TAGALOG IMPERIALISM - nakondisyon na ang mga tao sa Tagalog kaya't kahit na nabago ang tawag sa Wikang Pambansa (Filipino), Tagalog pa rin ang itinatawag dito ng mga Pilipino at mga dayuhan. Dahil dito, naisantabi ang mga wikang kilala o malawak din ang gamit sa Pilipinas gaya ng Cebuano, Hiligaynon at Ilokano.