Filipino - G10 First Quarter

Cards (106)

  • Ang Cupid at Psyche ay nanggaling sa Rome, Italy
  • Ang Cupid at Psyche ay isinalaysay ni Apuleuis, isang manunulat na Latino
  • Bahagi ng mitong Metamorphoses na kilala rin sa tawag na Golden Ass
  • Mulin isinalaysay ni Alvin D. Mangaoang
  • Venus - Dyosa ng kagandahan
  • Cupid - diyos ng pag-ibig
  • Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala - Cupid
  • Unang pagsubok - Pagsama-samahin ang mga butong magkakauri. Bagaman nahirapan, nagawa niya ito sa tulong ng mga langgam
  • Pangalawang pagsubok - pagkuha ng gintong balahibo mula sa mapanganib na tupa. Natutukso na siyang tumalon sa ilog , ngunit pinayuhan siya ng mga halaman ng tamang tiyempo. Hinintay niyang magtakip-silim, pauwi na ang mga tupa at nakakuha na siya ng gintong balahibo na nasabit sa mga sanga
  • Ikatlong pagsubok - pagsalok ng maitim na tubig mula sa maitim na alon o sa ilog Styx. Hindi madaling pagsubok ngunit nairaos niya dahil tinulungan siya ng isang ibon upang makasalok ng tubig gamit ang prasko
  • Kahulugan ng prasko: isang uri ng sisidlan o bote na karaniwang ginagamit para sa pabango, jam, syrup, at iba pang likido o materyales na nangangailangan ng selyadong lagayan.
  • Kahulugan ng marubdob: [pang-uri] nagpapakita ng malalim, malakas na damdamin, kasidhian, at labis na pagmamahal o interes sa isang bagay o gawain.
  • Punyal – sumisimbolo sa kawalan ng tiwala. 
  • Lampara – sumisimbolo sa kaliwanagan at katotohanan.
  • Kahulugan ng mapanglaw:[pang-uri] tumutukoy sa damdamin o kalagayang may halong lungkot at pangungulila, na madalas ay dulot ng pag-alala sa mga lumipas na alaala o karanasan.
  • Huling pagsubok - kumuha ng kahon at humingi ng kagandahan kay Proserpine. Ito ang pinakamapanganib na pinagawa sa kanya, ngunit kagaya ng mga naunang pagsubok ay tinulungan siya ng isang tore na makapunta sa kaharian sa ilalim ng lupa, sa kaharian ni Hades.
  • Upang hindi magambala ni Venus ang kanilang pag-iibigan, humingi sila ng basbas kay Jupiter. Naging imortal na rin si Psyche sa pamamagitan ng pagkain ng Ambrosia, ang pagkain ng mga diyos at diyosa.
  • Hindi pagsunod sa utos - Pagsuway
  • Akmang saksakin - Itatarak
  • Patalim - Punyal
  • Masidhi, Maalab, Masikhay na pagnanasa - Marubdob
  • Nagalit, Nainis - Nasuklam
  • Pagkain ng mga diyos-diyosan - Ambrosia'
  • Lakad na ang mga daliri ng paa lamang ang sumasayad - Patiyad
  • Nahimok, Nahikayat - Nabuyo
  • Tumupad sa tungkulin, sumunod sa utos - Tumalima
  • Walang kamatayan at katapusan - Imortal
  • Payak - binubuo ng salitang ugat lamang
  • Maylapi - binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi
  • Inuulit - ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit
  • Tambalan - binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita
  • Kahulugan ng kasuklam-suklam: Sobrang nakakadiri at hindi kaaya-aya, labis na nakakasuklam at nakakapoot sa antas na hindi matanggap o maatim.
  • Kahulugan ng kabiyak: [pangngalan] ang tao na katuwang sa buhay, maaaring asawa o esposo, o isa sa dalawang bahagi na bumubuo sa kabuuan, simboliko para sa mag-asawa.
  • Kahulugan ng mapanglaw:[pang-uri] tumutukoy sa damdamin o kalagayang may halong lungkot at pangungulila, na madalas ay dulot ng pag-alala sa mga lumipas na alaala o karanasan.
  • Ang kahulugan ng gayak-pangkasal ay Wedding-Decoration o Palamuti sa Kasal.
  • Kahulugan ng prasko:isang uri ng sisidlan o bote na karaniwang ginagamit para sa pabango, jam, syrup, at iba pang likido o materyales na nangangailangan ng selyadong lagayan.
  • Mitolohiya ang tawag sa agham o pag-aaral ng mito o myth at alamat. Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao o isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos at diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinarakila, at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
  • Ang salitang mito o myth ay galing sa salitang latin na "mythos" at mula sa greek na "muthos", na ang kahulugan ay kwento.
  • Ito ay pampanitikang ang mga tauhan ay pumapatungkol sa mga diyos at diyosa at nagpapakita ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga tauhan. Ito ay maiuugnay din sa epiko bagaman mas litaw ang mito ang hindi kapani-paniwalang mga pangyayaring may kinalaman sa diyos at diyosan.

  • Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao at katangian ng iba pang mga nilalang.