Isang maingat, kritikal, at disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at resolusyon nito.
Pananaliksik
Isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa isa pang esenysal na gawain-ang paghahanda ng kanyang ulat-pananaliksik.
Pananaliksik
Isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.
Pananaliksik
Isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.
Pananaliksik
Pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin.
Pananaliksik
Isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
Sistematik
Sumusunod sa mayos at makabuluhang proseso.
Kontrolado
kailangan ay mapanatiling konstant. Hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura na pinag-aaralan ay maiuugnay sa emperikal na baryabol.
Emperikal
lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang na pagsisiyasat.
Mapanuri
kailangan suriin ng kritikal ang mga datos upang hindi magkamali ang mga mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa kanyang nakalap.
Obhetibo, Lohikal, at Walang Pagkiling
ano mang resulta na lumabas sa pag-aaral ay kailangan may lohikal na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
Kwantiteytib o Istetikal na metondo
madalas na ginagamitan ng porsyento, ratio at distribusyon ang paglalahad ng mga numerikal na datos.
Isang orihinal na datos
ang isang pananaliksik ay naglalaman ng mga datos na nakalap ng isang mananaliksik na nagmula mismo sa kanyang paghahanap at pagtuklas dahil kailangan na ang mga datos ang galing sa praymari sorses.
Akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon
bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik ay dapat na maisagawa ng tama upang maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na ang kongklusyon sa isang pag-aaral ay may kaakibat na matibay na ebidensya upang sumuporta dito.
Matiyaga at hindi minamadali
kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang accuracy ng mga datos na makakalap, pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito ng sapat na panahon.
Pinagsisikapan
dapat paglaanan ng oras, talino, panahon at maraming mapagkukuhanan ng datos sapagkat ang pag gawa ng pananaliksik ay hindi madali at dapat pagsikapan.
Nangangailangan ng tapang
sa mga pagkakataon na nahaharap sa mga mahihirap na desisyon ang mananaliksik ukol sa kanyang pananaliksik, ito ay dapat matapang na kanyang haharapin.
Maingat na pagtatala at paguulat
mga datos na nakalap ng mananaliksik ay dapat naka-tala ng wasto at tama sapagkat maliit napagkakamali ay maglalagay ng panganib ng kanyang pananaliksik.
Masipag
Matiyaga
Maingat
Sistematiko
Kritikal
KATANGIAN NG MANANALIKSIK
PLAGYARISMO
Ang pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod, at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa.
PLAGYARISMO
Isang uring pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo.
PAMANAHONG PAPEL
Uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangan akademiko.
PAMANAHONG PAPEL
Kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Tinatawag din na Term Paper.
FLY LEAF 1
Ang pinakaunang pahina na blangko laman.
TALAAN NG NALALAMAN
Nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang mga bilang ng pahina.
PAMAGATING PAHINA
Nakasaad dito kung kanino iniharap ang papel, asignatura na kinakailangan, ang mga gumawa at panahon ng kumplesyon.
Talaan ng mga Talahayanan at Grap
Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at grap na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina nito.
Dahon ng Pagpapatibay
Pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
Pasasalamat/Pagkilala
Tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong tumulong sa pagbuo ng pamanahong papel.
Fly Leaf 2
Blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.
Panimula o Introduksyon
Isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Naglalaman ng pangunahing ideya.
Layunin ng Pag-aaral
Pangkalahatang mga layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Inilalahad ang significance ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy ang maaaring maging pakinabangan nito sa buhay sa tao, larangan, pook na siya g paksa ng pag-aaral, lipunan, bansa, o daigdig
Saklaw at Limitasyon
Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Nagtatakda ng parameter ng saliksik.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Mga salitang paulit-ulit na ginamit sa saliksik na nais bigayng kahulugan, maaaring maging konspetwal o operasyonal.
KONSPETWAL
Ang depinisyon ay talagang kahulugan ng salita, gaya ng nasa diksyonaryo.
OPERASYONAL
Depinisyon kung paano ito ginamit sa pamanahong-papel.
KABANATA II
Mga pag-aaral, babasahin o literaturang konektado sa paksa ng pananaliksik.
Disenyo ng pananaliksik
Tinatalakay ang uri ng pananaliksik na gagamitin.
Respondente
Mga kalahok, kasangkot ang kanilang deskripsyon o profayl, ilan, bakit at paano sila napili.