Aralin 3

Cards (36)

  • Humanismo
    Nagmula sa Latin, nagpapahiwatig ng mga di-siyentipikong larangan ng pag-aaral ng wika, panitikan, retorika, pilosopiya, sining, at iba pa
  • Humanistika
    Binigyang diin ang mabubuting katangian ng tao
  • Tao
    Rasyunal na nilalang na may kakayahang maging makatotohanan at mabuti
  • Humanism
    Pagpapakita ng atityud na nagbibigay diin sa dignidad at halaga ng indibidwal o ng tao
  • Uri ng Humanismo
    • Literal humanism
    • Secular, humanism
    • Religious humanism
    • Political humanism
    • at iba pa
  • Pangkat ng Humanismo
    • Humanism bilang klasismo
    • Modernong humanism
    • Humanismong umiinog sa tao
  • Dapat tandaan sa pagsusuri ng panitikan gamit ang Humanismo
    • Pagkatao
    • Tema ng kwento
    • Mga pagpapahalagang pantao: (moral at etikal ba?)
    • Mga bagay na nakaiimpluwensya sa pagkatao ng tauhan
    • Pamamaraan ng pagbibigay-solusyon sa problema
  • Imahismo
    Pagpili ng tiyak na salita, kalayaan sa pagpili ng mga paksa at porma at ang paggamit ng mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw
  • Lumaganap ang imahismo noong unang dalwang dekada ng ika-20 siglo bilang isang kilusang panulaan sa Estados Unidos at Inglatera
  • Romantisismo
    Unang lumitaw noong ika-18 siglo kaya't ito ay nahahawig sa malapantasyang katangian ng midyebal na romansa
  • Katangian ng Romantisismo
    • Malalim na pagpapahalaga sa kagandahan ng kalikasan
    • Pagpapalutang ng damdamin kaysa kaisipan
    • Pagkaabala sa mga henyo, bayani, at pambihirang katauhan
    • Pagbibigay-diin sa internal o panloob ng tunggalian
    • Mahiwaga at kababalaghan
    • Pagbibigay-diin sa pleksibilidad ng nilalaman
    • Pagbubuo ng kumplikado at mabilis na pangyayari sa mga kwento
    • Pinapayagan ang pagsasanib ng iba't ibang uri ng paksa (halimbawa: trahedya at komedya, kapangitan at kagandahan, negatibo at positibo)
    • May malayang istilo
  • Uri ng Romantisismo
    • Tradisyunal na Romantisismo- humihilig sa makasaysayan at pagpapanatili o pagbabalik sa mga katutubo at tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo, at pagkakristiyano
    • Rebolusyonaryon Romantisismo- bumabaling sa pagtatatag ng bagong kultura na may pagpupumiglas, kapusukan, at pagkamakasarili
  • Eksistensyalismo
    Layuning ipakita ang kalayaan ng mga tao na pumili o magdesisyon
  • Eksistens
    Nauuna bago ang esens. Ang pagpili ay kailangan sa eksistens ng bawat tao at hindi ito matatakasan ng kahit sino man, maging ang hindi pagpili ay isa pa ring pagpili
  • Pananaw ng Eksistensyalismo
    • Ang eksistens ay laging particular at indibidwal
    • Ang eksistens ay nakatuon sa problema lamang ng eksistens mismo o ng isang pagiging nilalang
    • Nagpapatuloy ang pagsusuring mayroong iba't ibang posibilidad
    • Dahil sa mga posibilidad na ito, ang buhay ng tao ay itinatakda ng kanyang mga desisyon
  • Dekonstruksiyon
    Nagpapakita ng maraming layer ng kahulugan. Isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto base sa ideya na ang mambabasa at hindi ang manunulat ang sentral sa pagbibigay ng kahulugan sa teksto
  • Ginawa ni Derrida Jacques (1930) ang teoryang ito na isang paghamon sa Kanluraning ideya na ang teksto ay hindi magbabago at may nag-iisang kahulugan
  • Feminismo
    Pagsusuri ng panitikan at ng awtor mula sa punto de vista ng isang peminista. Panitikan ay hindi nyutral kundi ito'y isang produktong panlipunan at pangkulturang kalagayan
  • Nagbibigay-diin sa pagpapahalaga sa mga kalakasan at kakayahan ng mga kababaihan. Nakatuon sa mga kababaihan bilang mambabasa at bilang manunulat o may-akda
  • Naturalismo
    Naniniwala na lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkatauhan ay natural at ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa masusing pagsusuri. Hindi naniniwala sa supernatural
  • Kahalintulad ng Naturalismo
    • Inihahambing sa materyalismo, dualism, monism, ateyismo, teyismo at ideyalismo na sinasabing ilan lamang sa malawak na baryasyon ng naturalism
    • May pagkapareho sa realism, kaya tinatawag na extension ng realism
  • Realism
    Layuning maglahad o magsalaysay ng mga totoong pangyayari sa buhay. Karanasan ng tao at Lipunan. Itinatakwil ang ideyal na paghulma at pananaw sa mga bagay
  • Iba't ibang pangkat ng Realism
    • Pinong (gentel) Realismo
    • Kritikal na Realismo
    • Sosyal na Realismo
  • Naturalismo
    • Naniniwala na lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkatauhan ay natural
    • Ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa masusing pagsusuri
    • Hindi naniniwala sa supernatural
    • Pinaniniwalaan sa naturalism na maaaring makilala at mapag-aralan ang kalikasan sapagkat mayroon itong regularidad, kaisahan at kabuuan batay sa likas na batas nito
    • Walang konkretong katibayan at batayan para sa kanyang mga paniniwala at karanasan
  • Mga kahalintulad ng Naturalismo
    • Materyalismo
    • Dualism
    • Monism
    • Ateyismo
    • Teyismo
    • Ideyalismo
  • Realism
    • Layuning maglahad o magsalaysay ng mga totoong pangyayari sa buhay
    • Karanasan ng tao at Lipunan
    • Itinatakwil ang ideyal na paghulma at pananaw sa mga bagay
  • Iba't ibang pangkat ng Realism
    • Pinong (gentel) Realismo
    • Sikolohikal na Realismo
    • Sentimental na Realismo
    • Kritikal na Realismo
    • Sosyalistang Realismo
    • Mahiwagang (magic) Realismo
  • Marxismo
    • Pagsusuri ng kalagayang panlipunan, pag-uugali at motibasyon ng mga tauhan sa kwento
    • Tunggalian ng tauhan sa kaniyang sarili
    • Tunggalian ng tauhan sa ibang tauhan
    • Tunggalian ng tauhan sa Lipunan at kalikasan
  • Mao Tse Tung: 'Para kanino ang ating mga sining at panitikan? Sino ang pinaglilingkuran ng panitikan? Sa anong paraan nagaganap ang paglilingkod na ito?'
  • Pananaw Sosyolohikal
    • Ugnayan ng likhang-sining at lipunan
    • Hindi sapat na suriin lamang ang akda kundi pati na rin ang lipunang kinabibilangan ng may-akda na siyang nagluwal ng akdang iyon
    • Mainam na mapag-aralan ang kasaysayan ng akda at ang panahon na kinabibilangan nito at ang awtor
    • Di lang internal na pagsusuri kundi pati eksternal na salik nakaimpluwensiya rito
  • Taine: 'Ang panitikan ay bunga ng salinlahi, ng panahon, at ng kapaligiran'
  • Klasismo
    • Paggamit ng istilo o estetikong prinsipiyo ng mga Griyego o Romanong klasikong arte at panitikan
    • Paggamit ng mga prinsipiyo sa musika
    • Naiiba sa lahat ng teorya sapakat iba ang tingin nito sa daigdig
    • Matipid sa salita
    • Maingat sa pagpili ng mga salita at pagpahayag ng mga damdamin
  • Katangian ng Klasismo
    • Pagkamalinaw
    • Pagkamarangal
    • Pagkapayak
    • Pagkamatimpi
    • Pagkaobhektibo
    • Pagkakasunud-sunod
    • Pagkakaroon ng hangganan
  • Pormalismo
    • Layunin nitong matuklasan at maipaliwanag ang anyong ginamit sa akda
    • Pisikal na katangian o anyo ang mahalaga sa teoryang ito
    • Di binibigyan puwang ang buhay ng akda, kasaysayan at ang implikasyong sosyolohikal, political, sikolohikal, at ekonomikal
  • Bayograpikal
    • Nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid
    • Nagpapakita ng bakgrwand ng akda
    • Salaysay tungkol sa pangyayari sa buhay o karanasan ng may-akda
  • Sikolohikal
    • Makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat
    • Binibigyang-pansin ang pagsusuri ng mga iniisip at ideya ng may-akda
    • Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, paniniwala, at pagpapahalaga, gayundin ang mga deya o kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan