yapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
Ang mga manunulat ay may kani-kaniyang estilo sa pagsulat ng isang akda upang maging kapanabik-panabik kanilang pagkukuwento. Maaaring sa unang bahagi o simula ng kuwento ay nagpapatawa, nagbibigay ng kaisipan o nagbabalik-tanaw ang gamit ng manunulat sa kaniyang akda upang makatawag-pansin sa mga mambabasa.
Ang mga pahayag na una, pangalawa, pangatlo, sa simula ng kuwento, kalaunan, habang, matapos, sa kawakasan, sa dulo, at iba pa ay nakatutulong sa maayos na paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang masundan nang maayos ang kuwento.