Panitikang Filipino (Prefinals)

Cards (157)

  • 1899 - Nag simula dito kung saan pormal na inilipat ng mga Kastila ang pamamahala ng bansa sa mga Amerikano.
  • Puting Thomasite - Ang pagkaunsiyami ng mga Pilipino sa paghahanap ng kalayaan ay naibsan sa pagdating ng mga ito.
  • Thomasites - Sila ay grupo ng mga gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas noong 1901.
  • True - Ang misyon ng mga Thomasites ay magturo at magbigay ng bagong Sistema ng edukasyon sa mga Pilipino.
  • True - Ang mga gurong Amerikano ay tinawag na mga Thomasites sa kadahilanang sila ay sumakay sa US Army Transport Thomas patungo sa Pilipinas.
  • 503 - Ang mga thomasites ay nasa humigit kumulang ilang indibidwal?
  • 368 - Mayroong ilang lalaking thomasites noong Panahon ng mga Amerikano?
  • 141 - Mayroong ilang babaeng thomasites sa Panahon ng mga Amerikano?
  • Mary E. Polley - Siya ay ang tinaguriang huling thomasite na dumating sakay ng Thomas na yumao sa Lungsod ng Pasay noong 1953.
  • US Army Transport Thomas - Ito ay ang bapor na sinakyan ng mga thomasites papuntang Pilipinas.
  • Abram van Heyningen Hortendorp - Siya ang unang itinalagang thomasite sa Samar at Zambales, ay nanatili sa bansa matapos ang maraming taón ng pagtuturo, at itinatag ang Philippine Magazine.
  • True - Noong panahon ng mga kastila ay binigyaang diin ay ang relihiyon kaya nagpatupad ang mga Amerikano ng Batas na nagsasaad na walang sinumang guro ang mang-iimpluwensya sa mga mag-aaral kung ano ang dapat at di dapat na relihiyon.
  • Ito ay ang ginamit ng mga Filipino bilang sandata laban sa mga Amerikano:
    1. Lakas
    2. Paninindigan
    3. Prinsipyo
  • Panahon ng mga Amerikano - Noong panahon na ito ay nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag at dumami ang mga babasahin.
  • True - Noong Panahon ng mga Amerikano ay naging mabunga ang Panitikang Pilipino na ginagampanan na rin ng mga kababaihan.
  • Ito ay ang katangian ng panitikan sa panahon ng amerikano:
    1. May hangaring makamit ang kalayaan.
    2. May marubdob na pagmamahal sa bayan.
    3. May pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo.
  • Ito ay ang mga pahayagan sa panahon ng amerikano:
    1. El Grito Del Pueblo
    2. El Nuevo Dia
    3. El Renacimiento
    4. Manila Daily Bulletin
  • El Grito Del Pueblo - Ito ay isa sa mga pahayagan sa panahon ng mga amerikano. Ito ay ang Sigaw/Tinig ng Bayan. Itinatag ni Pascual Poblete noong 1899. Ito ay may temang radikal na nagsusulong ng kalayaan ng Pilipinas sa ilalim ng mga Amerikano.
  • El Nuevo Dia - Ito ay isa sa mga pahayagan sa panahon ng mga amerikano. Ito ay ang Bagong Araw. Itinatag ni Sergio Osmena noong 1900.
  • El Renacimiento - Ito ay isa sa mga pahayagan sa panahon ng mga amerikano. Ito ay ang Muling Pagsilang. Itinatag ni Rafael Palma noong 1900. Ito ay tumutukoy sa deklarasyon ng wikang Espanyol bilang pambansang wika ng Pilipinas.
  • Manila Daily Bulletin - Ito ay pahayagan noong panahon ng mga amerikano na itinatag noong 1900.
  • Ito ay ang tatlong pangkat ng manunulat:
    1. Maka-kastila
    2. Maka-ingles
    3. Maka-tagalog
  • Ito ay ang mga dulang ipinatigil noong panahon ng mga amerikano:
    1. Kahapon, Ngayon, at Bukas (Aurelio Tolentino)
    2. Tanikalang Ginto (Juan Abad)
    3. Malaya (Tomas Remegio)
    4. Walang Sugat (Severino Reyes)
  • Kahapon, Ngayon, at Bukas - Ito ay isa sa mga ipinatigil na dula noong panahon ng mga amerikano. Ito ay akda na isinulat ni Aurelio Tolention na nagpapakita ng di pagsang- ayon ng pagpapalawak ng kapangyarihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kaniyang teritoryo.
  • Tanikalang Ginto - Ito ay isa sa mga dula na ipinatigil noong panahon ng mga amerikano. Ito ay akda ni Juan Abad na sumisimbolo sa mga pangako ng mga amerikano.
  • Malaya - Ito ay akda ni Tomas Remegio na isa sa mga dula na ipinatigil noong panahon ng mga amerikano.
  • Walang Sugat - Ito ay isa sa mga dula na ipinatigil noong panahon ng mga amerikano. Ito ay dula na inilimbag ni Severino Reyes na tumatalakay sa kasabihan na “kung gusto’y maraming paraan basta’t tunay na nagmamahal”.
  • Cecilio Apostol - Siya ang naghandog ng tula na para kina Rizal, Jacinto, Mabini at halos lahat ng mga bayani ng lahi, ngunit ang kanyang tulang handog para kay Rizal ay ang siyang pinakamainam na pinamagatang ”A Rizal”. Ang kaniyang ginamit na sagisag panulat ay Catulo o Isagani.
  • Ito ay ang mga akda ni Cecilio Apostol:
    1. Al Heroe Nacional
    2. Al Yankee
    3. A Rizal
  • Al Heroe Nacional - Ito ay isa sa mga akda ni Cecilio Apostol. Isang tula na handog para sa pambasang bayani.
  • Al Yankee - Ito ay isa sa mga akda ni Cecilio Apostol. Sa tulang ito, inaatake ng makata ang Imperyalismong Amerikano.
  • A Rizal - Ito ay isa sa mga akda ni Cecilio Apostol na na nagpapakita ng kaniyang pasasalamat dahil sa pagtatanggol ni Rizal sa kanilang bayan.
  • Fernando Ma. Guerero - Ito ay ang kabangga ni Apostol sa paghahari ng Balagtasan sa Kastila. Naghahandog ng tula para kay Rizal na Invocacion A Rizal o Panawagan Kay Rizal at ang pinakamagaling ay ang aklat bilang pagtitipon ng mga tula para kay Rizal na pinamagatang CRISALIDAS na nangangahulugang MGA HIGAD.
  • Crisalidas - Ito ay isa sa mga akda ni Fernando Ma. Guerero. Itinuturing na unang volume ng mga tula ni Guerrero na unang lumabas noong 1914 at noon muling inilimbag noong 1952. Naglalaman ito ng 70 komposisyon. Ito ay patungkol sa pagiging makabayan.
  • Jesus Balmori - . Kilala siya sa sagisag na “Batikuling”, at siya ang kaagaw ni Manuel Bernabe sa Balagtasan sa Kastila sa paksang ‘El Recuerdo y el Olvido. Siya’y nahirang na “poeta laureado sa wikang Kastila,” dahil sa tinalo niya si Manuel Bernabe.
  • Rimas Malayas - Ito ay isa sa mga akda ni Jesus Balmori. Akda na kilala sa espirituwal at nasyonalistikong mga tema nito Ang tatlong nobelang ito ay patungkol sa kahalayan, ang pagkapribado ng moralidad, ang pagkakaroon ng Diyos, at mga limitasyon ng tao sa lipunan.
  • Manuel Bernabe - Makatang liriko naipakita niya ang kanyang may melodiyang pananalita sa kanyang pakikipagtuggali kay Balmori sa kanyang panig na “Olvido” o Limot.
  • Ito ay ang mga akda ni Manuel Bernabe:
    1. No Mas Amor Que El Tuyo
    2. Espana en Filipinas
  • No Mas Amor Que El Tuyo - Ito ay tula para sa sagradong puso ni Hesus.
  • Espana en Filipinas - Ito ay isang alegorya na paglalarawan ng dalawang babaeng magkasama, ang isa ay representasyon ng Espanya at ang isa ay ng Pilipinas.