MODULE 6

Cards (50)

  • Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin
  • Ang aralin ay Pagbibigay Kahulugan sa Karakter ng Tauhan at Pagtukoy sa Katotohanan
  • Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod:
  • Lagyan ng tsek ang mga pangungusap na nagsasaad ng katotohanan at ekis naman ang hindi batay sa mga salitang ginamit sa pahayag
  • 1. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan ngang nakapasok na sa Pilipinas ang ikalawang baryant ng COVID-19
  • 2. Baka ang mga pangyayaring ito ay magdulot na naman ng panibagong pinsala sa kalusugan ng mga Pilipino
  • 3. Napatunayang mabisa ang paggamit ng face shield, face mask at pagsunod sa mga health protocol ng ating bansa
  • 4. Marahil ang mga bagay na ito ay dapat talagang pagtuunan ng pansin upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan ng mga Pilipino
  • 5. Isang mabisang pag-aaral at pagsusuri ang isinagawa kaya napatunayang kailangang palakasin ang resistensya upang tuluyang makaiwas sa nasabing sakit
  • Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay ng kahulugan sa karakter ng mga tauhan at pagtukoy sa mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan
  • Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain
  • Balik-aralan mo ang tungkol sa natutuhang aralin noong nakaraan sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa kilos at karakter ng mga tauhan
  • Punan ang talahanayan na makikita sa ibaba ng diyalogo
  • Suriin ang mga pahayag na nakatala sa ibaba. Sabihin kung alin sa mga ito ang makatotohanang pahayag at di makatotohanang pahayag. Pagkatapos ay ipaliwanag ang iyong sagot kung bakit ito naging makatotohanan o di makatotohanan
  • Sa araling ito'y isang dula mula sa Pilipinas ang iyong mababasa. Ito ay mula sa panulat ni Dionisio S. Salazar na nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Palanca noong 1968
  • Si Salazar ay isa sa mga manunulat na Pilipinong naghandog ng kaniyang buhay at talento sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagtampok ng panitikan sa bansa
  • Ilarawan ang mga tauhan batay sa binasang diyalogo
  • Batay sa iyong pagkakaunawa sa nabasang diyalogo, ano ang nangingibabaw na damdamin ni Ligaya sa binasa?
  • Masasabi bang si Marta ay isang mabuting ina? Pangatuwiranan ang iyong sagot
  • Magbigay ng (3) tatlong salik bakit nangingibang bayan ang ilang mga Pilipino? Ipaliwanag ang mga ito
  • Bilang isang kabataan, naniniwala ka bang ang pangingibang bansa lamang ba ang natatanging sagot o solusyon upang guminhawa ang buhay ng isang tao? Magbigay ng halimbawa o sitwasyon batay sa nangyayari o naoobserbahan sa iyong paligid
  • Mula sa loob ng kahon subukang gamitin ang mga salitang nakasulat dito sa isang makabuluhang pangungusap batay sa pagkaunawa sa akdang binasa
  • Bilang isang kabataan, naniniwala ka bang ang pangingibang bansa lamang ba ang natatanging sagot o solusyon upang guminhawa ang buhay ng isang tao?
  • Magbigay ng halimbawa o sitwasyon batay sa nangyayari o naoobserbahan sa iyong paligid.
  • TAUHAN
    Mga karakter sa akda
  • DESKRIPSYON
    Paglalarawan sa mga tauhan
  • Ang mga akdang pampanitikan tulad ng kuwento, dula at iba pa ay binubuo ng mga tauhan. Ang mga tauhang ito at may kani-kaniyang karakter na ipinakikita.
  • Mabibigyan mo ng kahulugan ang karakter ng mga tauhan batay sa kaniyang ikinikilos, gawi at pananalita na makikita mismo sa akda.
  • Bahagi ng buhay ng tao ang makarinig o makakuha ng impormasyon, kaalaman, o iba pa. Kaya nararapat lamang na maging maingat sa pagpili at pagtanggap ng mga nasabing impormasyon.
  • Kinakailangan ng masusing pagbeberipika at pagsusuri upang malaman kung ang mga ito'y makatotohanan o hindi.
  • Katotohanan
    Pahayag na may suportang datos, pag-aaral, pananaliksik, at suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat
  • Opinyon
    Pahayag na walang katiyakan o walang sapat na basehan, sari-sariling kuro-kuro o palagay ng tao, pamahiin, opinion page sa pahayagan, at iba pang katulad
  • Ang isang pahayag ay makatotohanan kung ito'y may suportang datos, pag-aaral, pananaliksik, at suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat.
  • Sa pagtukoy ng mga katotohanan sa akda ay maaaring iberipika kung ito ay nangyayari sa totoong buhay o hindi.
  • Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging tumpak at wasto ang mga pahayag, salita, at gramatikang gagamitin sa pagpapahayag.
  • Mayroon ding mga pahayag na ginagamit sa pagsasabi ng mga bagay na walang katiyakan o walang sapat na basehan. Ang ganitong pahayag ay karaniwang hindi suportado ng datos o siyentipikong basehan.
  • Ang anyaya ng pilak ay totoong mahirap tanggihan.
  • Lubhang makapangyarihan ang salapi, anak.
  • Sabi ko'y bakit kailangan pa niyang mangibang bansa ay sa hindi naman tayo kinakapos. Aming kita, siya sa panggagamot at ako sa pagtuturo, ay sapat naman sa ating pangangailangan.
  • Sino ho bang hindi ibig makaipon. Ngunit sa patuloy na pananagutang sosyal at sibiko, matrikula, mag aklat, at iba pa ay medyo may kahirapang makaipon.