theoretical Framework)
    ay sentisis ng isa hanggang tatlong teorya na nagbibigay na matibay na saligan ng isinagawang pag-aaral. Ang sentisis na ito ay kinakailangang nagpapakita ng malinaw na ugnayan sa paksa ng pananaliksik at sumasaklaw sa larangan kung saan umiiral ang isinagawang pag-aaral.
  • Batayang Konseptwal (Conceptual Framework)
    ay isang dayagram na nagpapaliwanag sa magiging takbo ng gagawing pananaliksik. Tinitiyak nito na ang mga konsepto at variables na may kinalaman sa paksa ng pananaliksik ay nakalahad sa payak at komprehensibong paraan.
  • Mga Karaniwang Modelo ng Batayang Konseptwal
    Independent-dependent variable model.
    Input-Process-Output (IPO) Model.
    Concept Map.
  • Independent-dependent variable model.
    Sa modelong ito, ang mga mahahalagang variables
    ng pag-aaral ay isinusulat sa loob ng parihaba at sa pagitan
    nito ay isang guhit na nagrerepresenta ng pagkakaroon ng direktang ugnayan ng dalawang variables (independent-dependent variable)