Ang pagkiklino o pag-aantas ng mga salita batay sa tindi ng emosyon o damdamin ay mahalaga sapagkat hindi lahat ng salitang magkasing-kahulugan ay pareho ang ibig iparating
Mahalagang alam natin ang angkop na salitang gagamitin natin batay sa antas o digri ng gamit nito sa pahayag o pangungusap upang mas epektibong maiparating ang mensahe
Sumulat ng isang bukas na liham para sa ating bayan
Salungguhitan ang mga salitang nagpapakita ng iyong emosyon na ginamit sa loob ng liham at isaayos ito batay sa digri o tindi ng damdaming ipinahahayag
Ngayon, simulan nating talakayin ang pabula. Ngunit bago iyon basahin mo muna ang pabulang pinamagatang "Ang Hatol ng Kuneho," mula sa salin sa Filipino ni Vilma C. Ambat