Sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa
Pananaliksik
Malikhain at sistematikong gawain, ginagawa upang lumawak ang kaalaman
Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu
Pananaliksik
Nagmula sa salitang Filipino na "suriin o hanapin", isang sistematikong paraan ng pagsisiyasat at pag-aaral ng isang partikular na paksa o isyu
Pananaliksik
Mahalagang kasanayan, makapagdadala ng maraming kaalaman
Sa pamamagitan ng makaagham na pamamaraan, mga tanong at sulirani'y maihahanap ng kasagutan
Ang pananaliksik ay mahalaga sa maraming aspeto ng buhay
Kahalagahan ng Pananaliksik sa Edukasyon
Nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na malalimang maunawaan ang kanilang mga aralin at magkaroon ng kakayahang mag-isip nang malikhaing
Kahalagahan ng Pananaliksik sa Negosyo at Industriya
Nagpapahintulot sa mga kumpanya na masuri ang merkado, malaman ang mga pangangailangan ng mga mamimili, at magkaroon ng mga estratehiyang pang-negosyo na nakabatay sa mga datos at impormasyon
Sulating Pananaliksik
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpili ng pinakaangkop na paksa upang makabuo ng isang maayos na sulating pananaliksik
Pananaliksik
Masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian
Layunin ng Pananaliksik
Makahanap ng isang teorya
Malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito
Makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin
Resulta ng Pananaliksik
Maghatid sa atin ng isang bagong teorya, konsepto, produkto, proseso, programa o polisiya
Tumaliwas o sumuporta sa isang teorya, konsepto, produkto, programa o polisiya
Magdulot ng bagong ikakaunlad o humantong sa pagpapahinto sa paggamit ng isan teorya, konsepto, produkto, proseso, programa o polisiya
Magbunga ng solusyon o sagot para sa isang suliranin, karagdagan at mas malalim pang mga katanungang kinakailangan ng higit pang pananaliksik
Mahalaga ang pagsasagawa ng pananaliksik sapagkat ito ay nakadaragdag sa kasalukuyang kaalaman, nakakapagunlad ng mga gawain, at nagbibigay-impormasyon para sa pagbuo ng mga polisiya
PangunahingKonsepto ng Pananaliksik
Research Topic o Paksa ng Pananaliksik, Constructs, Variable, Constant, Hypothesis, Teorya, Populasyon, Sample, Sampling, Sampling Unit, Sampling Frame
Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik- sulating pananaliksik (Spalding, 2005)
Constructs- ito ay malalawak na konsepto o paksa ng pag-aaral na maaaring abstrak, hindi direktang naoobserbahan o komplikado (Legget,2011).
Research Topic-ito ang paksa ng pag-aaral ng iipinapanukalang pananaliksik at nagsisilbing sentral na ideya na nais matutunan o magalugad(Creswell,2009).
Variable- ito ay isang katangian, kondisyon, kaganapan o gawin na maaaring takdaan ng iba‘t ibang halaga o value na di bababa sa dalawa (Jackson,2009 at Johnson at Christensen,2014).
Constant- ito ay isang halaga o kategorya na maaaring itakda sa isang variable(Johnson at Christensen, 2014).
Hypothesis- ito ay prediksiyon hinggil sa maaaring kalalabasan ng isang pag-aaral kabilang na ang mga potensiyal na ugnayan sa pagitan ng dalawang variables o higit pa (Fraenkel, Wallen, at Hyun, 2012 at Jackson, 2009).
Teorya- ito ay isang organisadong sistema ng mga inaasahan at mga prinsipyo na nagsisikap na ipaliwanag ang tiyak na penomeno at kung paanong magkakaugnay ang mga ito (Jackson, 2009)
Teorya- ito ay magkakaugnay na pangkat na constructs o variables na nabuo bilang panukala o hyothesis na tumutukoy sa relasyon ng mga ito sa isa‘t isa(Creswell,2009)
Teorya- ito ay maaaring bahagi ng isang pananaliksik bilang isang argumento, diskusyon, o katwiran na tumutulong gumawa ng paliwanag sa penomenong nangyayari sa mundo(Creswell, 2009).
Populasyon- ito ay pangkat ng mga indibidwal o ng mga paksa ng pag-aaral na nagtataglay ng pare-parehong katangian (Creswell,2012 at Johnson at Christensen, 2014).
Populasyon- tumutukoy rin ito sa isang malaki o sa kabuuang pangkat na nais ng mananaliksik na gawan ng paglalahat o generalization hinggil sa resulta ng kanyang pag-aaral(John at Christensen, 2014).
Sample- ito ang bahagi ng populasyon na nais pag-aralan ng mananaliksik.
Sampling- ito ang proseso ng pagkuha ng sample mula sa populasyon(Johnson at Christensen,2014)
Sampling Unit- isang yunit ng populasyon na pinili ng mananaliksik mula sa sample(Almeda, Capistrano, at Sarte, 2010). Ito ay maaaring isang element o binubuo ng higit sa isang element.
Sampling Frame- listahan ng lahat ng mga sampling unit mula sa populasyon(Almeda, Capistrano at Sarte, 2010).