El Filibusterismo

    Cards (92)

    • Sic itur ad astra.*
    • Ang bapor Tabo ay nahihirapan na sumasalunga sa paliko-likong agos ng Pasig
      Disyembre
    • Bapor Tabo
      Isang malaking bapor, halos bilog, na katulad ng tabo na pinagkuhanan ng kaniyang pangalan, marumi sa kabila ng kaniyang pagnanais na maging malinis
    • Napapalibutan ng liwanag ng umaga, ang kaniyang maputing katawan (na nagbubuga ng maitim na usok)
    • Ang bapor ay umaandar
      May kasiyahang loob
    • Ang bapor ay nakakatama sa burak
      Muntik ng ikabuwal ng mga pasahero
    • Sa ibaba ng kubyerta ay matutunghayan ang mga mga kayumangging mukha at mga itim na ulo, na mga uring Indio, Intsik, at Mestiso, nakaupong siksikan sa pagitan ng mga baol at kahon ng kalakal
    • Sa itaas ng kubryerta, sa ilalim ng tolda na nagsasanggalang sa kanila araw, ay nakaupo sa maginhawang silya ang iilang pasahero na nakasuot ng kagayakang Europeo, mga prayle, at mga kawani ng pamahalaan, na humihitit ng tabako, nakatanaw sa dinadaanan
    • Kapitan
      Isang taong may magiliw na kaanyuan, may labis na edad, isang matandang maglalayag, na noong kabataan ay namuno sa higit na maayos na bapor sa lalong malawak na karagatan, ngayong matanda na ay kailangang gumamit ng malaking pag-iisip, ingat, pagbabantay, upang makaiwas sa maliliit na panganib
    • Si Donya Victorina, ang nag-iisang babae na nakaupo sa kalipunan ng mga Europeo, ang makapagsasabi kung ang bapor Tabo ay tamad, masuwayin, at kapritsoso
    • panig ng bapor ang mga marinero na may hawak na tikin upang ituon sa lugar na itinuturo ng timon
    • Ang kapitan ay katulad ng isang kawal, pagkatapos na pamunuan ang mga kawal sa isang mapanganib na pakikidigma, sa pagtanda ay naging tagapag-alaga ng isang batang sumpungin, matigas ang ulo, at tamad
    • Si Donya Victorina ay katulad ng marami na napaka-nerbiyosa, ay nagtutungayaw sa mga kasko, bangka, balsang niyong, mga Indiyo na namamangka, pati na sa mga naglalaba at naliligo na kinaiinisan niya dahilan sa pagkakatuwa at ingay
    • Tama naman siya, ang Tabo ay magiging maayos ang lakad kung wala kahit isa mang Indiyo sa bayan at sa mundo, hindi napupuna na ang mga tumitimon ay Indiyo, ang mga makinista ay Indiyo, at Indiyo ang siyamnapu't siyam sa bawat isang daang pasahero, at maging siya ay Indiyo rin, kung kakaskasin ang kulapol sa kaniyang mukha at huhubarin ang kaniyang ipinagmamalaking gown
    • Nang umagang iyon ay higit ang pagka-irita ni Donya Victorina, sapagkat hindi siya pinapansin ng mga kasama, na hindi naman kapos sa kadahilanan magkakasama ba naman doon ang tatlong prayle na naniniwala na ang buong mundo ay titiwarik, sa araw na sila ay lalakad ng tuwid
    • Ang walang kapagurang si Don Custodio, na payapang natutulog, at nasisiyahan sa kaniyang binabalak na proyekto
    • Ang walang pagod na manunulat na si Ben-Zayb (anagram ng Ibañez) na naniniwalang kaya nag-iisip ang mga tao sa Maynila ay dahilan sa siya ay nag-iisip
    • isang canonigo na katulad ni Padre Irene, na nagdadagdag sa dangal ng kaparian, dahil sa maayos na pagkakaahit sa kaniyang mukha na kinalalagyan ng isang ilong-Hudio at dahil sa kaniyang sutlang sutana na lapat ang pagkakatabas at maraming bitones
    • isang mayamang mag-aalahas na katulad ni Simoun, na pinaniniwalaan na tagapayo at nag-uudyok sa mga pagpapasiya ng Kapitan Heneral
    • Isipin ba namang magkatagpo ang mga haliging saligan ng bayan, magkasama-sama doon, at masayang nag-uusap, ay hindi mabibighani na masiyahan sa isang nagtakwil ng sariling pagka-Pilipina, na nagpakulay ng buhok, na sapat upang maubos ang pasensiya ng isang Joba – pangalang ibinigay sa sarili ni Donya Victorina, kailanman at may makakatagpo
    • Higit na naradagan ang pagkainis ng babae sa bawat sigaw ng kapitan ng: baborp! estriborp! Sa mga mga marinero, na nagmamadaling isaksak sa mga gilid ang kanilang mga mahahabang tikin at pigil sa tulong ng mga hita at balikat upang mapigil na masadsad sa dakong iyon ang bapor
    • "Subalit kapitan, bakit hindi doon pinapupunta ng mga istupidong timunel?" ang pagalit na tanong ng babae
    • "Sapagkat napakababaw po doon ali" ang malumanay na sagot ng Kapitan, at marahang ikinindat ang isang mata, na kaniyang nakaugalian na katulad ng kaniyang salita na lumalabas ng marahang lumalabas: marahang-marahan
    • "Kalahating tulin ng makina, aba, kalahating tulin!" ang tutol ni Donya Victorina, "bakit hindi buong tulin?"
    • "Sapagkat tayo ay babagtas sa mga palayang iyan, señora," ang walang tinag na sagot ng kapitan, inginuso ang kaniyang labi upang ipakita ang palayan at dalawang beses na kumindat
    • Si Donya Victorina ay kilala sa buong bayan sa kaniyang kapritso at kinahuhumalingan
    • Sapagkat sa buong buhay niya ay hinahangad, magmula ng mag-asawa ay nag-anyong Europea, sa tulong ng kaniyang masagwang kaparaanan, ay marahang nagtagumpay na baguhin ang kaniyang sarili, sa kasalukuyang kaanyuan, kahit na magtulong sina Quatrefages at Virchow, ay hindi magagawa kung saang lahi siya ibibilang
    • Ang kaniyang asawa, na nagtiis ng maraming taon sa lahat ng kaniyang maibigan na katulad ng isang fakir, isang masamang araw ang lalaki ay dinalaw ng isang sumpong, at hinambalos siya ng tungkod
    • Ang nabiglang si Madam Joba sa pagbabagong ugali, ay hindi agad nakasunod sa kaganapan, at pagkatapos ng pagkabigla at makatakas ang kaniyang asasa, ay saka naramdaman ang sakit at naratay ng ilang araw, sa gitna ng napakalaking katuwaan ni Paulita, na nawiwili sa pagtatawa at pagbibiro sa kanyang ali
    • Subalit ang asawa, sindak sa nagawang pagkakamali, na para sa kaniya ay parang isang kakila-kilabot na pagpatay sa kabiyak ng puso, tumakas, at hinabol ng alitang mag-asawa (ang dalawang aso at isang loro sa bahay), ay tumakbong na buong bilis na ipinahihintulot ng kaniyang kapilayan, sumakay sa unang bangkang nakita sa ilog, at ang Ulises sa Pilipinas, ay nagsimulang maglagalag sa mga bayan-bayan, sa mga lalawigan, sa mga pulo na hinahabol at inuusig ng kaniyang Calypso, na nakasalamin, na nakakainis sa mga kasabay sa pagbibiyahe
    • Tumanggap ng balita na ang asawa ay nagtatago sa isang bayan sa Laguna, kaya papunta doon upang akitin ang asawa sa tulong ng kaniyang buhok na tininaan
    • Ang kaniyang mga kapwa pasahero ay nagkaisang magsangalang sa pakikisalamuha sa kanya, sa pamamagitan ng walang hintong usapan ng anumang paksa
    • Sa pagkakataong iyon, dahilan sa liko-likong daanan ng ilog ay pinag-uusapan ang pagtutuwid sa kanal na iyon, at tungkol sa mga gawaing ukol sa daungan
    • Si Ben-Zayb, ang manunulat na anyong prayle ay nakikipagtalo sa isang batang prayle na mukha namang artilyero
    • Kapwa nagsisigawan, ang kaanyuan ay ayon sa sinasabi, ibinubuka ang kanilang mga kamay, tumatadyak sa sahig, nag-uusap ukol sa mga patitis at mga baklad, Ilog San Mateo, mga Kasko, mga Indiyo, at iba pang mga bagay, sa gitna ng kasiyahan ng kanilang mga tagapakinig, at ang hindi maitagong pagkainip ng isang matandang paring Pransiskano, na labis na napakapayat at natutuyo, at ng Dominicano na may maayos na tindig at kababakasan ang kaniyang labi ng isang pakutyang ngiti
    • Ang payat na Pransiskano na na nakakaunawa ng ngiti ng Dominicano, ay nagpasiyang makilahok sa usapan upang ito ay maputol
    • "Mga siyentipiko, Ben-Zayb, alam ba ninyo kung ano ang mga taong marurunong?" t
    • nunulat na anyong prayle36 ay nakikipagtalo sa isang batang prayle na mukha namang artilyero
    • Hindi mapag-aalinlanganan na siya ay iginagalang, kaya sa isang galaw ng kamay ay kaniyang naputol ang usapan ng dalawa, nang ang paring mukhang artilyero ay bumabanggit ukol sa karanasan at ang manunulat na mukhang prayle ay tungkol naman sa agham
    • Pransiskano: '"Mga siyentipiko, Ben-Zayb, alam ba ninyo kung ano ang mga taong marurunong?"'
    See similar decks